Gitara-Part 13

4K 95 4
                                    

----

 "Zeus.." Tawag ko sa Lalaking iniiwasan ako. Tumingin siya sa'kin. "Galit kaba sa'kin?" tanong ko.. Hindi siya sumagot "May..may nagawa ba akong mali?" Muling tanong ko. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung bakit Hindi niya ako pinapansin. Hindi niya nga ako sinipot nun sa Garden. At ngayon, Last Week na namin kasi Next week, All souls Day na. Napayuko ako. Naramdaman ko ang paglapit niya sa'kin. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat.

"Sorry." saad niya, napatingin ako sa kanya. "Di ako galit. TinaTry ko lang kung mamimiss mo 'ko" nakangiti niyang sabi. hmp. Kainis 'to. Hinawakan niya ako sa Kamay, sakto namang makakasalubong namin si Sheena at Matthew. Napatigil ako.. Nakita ko si Matthew na nakatingin sa Magkahawak naming kamay ni Zeus. Hinila ko ang kamay ko..

"Hi, Crystal." Bati ni Sheena.

"H-hi." sagot ko..

"Nag Lunch kana Best friend?" tanong ni Matthew. Napatingin ako sa kanya

"Oo.. k-katatapos lang." sagot ko.. Tumango-tango siya tapos umalis na. Huminga ako ng Malalim. Bakit kinabahan ako? Feeling ko nagtataksil ako.. Muling hinawakan ni Zeus ang kamay ko.

"Wag ka paapekto." saad niya tapos nginitian ako.

 Nagpunta kami sa Garden at umupo sa Bench.

"Hindi ka sumipot." pagbasag ko sa katahimikan. "Hinintay kaya kita. Dinala ko pa naman yung Gitara ko. Tapos di ka naman pala magpapakita." saad ko.. Kinurot niya ang pisngi ko.

"Pumunta ako.. kaso, mukhang masaya ka naman nun eh." sabi niya, Napatingin ako sa kanya.

"Nakita mo?" tanong ko.

"Oo, nakita ko kayo ni Matthew. Sweet nga eh." nakangiti nyang sabi. "Di na 'ko nang-istorbo. Para naman makapag-usap pa kayo." dugtong niya. Napangiti ako

"Thank you.." sabi ko.. Bigla naman siyang sumandal sa Balikat ko. 

"Haaayys.. Isang linggo kitang hindi makikita." sabi niya. "May dadalawin kaba?" tanong niya

"Hmm.. Wala. Sa Probinsiya yung Lolo kong namatay eh, masyadong malayo. Ikaw?" balik tanong ko.

"Meron.... " sabi niya, inangat niya yung ulo niya tapos tumingin sakin. "Yung puso kong, patay na patay sayo.." dugtong niya.. Napanganga ako.. Nakangiti lang siya sakin..

"Pffft.. HAHAHAHAHA! ganyan kaba bumanat Zeus? Makaluma! Pwahahaha!" napatingin kami kay LYKA na tawa ng tawa.

"Kanina kapa diyan?" iritang tanong ni Zeus. Napapangiti na din ako.

"Wahahaahah! Sorry naman sa Pang-iistorbo no. Pero, Mag-uumpisa na po kasi ang Klase." saad niya. Hinawakan ako ni Lyka tapos hinila paalis. HIndi na ko nakapagpaalam kay Zeus.

"Grabe, lakas ng tama sayo nun. Hahah!" saad ni Lyka.

"Manahimik ka nga." sabi ko.

"Manahimik, pero nakangiti ka dyan!"-siya.

"Hoy! Anong nakangiti, hindi ah!"-ako

"Asuuuus! Indenial! Alam mo, Sa tingin ko. Inlove kana kay Zeus eh, Hindi mo lang maamin dahil Pinipilit mo, pinipilit ng Isip at Puso mo. Na si Matthew ang Mahal mo!" natakpan ko naman ang bunganga niya.

Gitara [Completed]Where stories live. Discover now