Gitara-Part 7

4K 108 2
                                    

A/N: Click niyo po External Link, sa gilid. Completed na po ang Lovebabe [Sexy Gangster] sana po suportahan niyo din. Salamat. <3

---

 "Good Morning." bati ko sa Kagigising lang na si Zeus. Napabalikwas naman siya.

"N-nakatulog pala ako.. Sorry.." sabi niya habang kinukusot ang Mata.

"Oo nga eh. Hindi tuloy ako Nakapasok. Di kita maiwan dito eh." sabi ko, napatingin naman siya sa'kin

"Sorry.. Sorry talaga."-siya.

"Ok lang. Almusal na tayo." Pag-aya ko sa kanya. Pumunta kami sa Maliit na kusina. Umupo kami sa Upuan at saka inumpisahang kumain.Pansin ko lang, kanina pa siya tahimik. Ganito ba siya kapag bagong gising? Nang matapos kami kumain ay Nagpresinta siya na Maghugas ng Plato pero hindi ako pumayag.

"Umupo kanalang muna dun. Ako na dito." sabi ko, pero ang kulit niya talaga -__- Ayan! Dalawa na kaming naghuhugas..Kukunin ko na sana yung isang Plato para sabunan. kaso Nagkasabay kami. Nahawakan ko tuloy kamay niya. "S-sorry." sabi ko sabay alis ng kamay..

 Nang matapos kami maghugas ay Pumunta kami sa Sala.. Umupo ako at ganun din siya. Habang tulog siya kanina ay Naligo na 'ko..Para hindi Awkward.

"Panigurado, magtataka si Lyka kung bakit nagkasabay tayo ng pag-absent." sabi niya.. Sa totoo lang, wala naman ako pakialam kung ano man isipin ni Lyka. As long as wala naman kaming ginagawang masama ni Zeus.

"Pwede naman tayong pumasok mamayang Afternoon Class." sabi ko.. Nag-isip naman sya.

"Pwede din." sagot niya. Tumayo siya at humarap sa'kin. "Mauna na pala 'ko. Para makapag-ayos na 'ko. Tanghali na din kasi." sabi niya. Tumayo din ako..

"Sige, Hatid na kita sa labas." sabi ko tapos nauna ng lumabas.

"Hmm, salamat pala ha." nakayukong sabi niya

"Salamat saan?" nagtatakang tanong ko.

"Sa pagpapatulog. Sa pagkain. At sa Pagkanta." napangiti ako.

"Wala yun." sagot ko..

"Hmm, Sunduin kita?" tanong niya. Napataas naman ang kilay ko.

"Wag na, Kita nalang tayo sa School." sagot ko. Tumango naman siya..

"Bye." paalam niya, Ngumiti nalang ako.. Nang makalayo na siya ay Pumasok na ko sa Loob para magbihis ng Uniform..Nang makapagbihis ako ay Tumambay muna ako sa Kwarto ko.. 11am palang naman.. Umupo ako sa Tapat ng Bintana atsaka humalumbaba..

*Bzzt Bzzztt*

Kinuha ko mula sa Bulsa ko ang Cellphone ko.. Malamang,si Daddy na naman ito at mangungulit na Sumama ako sa Kanya pabalik ng Ibang bansa -__-

[Hey, Bakit ka Absent?]

si Bestfriend pala. =) Nireplyan ko siya.

'Tinanghali ako ng gising' pagsisinungaling ko. Ayokong sabihin na dahil andito si Zeus kaya ako di nakapasok. Baka kung ano pa isipin nun.. Inantay ko siya magreply pero ilang minuto na ang nakalipas ay Wala pa din reply mula sa kanya. Inayos kong muli ang sarili ko at napagpasyahan na Pumasok na..

Gitara [Completed]Where stories live. Discover now