Nine-just stay away

38.3K 497 26
                                    

Chapter Nine

"Alexis!" sabi ko saka hinawakan yung braso niya. pero nagulat ako nung bigla syang bumagsak sakin. nanlaki yung mata ko saka walang sabing binuhat sya agad.

dinala ko sya agad sa clinic kasi sobrang init nya. inasikaso sya agad ng nurse pagkalapag ko sa kanya sa kama. umupo lang ako sa gilid habang tinitignan si Alexis na chinecheck up ng nurse. maya maya pinunasan na sya saka nilagyan ng hot compress.

pagkatapos nun saka lang bumaling sakin si Nurse saka ngumisi ng pacute.

"Miss Sanvictores is fine, Mr.Gonzales. mataas lang yung lagnat nya. i suggest umuwi na sya pagkagising nya para makapagpahinga. masamang mapagod sya ng sobra ngayon baka mabinat sya." tumango nalang ako sa nurse saka nagpasalamat. kung di ko pa paaalisin di pa aalis. damn!

umupo ako sa tabi ni Alexis saka hinaplos yung pisngi nya. i kissed her forehead.

why do i have this feeling na kasalanan ko kung bat sya may sakit.

***

pagdilat ko puro puti yung nakita ko. babangon sana ako pero naramdaman kong may nakahawak sa kamay ko.

si Steven.

parang napasong hinila ko.yung kamay ko mula sa pagkakahawak nya na naging dahilan para magising sya.

"Gising ka na pala." mahinang sabi nya. tumayo ako. pipigilan nya sana ako pero lumayo ako sa kanya agad.

napailing nalang sya saka tinignan ako ng parang nagmamakaawa.

"Angel please. kausapin mo.naman ako. i'm sorry about what happened yesterday." nagmamakaawang sabi nya. umiling lang ako saka kinuha yung bag ko na nasa table.

"Thank you for bringing me here." i whispered softly. nagpunta ko sa nurse para magpasalamat saka lumabas na ng clinic. madilim na pala. tinignan ko yung relo ko.

"Six na pala." i whispered softly. dali dali akong pumunta sa kotse ko sa takot na maabutan ako ni Steven.

yeah. yesterdays' a very traumatic experience for me. at ayokong maulit pa yun kaya hanggang kaya ko. iiwasan ko si Steven.

pinindot ko na yung control ng kotse ko at pasakay na sana ako nung niyakap nya ko galing sa likod. "i'm really really sorry Angel." Steven whispered. umiling ako.

tinanggal ko yung braso nya sa bewang ko saka dali daling pumasok sa kotse ko at pinaandar yun. ngayon di tuloy ako makauwi sa bahay. panigurado naman kasing magtataka sila Mommy kapag sumunod si Steven sakin.

dumiretso nalang ako sa Fortalejo Towers. dito sigurado di sya makakapasok.

dito safe ako. walang mananakit. walang lalapit na kahit sinong sex lang ang habol sakin.

lumipas ang isang linggo. ganun pa rin ang routine ko. kung saan malapit si Steven. umiiwas agad ako. katulad nalang ngayon. paakyat na sana ako para sa first class ko pero nakita ko sya sa tapat ng building at parang may inaantay. at nakakasigurado akong ako yun dahil pagkakita nya sakin naglakad sya papalapit. pumihit ako patalikod saka naglakad palayo.

medyo malayo na ko at pag ikot ko wala naman na sya dun. nakahinga ako ng maluwag saka lumakad paikot sa building. sa side stairs nalang ako dadaan.

pag akyat ko sa second floor biglang may humila sakin.

at base sa pagkakahila nya alam kong si Steven yun. sinubukan kong tanggalin yung braso ko mula sa pagkakahawak nya pero hindi ko magawa. hinila nya ko papasok sa isang room saka nilock yung pinto.

"mag usap tayo." mariing sabi nya. sinubukan kong buksan yung kabilang pinto pero ayaw naman bumukas. napabuntong hininga nalang ako saka umupo.

"wala naman tayong pag uusapan." mahinang sabi ko.

The Devil's One and Only Love ★Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon