Gitara-Part 12

3.4K 107 5
                                    

-

 Isang linggo na ang nakaraan matapos yung Eksena 'daw' namin ni Zeus..

 Matapos nun ay Lalo akong napalapit kay Zeus. Parang siya ang pumalit bilang Bestfriend ko.

Todo iwas na naman ako kay Matthew.. Palagi ko din siya Nakikitang kasama si Sheena. Nung makauwi ako matapos nung Kanta. Nakareceive ako ng text mula kay Matthew.

Nagkasakit 'daw' ang Girlfriend niya nung gabing yun, Hindi niya maiwan kaya hindi na siya nakabalik pa. Napabuntong hininga lang ako.. Ang akala ko ba ako ang Number One sa Puso niya? Gusto ko na namang maiyak.. Second Choice padin ako.Mula nun hindi ko na siya tinext. Umiiwas na din ako.

Ngayon, nandito ako sa School Garden. Dinala ko yung Gitara ko kasi sabi ni Zeus, dadalhin niya yung kanya at sabay kaming mag gigitara. Nag-i-strum lang ako ng Gitara ng May tumabi sa'kin.. Nagtuloy lang ako sa Pag-strum

"Ang galing mo nang mag-Gitara." saad niya. hindi ako umimik. "Dati, tinuturuan pa kita. Ngayon, mukhang ikaw na ang magtuturo sa'kin." muling sabi niya. Narinig ko ang Pagbuntong hininga niya. "Im Sorry. Kung hindi kita napanuod. Sorry," malungkot na sabi niya. Huminga ako ng malalim at tinigil ang pag-strum. Tumingin ako sa kanya.

"Kalimutan mo na yun. Tapos na eh." saad ko. Yumuko naman siya.

"Sorry.. Yun ang unang pagkakataon na Hindi kita napanood." malungkot ulit na saad niya. Hindi ako sumagot, Tumingin siya sa'kin. "Best Friend Iniiwasan mo ba 'ko?" tanong niya. Napaiwas ako ng Tingin.

"Ha? Bakit naman kita iiwasan?" balik tanong ko at nag-umpisa ulit mag-strum. Nagbuntong hininga ulit siya.

"Pwede, Pahiram?" saad niya. Napatingin ako sa kanya.. Nakatingin siya sa Gitara ko na binigay niya.

"Ha?" tanong ko

"Pahiram. Namimiss ko na magGitara eh." Nakangiting saad niya.. Huminga muna ako ng Malalim bago ko iabot sa kanya. Nag-umpisa siyang Mag-strum. "Kanta ka ha?" saad niya ng nakangiti. Napangiti din ako, Ganito kami Dati. Mag-GiGitara siya tapos ako ang kakanta. Pinakinggan ko ang GiniGitara niya.. Friend of mine..

[PLAY NYO MUSIC>>>>>]

~I’ve known you for so long You are a friend of mine But is this all we’d ever be?

 Magkatinginan kaming dalawa.

~I’ve loved you ever since You are a friend of mine But babe, is this all we ever could be?

 sa kantang ito, nasasabi ko ang tunay kong nararamdaman..

~You tell me things i’ve never known I’ve shown you love you’ve never shown But then again, when you cry I’m always at your side You tell me ’bout the love you’ve had I listen very eagerly But deep inside you’ll never see This feeling of emptiness It makes me feel sad But then again i’m glad...

 Ngumiti siya, napangiti din ako.. Mahal ko talaga siya..

~I’ve known you all my life You are a friend of mine I know this is how it’s gonna be I’ve loved you then and i love you still You’re a friend of mine Now, i know friends are all we ever could be

 Ibang saya ang nararamdaman ko, kapag siya na ang kasama ko.

~You tell me things i’ve never known I’ve shown you love you’ve never shown But then again, when you cry I’m always at your side You tell me ’bout the love you’ve had And i listen very eagerly But deep inside you’ll never see This feeling of emptiness It makes me feel sad But then again Then again Then again i’m glad......

 Natapos akong kumanta.. Ngumiti ulit siya sa'kin. Hinawakan niya ang pisngi ko..

"Bakit...Bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong niya. Gulat naman akong napahawak sa Pisngi ko.. Bakit may luha? Pinahid ko ang luha ko..

"Ah.. W-wala." saad ko.. Nakakatuwang isipin na, Kahit anong gawin ko, kahit pagbali-baliktarin ko ang Mundo. talagang Magkaibigan lang kami. Wala akong karapatan mag selos. Wala akong karapatan magalit. Bestfriend lang ako.. Naramdaman ko ang Paghawak niyang muli sa Pisngi ko.. At unti-unti. Inilalapit niya ang mukha niya sa'kin. nakatingin lang ako ng Deretso sa kanya, at ganun din siya.. Sobrang lapit ng mukha niya sa'kin. Napapikit ako.. Ang lakas ng tibok ng puso ko.. Naramdaman ko ang Pagdampi ng labi niya, sa Noo ko.. Dumilat ako.

"Wag ka ng Umiyak...nasasaktan ako kapag ganyan ka eh.." lalo akong natulala sa sinabi niya.. Ginulo niyang muli ang Buhok ko.. "Punta na 'ko sa Room namin ha? Di ka pa sasabay?" tanong niya. Umiling ako.. Tumayo na siya. Tinignan ko siya at nakatingin lang din siya sa'kin. Bumuntong hininga siya tapos tumalikod na at naglakad paalis..

 Napahawak ako sa Dibdib ko.. Para akong aatakihin sa sobrang kaba.. Napapikit ako, at muli ding napadilat ng maalala ko ang Araw nung Nagkahalikan kami ni Zeus. Napahawak ako sa Labi ko. Muli akong napahawak sa Dibdib ko.. Ano ba talaga 'tong nararamdaman ko...

--

 ZEUS POV..

Nakatayo lang ako sa Likod ng Puno habang nakasilip sa kanila.. 

Ang gandang View.. Nag gi-Gitara si Matthew at Kumakanta si Crystal. Nakita ko ang Pag ngiti niya.. sana.. Sana dumating ang araw na, Masisilayan ko ang Ngiti mo, na ako naman ang Dahilan.. Napabuntong hininga ako.. Sinukbit ko ulit ang Gitara ko sa Likod ko at Nagsimulang maglakad paalis..

Masaya siya.... sa Piling nga lang ng Iba...

---

 A/N: Oh diba? Ang haba ng Pov ni Zeus. ^p^

 VOMMENT po <3 LabadabLAB<3

Gitara [Completed]Where stories live. Discover now