Forty-Cease Fire

30.5K 453 28
                                    

Chapter Forty

"Zara, si Alexis?"

"Nasa baba na, Sir. kanina pa po. nag antay ng sunrise." sagot ni Zara.

"Thanks." sabi ko saka tinapik yung balikat nya.

"By the way, Sir. after breakfast po. Island hopping tayo saka snorkeling. naasikaso na po ni Erin yung boat." pahabol.

"Okay!" i answered back and headed to the elevator. pagbaba ko sa beach nandun na silang lahat. si Alexis nakatayo lang dun sa tabi ng dagat. yung naabot ng tubig yung paa nya.

lumapit ako sa kanya. dun ko narealize na nakapikit pala sya.

she looks so ethereal while the sunrays kissing her face. then she smiled. i concluded that the sun isn't out of the universe. its in her smile.

"Konting titig mo pa. malulusaw na ko." she said softly. napamulagat ako. she knows?!

nilingon nya ko saka ngumiti. "anu nanamang ginagawa mo dito?"

"nag aantay ng sunrise." palusot ko. napangisi sya.

"Patirik na araw. palusot ka masyado." she answered.

i snorted and rolled my eyes. bat ko nga ba naisip na mapapaniwala ko sya. napangiwi nalang ako.

ngumisi lang sya saka humarap sakin. sinamaan ko sya ng tingin nung makita ko yung suot nya. white short shorts. floral bandeau bikini top tapos white na button down na polo na bukas.

"nakalimutan atang ituro sayo sa italy kung pano magbihis ng normal." matabang na sabi ko.

"Kelan ka pa naging fashion guru?" nakataas ang kilay na sabi nya.

i rolled my eyes.

"Sige na. Mr.Liar. mauna na ko sayo." sabi nya saka naglakad papunta sa tent. hinawakan ko yung braso nya. tinignan nya muna yung kamay kong nakahawak sa braso nya saka tinignan ako sa nagtatanong na mata.

"Cease fire muna tayo. pagod na ko makipag talo. just this once. tama na muna yung iringan. may pinag samahan naman tayo diba? we became friends before we became lovers right?" mahabang sabi ko. tumaas yung sulok ng labi nya saka humarap sakin ng maayos.

"Correction, Mr.Gonzales. we've never been friends. we had the Master-Slave relationship before you became my boyfriend. but you see, we can be friends if you'll stop pestering me." naglakad na sya palayo.

"and yes Steven, cease fire today." she added. that made me smile.

sumunod agad ako sa kanya. "Talaga?"

ngumuso sya saka inirapan ako. "Tigilan mo na ko bago magbago ang isip ko." napangiti nalang ako saka sinabayan syang maglakad.

this day will be a good day!

***

"Lets go?" nakangising sabi ni Steven saka nilahad yung kamay nya sakin.

tinignan ko yun ng matagal bago inabot yung kamay ko sa kanya. hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at pumayag akong makipag cease fire muna sa kanya.

kasi ang totoo. naisip ko lang. baka kaya ko naiisip na mahal ko pa sya kasi matagal ko syang hindi nakasama. nitong nakalipas na buwan. lagi nalang kami nag aaway at nag iiringan. siguro hindi sanay ako na wala sya. naninibago ako. baka kapag nakasama ko na sya ng di kami nag aaway. baka sakaling mawala yung naiisip ko.

hindi nya binitawan yung kamay ko hanggang sa makasakay kami sa bangka.

simple kong binawi yung kamay ko sa kanya. brinaid ko sa right side yung buhok ko saka sinuot yung aviator ko.

The Devil's One and Only Love ★Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon