Chapter 33 - Wtf

406K 9.7K 2.1K
                                    

Chapter 33 - Wtf!

Terrence's PoV

"What's up Trish?" tanong ng isang singkit na lalaki. "As usual, maganda pa din." naman sa kanya ni freak. Kahit kailangan talaga ay napakayabang ng babae na 'to. Anong akala n'ya sa sarili n'ya, s'ya ang pinakamaganda. Yuck!

Kung nagtataka kayo kung bakit ko nakikita 'to ngayon, nahagip kasi s'ya ng mata ko noong nagdadrive ako punta sa next location ng shoot namin. Kaso eto nga, sumakit ang mata ko noong nahagip ng mata ko si freak at may kausap na lalaki. Hindi ako nagseselos, yuck. Wala ata sa bokublaryo ko yung salitang yun. Nanitili lang ako sa likod ng mga halaman, sakto lang para marinig ko silang dalawa. 

"I miss that . . sungit pa din!" sabi naman ng singkit na hilaw na lalaki na yun. Nakuha pa talagang hindi mag-sungit ni freak sa kanya. Kinamusta n'ya pa 'to. 

"Puro weak ang kalaban. Wala akong makalaban na magaling. Kaya nga nakakamiss kang kalaban eh." ngumiti pa si singkit sa kanya. Anong laban? Naguguluhan ako sa pinag-uusapan nilang dalawa. Ano bang pinagsasabi nito? Gusto ko mang umalis ngayon pero, parang ayaw gumalaw ng paa ko. 

"Oh ganun ba? Nakakamiss ka ding talunin eh!" sagot naman ni freak. Kung ano man ang tinutukoy nilang laban for sure ay hindi maganda yun. 

"May ipagmamayabang Cloud. Masanay ka na.. Oh bakit mo nga pala ako pinapunta dito? Malaki ba ang pusta?" tanong sa kany ni freak. Naglalaro sa panget n'yang mukha ang mga demonyong ngiti. Anong pusta? Bakit may pustahan na magaganap? Cloud pa la ang pangalan ng singkit na yun. Ang pangit! 

"Oo naman. Baka naman nasundan ka ng kakambal mong si Tristan? Sure ka bang walang nakasunod sa'yo?" tanong ni singkit kay freak. Bakit naman nasama yung kapatid n'yang pinaglihi sa sama ng loob. Bakit bawal s'yang sundan? Maraming naglalaro na tanong sa isip ko. 

"Wala naman siguro. Ikaw lang ba ang kalaban?" tanong ni freak kay singkit, tumango lang yung pangit na 'to. "Kung gusto mo isali natin si Air. ." sinong Air? Bakit ang weird ng mga pangalan nila? Siguro isa din yun sa mga pangit na kasamahan nila. Hahaha!

"Sure! Matatalo naman din  kayo eh! Ano pusta mo?" mayabang na pahayag ni freak kay singkit. Mukhang drag racing ata yung pinag-uusapa nila. Drag racing lang pala e-- ANO? Drag Racing? Alam ba nila na pinagbabawal yung ganoong klase ng laro? Pasaway ka talagang freak ka! Humanda ka sa akin!

"Yung Porsche 911 Carrera, latest model. Ano call?" sagot ni singkit sa kanya. "Eh ikaw anong pusta mo? Balita ko gipit kayo sa pera ngayon? So anong ipupusta mo?" pahayag ni singkit kay freak. Medyo mayabang din pala ang isang 'to. Akala mo kung sinong mayaman at kung sinong gwapo. Yuck!

"I don't know. Ano ba gusto mo?" tanong ni freak sa kanya.. 

"Be my girlfriend." sabi ni singkit. Sus! Girlfriend lang pala e-- WHAT?! Girlfriend?! 

Sa sobrang gulat ko, hindi ko namalayan na nakalabas na pala ako sa pinagtataguan ko at pumunta na sa lugar kung saan nag-uusap ang mga panget na nilalang, "Fvck! What the hell you are doing?!! Hoy freak! Anong ginagawa mo?!" sigaw ko sa kanya. 

Famous Meets Bad Girl (Published Under Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon