Gitara-Part 9

4.1K 115 1
                                    

Si SHEENA YUN OH --->>>>

----

 Monday na at Ok lang na naka Civilian kami. Festival eh. Nag Jeans at White shirt nalang ako, Para simple, pero Rock! ay! ano ba yan, nagagaya na 'ko kay Lyka -__-

Pag dating sa School, ang Daming MoyMoyPalaboy ng Estudyante. Meron dito, meron dun. Dumiretso ako sa Paglalakad. Kissing Booth ang sa Section namin. Dahil may Kaklase kaming Gwapo. Sila ang ginamit namin ^___^

 Umupo muna ako sa Bench. Nakakapagod kayang maglakad. Nagmamasid lang ako ng biglang may Tumabi sa'kin.

"Oh.." sabay abot sa'kin ng Cotton Candy na nasa Stick.

"Salamat." tugon ko.

"Naalala mo paba dati? Palagi tayong kumakain ng Cotton Candy kapag School Festival." Napatingin ako sa kanya.. Nanatili namang malayo ang tingin niya. "Color Blue sayo, tapos akin yung Pink. Haha!" pagpapatuloy niya, bigla siyang Tumingin sa'kin. "Namimiss na kita Bestfriend." Saad niya. Muntik ko ng Mabitawan yung Cotton Candy. "Namimiss ko na ang Pag-uusap natin, Pagkukulitan, asaran. Namimiss na kita. I'm sorry.." Biglang lumungkot ang mukha niya. "Alam ko may Tampo kana sa'kin, kahit di mo sabihin, Ramdam ko. Sorry BestFriend ha? nawawalan ako ng Time sa'yo. Sorry." saad niya. Napaiwas ako ng Tingin. Eto na naman siya sa Sorry niya.

"Ayos lang yun. Para naman sa Lovelife mo eh." Pekeng Ngiting saad ko, Bumuntong hininga siya.

"Si Sheena.." Panimula niya. "Matagal kaming hindi nagkita. Nagulat nga ako nung Nagtransfer siya dito tapos kausapin ako.." nakangiti niyang sabi. Parang may kumirot sa Puso ko. Masaya siya, Oo, Pero hindi nga lang dahil sa'kin. "Sabi niya.. Mahal niya pa din daw ako. Haha!" pagtawa niya. "Mahal? Samantalang PuppyLove lang yun. 12 lang ata kami nun eh." tuloy niya, muli siyang bumuntong hininga. Napailing-iling siya. "Pero wala eh. Totoo nga ata ang kasabihang 'First Love Never dies'. AKHSDFL--" Napatingin naman ako sa kanya ng Hindi ko naintindihan at narinig ang huli niyang sinabi. Ang hina kasi -___-

"Ano?" tanong ko, Ngumiti naman siya at piningot ang ilong ko..

"Wala. Sabi ko, nood ka ng Laban ko sa Thursday ha?" sabi niya.

"Oo naman. Supportive Best Friend ata 'to!" nakangiting saad ko. Lumapad naman ang Ngiti niya at ginulo ang Buhok ko..Tumayo siya at muling humarap sa'kin kaya tumayo din ako. Hinawakan niya ko sa magkabila kong balikat at tinignan ako ng Deretso.

"Basta, Tandaan mo yung sinabi ko ok?" saad niya, Napakunot naman ang Noo ko. sinabing ano?

"Ha?" tanong ko ng Nagtataka. kinurot niya ang magkabilang pisngi ko

"Nakalimutan mo agad? Diba sabi ko, Kahit may nililigawan o magka Girlfriend ako. Ikaw padin ang Number one sa Puso ko." Nakangiti at seryosong sabi niya.. Nanlaki ang Mata ko. Firstlove laban sa Bestfriend?

"Kahit, Firstlove mo siya?" ay shoot! Bakit ko ba naitanong yun? argh! Napakagat labi nalang ako.. Bigla naman niya akong niyakap.

"Kahit Firstlove ko siya. Ikaw padin dito sa Puso ko.." bulong niya..

*DUGDUGDUGDUDGUDUG* Nangangabayo na naman ang puso ko..

Gitara [Completed]Where stories live. Discover now