Eleven-conjugal property

37.1K 474 19
                                    

Chapter Eleven

natatawa nalang ako kay Steven habang nakasimangot na nasa likod ko.

pagkatapos ko kasing bitawan yung kamay nya nauna na kong maglakad. para naman syang timang na bubulong bulong.

sinabayan ko sya saka bumulong. "hala ka Steven. baka mapagkamalan kang baliw. bulong ka ng bulong jan." mahinang sabi ko. inungusan nya lang ako saka naunang maglakad. i chuckled softly. naglakad na ko papunta sa locker ko. pero bago pa ko makalayo hinila ako ni Steven.

"San ka pupunta?" he asked.

"Sa locker ko. yung books ko nandun pa." nakakunot noong sabi ko.

hinila nya nalang ako papunta isang side ng puro lockers saka binuksan yung isa. "Alin dito yung kailangan mo?" tanong nya sakin.

"bat nandito yung mga gamit ko?" mahinang sabi ko.

"hindi pwedeng dun sa kabila. baka umulan lang ng walang kwentang bulaklak. makapatay pa ko." inakbayan nya ko saka ngumisi. "eto ang first conjugal property natin."

"Conjugal property? school property to eh." mahinang sabi ko. ngumuso ako para pigilan yung ngiti ko.

"Basag trip ka." mahinang sabi nya na ikinatawa ko.

"sorry na." mahinang sabi ko saka kinuha yung librong kailangan ko.

sinara nya yung locker saka inakbayan ako.

"Hmm. Lalala. its nice to be in heaven." he whispered softly and kissed my hair.

yeah. its nice to be in heaven.

pagkatapos ng class namin umalis si Steven kaya tinabihan ako ng tatlo.

"Why?" i asked softly.

"Kayo na?" nakangising sabi ni Sammy.

"Hindi." mahinang sagot ko.

"pero type mo?" tanong ni Tiff. ngumisi ako saka nagkibit balikat.

"Malihim talaga to eh." nakasimangot na sabi ni Anton saka tinignan ako ng masama.

"kayong tatlo. chismosa." natatawang sabi ko.

"nanliligaw sayo yun?" tanong ulit nila.

"Ata?" nakangising sabi ko.

"Tama na. tigilan na natin to. wala tayong mapapala." nakasimangot na sabi ni Anton saka tumayo. "kumain nalang tayo" tumayo na kami saka bumaba sa canteen. pero pagpasok namin sa canteen.

"walang tao?" mahinang tanong ko.

"san nagpunta estudyante dito?" sabi ni Anton sa janitor.

"nasa auditorium po. may announcements po kasi yung mga Lords ng Realté" sagot nya. Lords ng alin?

"tara sa Audi!" sigaw ni Sammy saka hinila kami papunta ng auditorium.

andun nga lahat ng Estudyante.

napanganga ako nung makita ko si Steven sa harap kasama yung apat at yung iba pa.

nung tumingin sya sakin ngumisi sya saka pumikit.

"You all know that Pouer Fam Realté is one of the most powerful fraternity right?" sabi nya sa lahat. "thats what the names stands for. power, fame and royalty."

fraternity? Lords ng fraternity sila Lance? bat hindi ko alam yun?

"Now, you see, we the Lords are one heck of a manwhore. notorius playboys." natawa sila sa sinabi ni Steven.

"at first time kong manliligaw ng babae." tumingin sya sakin saka ngumisi "at ayoko ng may kaagaw."

umugong ang bulung bulungan sa loob ng auditorium.

"so, Leiven Smith. Louie Buenaventura, Mark Sarmiento, Albert Kineza.." nagbanggit pa sya ng maraming pangalan. grabeng tao to. nakabisado nya lahat yun? "Back off. Alexis Sanvictores is mine and mine alone. ayoko ng may kahati!" inis na sabi nya na may kasamang pagbabanta.

"at sa lahat ng may balak lapitan si Alexis. tibayan nyo loob nyo." inis na sabi nya saka bumaba ng stage kasabay ng tawanan nung apat.

lumapit sya sakin sabay hila sakin palabas ng auditorium sa kabila ng gulat ko.

"kanina Conjugal Property. ngayon she's mine and mine alone? whats next?" nakangusong sabi ko habang naglalakad kami.


ngumisi sya saka pinagbukas ako ng pinto ng kotse nya. sumakay ako. umikot agad sya ng driver seat. he roared the engine to life and drove away.


"where to?" mahinang sabi ko.


ngumisi sya saka cool na sumandal sa upuan nya. "to your parents. its time to tell them." nakangising sabi nya na ikinalaglag ng panga ko.


***

"Steven naman." mahinang sabi ko saka hinarangan yung gate ng mansion namin.



ngumisi sya saka sumandal sa kotse nya. "Look, Angel. palabas na sila." nakangising sabi ni Steven. and true enough ayan na si Mommy saka si Daddy.




"Alexis. what are you doing here?" tanong ni Mommy saka binuksan yung gate. humalik ako sa pisngi ni Mommy saka ni Daddy bago kinakabahang tumingin kay Steven na prenteng nakatayo sa tabi ng kotse nya. lumapit sya kina mommy.




"Goodafternoon, Sir and Madam." he flashed one charming smile and continued. "i'm Steven Alexander Gonzales po." nilahad ni Steven yung kamay nya kay Daddy. tinanggap naman yun ni Daddy.




"Good Afternoon, Young Man. what can we do for you?" Dad asked.




"Dad. hindi naman po sya magtatagal. hinatid nya lang po ako." natatarantang sabi ko kay Dad. tumungin si Daddy sakin bago ulit bumaling kay Steven.




"i'm here to ask permission to court your only baby Alexis." he said politely.




tumaas ang kilay ni Daddy. si Mommy naman napanganga ng konti. napaface palm tuloy ako.




"what made you think na papayag ako?" Dad said and crossed his arms.



parang hindi naman natinag si Steven kasi tinignan nya sa mata si Daddy.




"Sir, actually. when i went here. i dont know what answer you're going to give me. all i have is a little courage and my love for your daughter. and i think its proper to ask you first than court her without your permission." magalang na sabi ni Steven. patay ka Steven. sisigawan ka nyan.




1



2




3



"I like you, Young Man." nakangising sabi ni Daddy na ikinanganga ko. "you have my permission. you can court my Daughter but know your limitation. i'll see you around." sabi ni Daddy saka tinapik sa balikat ni Steven bago sumakay ng kotse nya kasama si Mommy.



"See? they like me." mayabang na sabi ni Steven. "i'll court you, Alexis, kahit gano katagal. gano kahirap. gagawin ko yun. i'll make you so addicted to me you wont even dare to look for another."

The Devil's One and Only Love ★Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon