Gitara-Part 8

3.9K 110 28
                                    

--

 Sabado na naman -__- Matapos nung Gabing Nagpunta si Zeus sa apartment ko ay Hindi na ulit siya nagpakita. Para na siyang si Matthew. Hindi na nagpaparamdam. Hindi na din ako kinakamusta ni Best. Ngayon lang siya nagkaganyan, yung makalimutan ako. Kung sa Bagay. First niya pala si Sheena. First Love, First Girlfriend. At kababata niya pa. Kaya wala akong laban dun.

 Nagtataka ba kayo kung nasaan ako? Pwes, wag niyo na alamin dahil kanina pa 'ko nabubwisit.

"Crystal,Anak. Bakit ba ayaw mo sumama sa Daddy mo? Kesa naman Palagi kang mag-isa sa Apartment na tinutuluyan mo."-si Mommy yan. Oo! Nandito ako sa Labas. Restaurant. Nakipagkita si Mommy para lang kulitin ako.

"Ilang beses ko po ba dapat sabihin at ulitin na. A-YO-KO, Ayoko!" pagdidiin ko. Bumuntong hininga naman siya

"Bakit ba ayaw mo? Bigyan mo ko ng magandang dahilan." grrrr.. kulit

"Sapat na bang dahilan ang Pag-aaral ko, Mommy?" sagot ko. Natigilan naman siya. Nawala siguro sa isip nila na nag-aaral ako. Paano nga naman nila malalaman kung puro Pera lang nila ang nakakasama ko. Bumuntong hininga ulit siya.

"Oh siya sige. Kakausapin ko ang Daddy mo." sabi niya. Hay sa wakas! -__- Tumayo na 'ko "saan ka pupunta?" tanong niya..

"Uuwe?" patanong din na sagot ko.

"Anak.. Alam ko galit ka sa'kin at sa daddy mo. Pero sana, maintidihan mo na ma---"

"May Bago ka ng Pamilya at si Daddy nakalimutang may anak siya. Tsk. Alam ko na yan." pagputol ko sa sinasabi niya..

"Im sorry.."-siya.. Umisnab ako sa Hangin.. Ang Drama -___- Bumitaw na siya sa'kin kaya umalis na 'ko. Wala akong panahon makipag dramahan sa kanya. Kung talagang may Pagmamahal siya sa'kin at kung talagang nag-aalala siya. Bakit di niya nalang ako sinama noon, nung naghiwalay sila ni Daddy? Kung may halaga ako sa kanila, dapat hindi nila ako Iniwan. Tsk. Pera? Kanila na pera nila -___-

 Patuloy lang ako sa Paglalakad.. Hanggang sa Napadpad ako sa isang Park. May mga Palaruan din dito para sa mga bata, tulad ng Swing, Slide. at iba pa. Umupo ako sa Swing at sinalpak ang Earphone ko. Pumikit ako at marahang Idinuduyan ang sarili ko..

***

 "Lumayas ka dito!" sigaw ng daddy ko, nag-uumpisa ng mag-impake si Mommy.

"Mom.. Dad. Tama na po yan.." awat ko habang may tumutulong luha sa mata ko.

"Tumigil ka! Magsama kayo ng Mommy mo! Ayoko sa katulad mo! Para kang hindi babae kung kumilos at manamit! Ano nalang sasabihin ng mga Kasosyo ko ha?! Nakakahiya ka!" sigaw ni Dad. Ano ba ang masama sa pagiging Simple? Palibhasa Yung mga anak ng Kasosyo at kaibigan niya eh masyadong Lantad..

"Mommy.. Mommy. wag mo 'ko iwan dito." pigil ko sa Palabas ng Pinto na si Mommy.

"Hindi kita pwedeng isama. May iba akong Pamilya. Maghihiwalay na kami ng Daddy mo." bumitaw ako sa kanya. Bakit? Hindi niya ba ako pamilya? Hindi niya ba ako anak? kasunod ng Pag-alis ni Mommy ay ang Pag-alis naman ni Daddy.

 Bakit ganun sila? Ayaw ba nila sa'kin?

Sa isang Palaruan sa Subdivision, Palagi akong Naglalaro. Pero ni-isa, walang gustong makipaglaro sa'kin. Hanggang sa isang Araw. May batang lalaki na lumapit sa'kin. Nakipaglaro siya sa'kin, Hindi siya nandidiri o kung ano man sa tulad ko. Kinaibigan niya ako. At simula nun, palagi na kaming nagkakasama. Nagturingan kaming mag Bestfriend at sa Di inaasahan eh Nagpatalo ako kay Kupido. Nainlove ako sa Kanya..

***

 Napadilat ako ng Maramdaman kong may humawak sa Pisngi ko. Bumungad sa'kin ang Napakaamong mukha.

"Umiiyak kana naman.." Mahinang saad niya, hinawakan ko ang Pisngi ko. May Luha, siguro ay pinahid niya ang Luha ko.. "Anong ginagawa mo mag-isa dito?" tanong niya tapos umupo siya sa katabing Duyan. Bumuntong hininga ako..

"Pasyal lang." sagot ko.

"May Problema ka ba, Crystal?" tanong niya.. pero imbis na sagutin ko ang tanong niya, ay tinanong ko din siya.

"Nag-iisang Anak ka, diba?" tanong ko. Napatingin siya sa'kin

"Oo. Bakit?" Muli akong bumuntong hininga.

"Masaya ba ang Kumpletong Pamilya?" tanong ko, kumunot ang noo niya.

"Masaya? ewan. Minsan ko lang naman makasama ang Parents ko eh. Busy sila palagi sa Trabaho nila." malungkot na sagot niya. Kung ganun, parang pareha lang pala kami, ang pinagkaiba nga lang. Buo pa ang pamilya nila. "Ikaw? ang alam ko nag-iisang anak ka din, pero never ko pa nakita Parents mo, kahit Picture nila sa Apartment mo, wala. Nasaan ba sila?" tanong niya. Tinignan ko siya..

"Iniwan nila ako." sagot ko, tapos umiwas ako ng tingin..

"Im Sorry.."-siya.

"Wag ka magsorry, hindi naman ikaw ang nang-iwan. Tsaka, suportado naman nila ako eh. Pero hindi yun eh..." muli akong bumuntong hininga. "Hindi yung Pera nila ang gusto ko, kundi Sila mismo." Pumikit ako ng Maramdaman kong pabagsak na ang luha ko. "Ang sakit maiwanan.. Palagi nalang akong Mag-isa.. Nung mga panahong yun, si Matthew ang Pumalit sa Magulang ko, Dumating siya nung Panahong kaylangan ko ng Makakasama. Andun siya nung Panahong Feeling ko iniwan na 'ko ng Lahat.. Kaya, masisisi mo ba ako kung Bakit Na-Inlove ako sa kanya? Siya lang ang Meron ako noon..Siya lang.." tinakip ko ang Palad ko sa Mukha ko ng Tuluyan ng Tumulo ang Luha ko.. "Pero ngayon.. wala siya.. Nasasaktan ako kasi sa tagal naming magkakilala, bakit hindi ako ang Minahal niya? sabi niya Mahal niya ko, pero bakit hanggang Kaibigan lang? Hanggang dun nalang ba? Sa tuwing may nililigawan siya o May GF siya, Nakakalimutan niya ko..Ang sakit..Gusto kong magalit at magtampo sa kanya pero bakit isang sorry niya lang OK na ulit ako? Napaka Unfair naman ni Kupido. Magpapana na nga lang, hindi pa dinamay si Matthew.."  Humarap ako sa kanya atsaka ngumiti.. "Pasensiya kana ha? Nailalabas ko sa'yo yung Totoong nararamdaman ko.. Ikaw kasi ang dumadating Pag kaylangan ko ng Kausap ehh. Salama--" nagulat ako ng Bigla niya akong niyakap

"Sige, iiyak mo lang yan.. Kahit gawin mo akong Panyo sa tuwing iiyak ka, Ayos lang.kahit Gawin mo 'kong sandalan kapag Feeling mo Di mo na kaya, Ayos lang. Basta yun ang makakapagpagaan ng Loob mo. Ayos lang. Hindi kita iiwan." Muling tumulo ang luha ko sa Binitawan niyang salita.. 

"Bakit ka ba ganyan? Bakit minamahal mo 'ko kahit alam mo namang di kita mahal?" tanong ko, Umalis siya sa pagkakayakap at humarap sa'kin. Pinahid niya ang luha ko

"Isipin mo nalang na. Ako at Ikaw ay pareha lang.. Minamahal kita kahit di mo ako mahal. Minamahal mo siya kahit di ka niya Mahal. Pareha lang tayo ng nararamdaman." Tama siya. Pareha kaming nagpapakatanga. Ang pinagkaiba lang, ako nagpapakatanga sa Best Friend ko, siya. Nagpapakatanga sa'kin..

 Muli niya akong niyakap at hinaplos ang Buhok ko..

"Hindi kita Pipilitin na Mahalin mo 'ko. Ang gusto ko lang, Hayaan mo ako na Mahalin at Alagaan ka." bulong niya.. Tumango-tango ako.. Isipin niyo ng Ginagamit ko siya. Pero ito lang kasi ang kaylangan ko, ang Masasandalan. at Mapagkakatiwalaan..

--

 A/N: ehhhhh. Andrama -___- Sino mas gusto niyo? si Zeus o si Matthew?

 COMMENTniyo lang ^___^ salamat! <3

Gitara [Completed]Where stories live. Discover now