FortyThree-His and Her Side of the story

30.3K 472 24
                                    

Chapter Forty Three

"Ayan. oa ka naman kasi. sinabi nang nandito yung kotse di mo man lang naisip na baka nasa kabilang unit." pangongonsensya ni Jace. sinamaan ko sya ng tingin saka umupo sa harap ng kitchen counter.

"tapos kung ano ano pang sinabi mo sa kanya. tsk." sabi ni Laz saka umiling iling.

"Tumigil na nga kayo!" naiinis na sabi ko.

"Oa ka naman talaga kasi. ayan ang sinasabi ko sayo eh." natatawang sabi ni Jace. binato ko nga ng saging na nasalo naman nya agad. natawa sya saka binalatan yung saging.

"Anung lulutuin ko?" tanong ni Laz.

"Bahala ka na. di ako nagugutom." mahinang sabi ko saka umalis sa harap nila. umupo ako sa sala saka binuksan yung T.V.

pero wala dun ang isip ko. yung isip ko na kay Alexis pa rin.

bakit ba pagdating kay Alexis ang hina hina ko? lagi nalang ako nagkakamali pagdating sa kanya.

"whats up, Dude?" sabi ni Ken na kararating lang saka umupo sa tabi ko. sumeryoso ako bigla.

"Code Red." i said seriously. dumiretso ng upo si Ken saka tumingin sakin.

"Sino?"

"Si Alexis." nanlaki yung mata nya.

"Shit! panu nangyari yun?" he asked.

"naglabas ng orders si Valdez. and apparently the order did not went through J. hindi nya alam."

"ibig sabihin..."

"Yes. we need the black book asap. Alexis's life is in danger. kahapon muntik na syang mabaril. i think Valdez knows about Luminary." 

"Panu nangyari yon?"

"Valdez got one of your men." napalingon kami kay Adam na kakarating lang.

"Sino?" i asked.

"Francis Madrigal." sagot ni Adam saka umupo sa harap namin.

"Si Madrigal?! panu nangyari yun?!" tanong ni Ken.

"He got caught when he saved Xavier. sya ang nakuha. ang unang lead ni Valdez ay si Xavier. hinarang ni Francis yung tauhan ni Valdez kaya sya ang nakuha. at natrace nila yung number mo na huling tinawagan ni Francis."

"Shit!"

"We have to get the black book now. yun lang ang malupit na ebidensya na mag didiin kay Valdez sa lahat." sabi ni Ken.

"But its not easy. hindi magagawa ni Jerome basta basta yun hanggang hindi nya napapasok yung kwarto ni Valdez." sabi ni Jace na nasa likod ko pala.

"Tang ina naman! hindi tayo pwedeng tumanga ngayon. delikado na si Alexis! kahit saan ko sya dalhin hindi kami makakalayo kay Valdez!" mariin sabi ko.

"pabalikin mo si Third sa pilipinas ngayon, Ken. we need him to help J get the book. we need all the men. and you Jace. alert the army. we will need them if things get worst." sabi ni Adam.

"how's my cousin?" Adam asked.

"nag away nanaman sila kanina nito." sabi ni Jace saka tinuro ako. sinamaan ko sya ng tingin.

"Anu nanamang kagaguhan mo?" inis na sabi ni Adam.

"Lumabas kasi ng walang paalam." mahinang sabi ko.

"tapos sinigawan nya na si Alexis eh nasa kabilang unit lang pala. pinahanap pa nya sa buong Manila." natatawang sabi pa ni Jace. siniko sya ni Laz na kalalabas lang mg kusina.

The Devil's One and Only Love ★Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon