FortyFour-Mood breaker

30.6K 545 45
                                    

Chapter Forty Four

"Ayan tapos na." nakangising sabi ko dun sa dalawang nandun.

pinakita ko sa kanila yung finish product ng Sanzrival cake na ginawa ko.

"mukha lang masarap pero di masarap yan." matabang na sabi ni Laz. kinuha ko yung maliit na size lang ng cupcake na sanzrival na binake ko kasabay nitong cake saka tinikman. napangisi ako saka inabot yun kay Laz saka kay Jace.

tinikman nilang dalawa. ang lakas lang ng tawa ni Jace nung malunok nya yun.

"Masarap sya!" sabi nya saka tumawa ng malakas.

"anu Laz? masarap ba?" sabi ko. tumataas baba pa yung kilay ko habang nakangiti.

"Pwede na." matabang na sabi nya.

"Di pasa sa panlasa mo? wag kang kakain ah?" namutla sya sa sinabi ko.

"Oo na! masarap na. sus!" inubos na nya yung nasa platito. ako naman binalik ko sa ref yung cake saka kinuha yung ingredients para sa dinner namin ngayon.

"Anu yan?" sabi ni Jace saka nginuso yung prawns.

"gagawa ako ng tempura saka ng cali maki. gusto nyo?" tanong ko sa dalawa

"gusto ko yan!" nakangising sabi ni Jace.

tinawag ko si Laz saka tinuruan sya kung panu gumawa ng breading ng Tempura. "para naman may lasa yung luto mo." tumawa si Jace saka ako. tapos nakisali na din si Laz.

maya maya pa nagkakalokohan nanaman kami.

***

"yeah. give the files to Aaron. even the files that needs to be signed by Alexis. okay bye." pinatay ko na yung tawag saka binulsa yung iphone ko.

kumunot yung noo ko nung marinig ko yung tawa ni Alexis na sinundan ng tawa nung dalawang kumag.

tumaas yung kilay ko saka sinundan kung san sila nandun.

nasa kusina sila. naningkit yung mata ko nung makita ko kung anong ginagawa nila.

tinuturuan ni Alexis si Laz na magluto ng tempura.

pakshet!

hindi pwede yan!

ako lang dapat ang tuturuan nya nyan.

napatiim bagang ako saka tinignan sila ng masama.

lumingon si Jace.

"Oh Pare. Lika. sali ka samin." nakangising sabi nya. lumingon din si Alexis saka si Laz pero saglit lang.

"bat mo sya tinuturuang magluto nyan?!" i hissed that made Alexis face me.

kumunot yung noo nya. "oh? bawal ba? tinuturuan ko lang naman sya."

"Bakit tempura pa?! sa dinami dami ng pagkain tempura din?!"

"Laz. ahon mo na yan. patayin mo yung stove." utos ko kay Laz saka binalingan ulit si Steven. "Bakit hindi tempura? anung masama dun?"

napatiim bagang ako saka tinignan sya ng masama. "Yan din yung tinuro mo sakin nung tinuruan mo kong magluto."

"eh anu naman? bawal ko bang ituro sa kanya to?" she asked.

"tinuturo?! or are you flirting with him?"

"Oh wait! where did that come from?!" she hissed and stared back at me with the same intensity.

"This is obviously what you are doing! pati ba naman sila?!!" i shouted.

"Steven tama na." awat ni Jace sumeryoso na yung boses nya.

The Devil's One and Only Love ★Kde žijí příběhy. Začni objevovat