Demigoddess - Daughter of Zeus

84.3K 2K 860
                                    

Demigoddess - Daughter of Zeus  

by Greyyy

"Lol no. I'm not gonna save the world nor Olympus so please--don't ever put me next to Katniss Everdeen or Tris Prior. I'm not a hero, my cousin, Percy Jackson already got the title." 

__________________________

p r o l o g u e 

"Popsy I'm hoooome~!" Anunsyo ko sa unang tapak pa lang ng kaliwa kong paa sa tahanan ng ama ko. 

Hinintay kong sumagot si Popsy pero kahit anong tunog mula sa kanya eh wala akong narinig. Ultimong utot niya wala. Oh my gods! Nasaan kaya si Popsy?!

"Popsy?" Tuloy kong pagtawag sa kanya habang papunta ako sa kwarto niya. 

Habang papalapit ako sa silid niya ay unti-unti akong nakarinig ng matitinis na ungol at mabibigat na paghinga. Narinig ko rin ang malakas na paggalaw ng foam sa kama ni Popsy. 

Napakunot ako ng noo.

Na naman?!

Nang maabot ko ang door knob ay hindi na ako nagdalawang isip pa't agad itong pinihit. Tumambad sa akin si Popsy na nakapatong sa isang babaeng duuh--mas maganda pa ako!

Wait, hindi ako kabit. Anak ako! ANAK!

"POPSY?!!!" Inis na inis kong sigaw sa kanya.

Gulat na gulat si Popsy kaya bigla siyang lumayo run sa babae. Pati 'yung babae eh gulat na gulat din kaya agad siyang napatayo ng kama at mabilis na kinuha ang mga damit niya sabay exit sa kwarto ng tatay ko.

Jusko. Maharot, pwe!

"Popsy naman eh! Sabi ko naman sa'yo 'wag ka nang naga-aakyat ng kung sino-sino rito! Binalaan na kita 'di ba?! Baka mahawaan ka ng AIDS, HIV or kung ano man! Mag-ingat ka naman! Sino nang magpapakain sa'kin?! Sino nang susustento sa mga luho ko?! Sino nang magbibigay sa akin ng madaming pera kapag patay ka na?!!!" Pagpapagalit ko sa kanya. 

Imbes na i-digest niya lahat ng sinabi ko, may isang word na nakapagpa-lag sa utak niya. Wow men! Bigatin ka na 'tol, nag-lag utak ng isang diyos sa'yo! BOOM PANES!

"Ano 'yung AIDS?" Tanong nito sa'kin.

At dahil hindi ko rin alam 'yun bukod sa nakukuha 'yun sa pakikipag-toot eh hindi ko na sinagot. Napasabunot na lang ako sa buhok ko.

Demigoddess - Daughter of ZeusWhere stories live. Discover now