Chapter 70: What is happening?

1.4K 20 3
                                    

MULI AKONG NAGBABALIK!

Sensya medyo matagal din akong nawala. Medyo busy eh. Intindihin nio na lang sana ha?

Anyways, hindi ko alam kung bakit ganyan ung UD. May aftershock pa ata ung pagkakaron ko ng writer's block.

Kayo na bahala magjudge.

***

(Sandra’s POV)

*Buntong hininga* >.<

 Ano bang ginagawa ko dito? Sana pala nagstay na lang ako sa bahay. Ang bopols ko talaga kahit kelan oh

Ang boring pa. Naka-upo lang ako. Puro pa mga couples at buntis ang mga dumadaan sa harap ko. Nag-aasar ba si tadhana ngaun? Ang lakas ng saltik ah

Napahikab ako. Tatlong oras lang, less pa ata, ang tulog ko kagabi. Walanjo talaga, bakit nga ba ko nandito uli? Pucha naman

Ahh oo nga pala. Nasa isang ospital ako ngaun. Naka-upo sa waiting area. Nagpasama kase sakin si Shea para sa mga pre-natal check-up nia. Pano kase hindi parin sinasabi kay kuya na buntis sya. Ewan ko ba dun kung bakit, isa pa ung may saltik eh. May pasuspense-suspense pang nalalaman. Daming kaartehan sa mundo!

Napahawak naman ako sa ulo ko na kanina pa pumipintig sa sakit. Pano wala parin akong kain. Nung ginising ako ni Shea, pina-ayos lang ako saglit tas umalis na agad kami. Ako pa ang pinagdrive nia ha. Nagpasama na nga, ginawang driver, ginutom pa. Anak ng hunnyango naman talaga oh

And to think na may pasok pa ko mamaya? This couldn’t get any worst. Lucky day ko ata ngaun. Oh baka naman talagang sinusubukan lang ang pasensya ko? Ay aywan!

*zzzzt.zzzt.zzzt*

Napahawak naman ako sa bulsa ng sweat pants ko at kinuha ang cellphone ko dun

Flynn <3

Mobile

Napabuntong hininga na naman ako. Idagdag mo pa yang si Flynn Hernandez!

Ibinalik ko na lang ung cellphone ko sa bulsa kahit na nagvivibrate pa yan at medyo nakakakiliti. Bakit ba! Inis parin ako sakanya! Kaya wag sya dyan

Masyado ba kong vain? Sensya naman. Medyo nagulat lang talaga ako sa mga sinabi nia sakin kahapon. I mean, sino ba naman hindi diba? Nakakabyerna parin isipin

Bigla naman akong napa-isip sa sinabi sakin ni Shea kanina. Ung babaeng un talaga, minsan ang deep eh

Flashback

“Ano ba kasing sinisimangot mo dyan? Ung nguso mo humahaba na bhest oh” sabi ni Shea sabay tusok sa nguso ko

“Oy ano ba naman yan Shea, kita mong nagdadrive ung tao oh!” babaeng ‘to talaga oh. Minsan hindi nag-iisip

“Eh ano ba kasing ikinagagalit mo? Kala ko ba okay na kayo kahapon?” naikwento ko na kase sakanya ang buong storya kung bakit kami nagkakaganito ni Flynn. Mula dun sa salon, ang puno’t dulo ng lahat

“Anong okay? We’re far from okay. Tsaka nabibwisit parin ako sakanya. Leche yang Suagr na yan. Ang kapal ng mukha”

“Alam mo, ang gulo mo rin eh. Hindi kita maintindihan. Bakit ka ba nagagalit eh tamong may sira ata sa ulo ung Sugar na un. Kung sinabi ni Flynn na past na kung ano mang namagitan sakanilang dalawa, don’t you think you should believe him? Bakit ka nagpapaapketo sa babaeng un? Tamo, nasisira lang ang relasyon niong dalawa. And for sure that’s what that Sugar wants, ang masira kayo”

Mission: Do Not Fall in Love [ONGOING]Where stories live. Discover now