Gitara-Part 2

6.2K 129 2
                                    

Si Matthew yung nasa Gilid ------------>>>

--

 Habang naglalakad ako papunta sa School, bigla nalang may umakbay sa'kin. Tinignan ko siya at nakita ko ang Gwapo nyang mukha.

"Good Morning Best Friend!" masayang bati nya.

"Morning din" ako sabay iwas ng tingin, ramdam ko ang pag-init ng mukha ko. Pati pagbilis ng tibok ng Puso ko ay nararamdaman ko. Ang lakas talaga ng epekto nya sa'kin.

 Nang makarating kami sa School ay pinagtitinginan kami. Wala ng Bago dun dahil kilala kami sa School na 'to hindi bilang Couples or Lovers, Kilala kami dahil mag Best Friend kami. Ang dami nga nanghihinayang, bakit daw Hindi nalang namin totohanin gayong bagay naman daw kami. Yan din ang tanong ko sa sarili ko, Bakit nga ba hindi nalang namin totohanin? Pero sa tuwing makikita kong masaya ang Best friend ko dahil sa babaeng 'Crush' nya ay isinasantabi ko nalang ang nararamdaman ko.

"Hatid na kita sa Room mo." bulong nya sa'kin. Tumango lang ako bilang sagot.

 Nang makarating kami sa Tapat ng Room ay humarap ako sa kanya ..

"Sunduin kita mamayang Break time ha? Sabay tayong kakain. Ok?" sabi nya.., muli, tumango ako bilang sagot. Bago siya umalis ay inilagay nya muna ang Palad nya sa Ulo ko atsaka marahang ginulo ang buhok ko.. Nang makalayo siya ay napabuntong hininga nalang ako.

 Ganito nalang palagi. ang pagiging mabait at sweet nya sakin ang lalong nagpapahulog ng loob ko sa kanya. Matatawag ko ba yun na 'Paasa' siya kung ganun siya? O ako lang talaga ang Umaasa. Haayyys..

 Pagharap ko sa pinto para sana makapasok na sa Room ay bumungad saakin ang kaklase kong 'Nerd' Kinakausap nya 'ko kahit di ko naman siya kinakausap.

"Hanggang Tingin kana lang ba? Tsk.Tsk. Kung ako sayo, Aamin na 'ko. Baka maunahan kapa ng Iba dyan." sabi nya, di ko nalang siya pinansin at nagtuloy na 'ko sa upuan ko.

 Nang tumunog ang Bell, hudyat ng Pagtatapos ng dalawang klase ay agad kong inayos ang mga gamit ko.

"Best Friend!" narinig kong sigaw ng Lalaki mula sa labas. Tinignan ko siya at nag sign ng Wait. tumango naman siya atska ko ipinag patuloy ang Pag-aayos sa gamit ko.

Ng matapos ako ay agad akong lumabas.

"Sorry Best, Natagalan" pagpapaumanhin ko.

"Ayos lang, tara?" umoo lang ako tapos kinuha nya yung bitbit kong Libro. Ng makarating kami sa Cafeteria ay dumiretso kami sa Iba nyang kaibigan na Lalaki.

"Hello Crystal!" saba-sabay nilang sabi.. sa totoo lang ay hindi ako sanay na Makasama ang mga ito. Ilang talaga ako sa ibang tao, di ako sanay na nakikisalamuha sa Marami. Pero dahil kaibigan sila ng BestFriend ko ay tinitiis ko.

 katulad ng dati ay si Matthew na ang umorder ng kakainin ko.

habang nasa counter si matthew, narinig ko pa ang pag-uusap ng mga kaibigan nya.

"Swerte talaga ni Matthew ano?" sabi nung isa, naging interesado naman ako dahil si Matthew na ang pinag-uusapan nila ..

Gitara [Completed]Where stories live. Discover now