ThirtyNine-Jealous

31.5K 540 56
                                    

Chapter Thirty Nine

"Alex! tara na." aya sakin ni Zara

"Sunod na ko sa Tent." i answered back and combed my hair. kakatapos ko lang kasing mag shower at nakashorts ako saka tshirt na fitted . i bun my hair and put headband and went outside. pagbaba ko nandun na si Steven at nakikipag kulitan dun sa mga lalaki. di ko alam na close pala sila nila Lester.

"Ano? labas naman tayo. the girls are in the end of the shore. waiting for us!" nakangising sabi ni James sa kanila.

"Bukas nalang. di ka man lang ba napagod sa byahe? timawa ka talaga sa babae." iiling iling na sabi ni Brent.

"Looks whos talking." matabang na sabi ni Paulo.

"Para kayong gago. babae lang eh!" sabi ni Kiel saka uminom ng beer.

"Wow naman. nagpreach si Father Kielito." pangbubuska ni Greg. sinamaan sya ng tingin ni Kiel.

"Tumigil nga kayo." iritadong sabi ni Justin.

"Oy, shatap daw sabi ni Galit Man." natatawang sabi ni Michael.

"Umintindi ka. alam mo namang sawi." nanunuyang sabi ni Lester.

"binubwisit nyo pa, alam nyo na ngang bitter." asar ni Marcus.

"Kung sawi ako, anu ka pa?" nanunuyang sagot ni Justin. humagalpak ng tawa si Steven.

"Kayayabang ng mga ungas. wasak naman pala ang puso." natatawang sabi nya.

sinamaan sya ng tingin  nung tatlo. napangiti nalang ako. ang cute kasi nilang tignan.

"Halika dito. wag ka nang makisali jan, boys talk." nanuyang tumingin si Nicole sa mga lalaki pagkasabi nun.

nagpaakay ako saka nagsimulang tumulong sa ginagawa nila.

"Labas din tayo mamaya. may balak na ata yung mga lalaki." malanding sabi ni Terrie samin.

"Tumigil ka bakla. pagod kami." nakabusangot na sabi ni Heather

"Wag kang sumama te. pagod ka pala eh." pairap na sagot ni Terrie.

"Bakla, walang sasama sayo. text text nalang kapag nakarating ka na dun." natatawang sabi ni Hazel. we chuckled softly.

"hmp! ang kkj naman!"

"Pagod kasi kami. ikaw lang nan ata ang hindi." matabang na sabi ni Nicole saka tumungga ng beer sa can.

"oo nga. di ka man lang napagod? ang dami na nating ginawa ah?!" sabi ni Jen sabay kagat ng barbecue.

"hayok kasi yan." natatawang sabi ni Erin.

"nagsalita ang hindi." pambabara ni Zara.

natawa lang ako sa kanila. para lang akong nakaharap sa mga lalaki kanina. inabutan ako ni Nicole ng beer na tinanggap ko naman.

"ikaw ma'am? may boyfriend ka?" tanong ni Nicole.

ngumisi ako ng malaki. "drop the formalities, what do you think?" i asked.

"Hmm. wala." i chuckled softly with her answer.

"Bat mo naman naisip na wala?" i asked.

"kasi walang nagbibigay sayo ng flowers saka chocolates sa office." she answered. ngumisi ako saka uminom sa lata.

"You're right. wala nga." i answered and wiped the beer on my mouth.

"even suitors?" she asked.

"kung meron man dapat may flowers ako sa office." i answered and chuckled.

"oo nga no?" she chuckled too and drink her beer.

The Devil's One and Only Love ★Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon