FortyOne-Almost

31.2K 523 47
                                    

Chapter FortyOne

"oh? anung pinagmumukmok mo dyan?" nakapameywang na sabi ni Sammy sakin nung umupo sya sa duyan. nakaupo kasi ako dito habang yakap yung tuhod ko. parang kama kasi to. kahoy na duyan.

nung isang araw pa kami nakabalik galing bantayan at hanggang ngayon di pa ko pumapasok sa office.

ngumiti lang ako saka umiling. "wala." i said softly.

"si Steven nanaman ba? simula nung umuwi ka nung isang araw ganyan ka na ah." she asked.

ngumiti lang ako ng mapait saka sumandal sa gilid.

"Si Steven nga. why? what happened?" she asked.

"wala naman."

"Nag away nanaman ba kayo don?" she asked.

"hindi no. bat naman kami mag aaway?" i replied and chuckled softly.

"Pero ngayon lang kita nakitang naapektuhan dahil sa kanya. malamang sya din yung dahilan kaya ka nag MIA nung kasal ni Tiffany. "

"Panu mo naman nasabi?" i asked.

"bigla nalang din syang nawala nung nawala ka and sabi ni Xander sinundo pa daw nila yun sa Club Delirium."

napatingin ako sa kanya saka malungkot na tumingin sa pool. "Gusto ko nang bumalik ng Italy, Sam." nanigas yung katawan nya sa sinabi ko.

"Anu ulit?" she asked.

"Gusto ko nang bumalik sa Italy."

"Bakit?"

"wala." mahinang sabi ko.

"hindi wala yan. kung wala lang yan bat ka naaapektuhan ng ganyan?"

di ako sumagot. marahas na napabuga sya ng hangin.

"Sam mahal ko pa ata sya."

tumingin sya sakin. "Bakit mo naman nasabi?"

huminga ako ng malalim saka tumingin sa kanya. "hindi ko alam. pero alam ko sa sarili ko na sya pa rin yung nandito."

"at ayaw mo ng nararamdaman mo? kaya ka babalik sa italy? ganun ba?"

i looked away and did not answer her question.

"Hindi ko sinasabi na wag mong ituloy yang nararamdaman mo. ang sasabihin ko sayo pag isipan mong mabuti. hindi masamang ilaban yan."

"wag nalang. nakita naman natin kung san natapos to noon di ba?"

"hindi sapat na dahilan yung noon para kalimutan mo yung ngayon. tapos na yun Alexis. kalimutan mo na."

napangiti nalang ako ng malungkot saka niyakap yung tuhod ko.

"ganun ba kadaling kalimutan lahat ng bagay at mahalin ulit yung taong naging dahilan kung bat ka nasaktan? ikaw higit kanino ang nakakaalam nyan." mahinang sabi ko.

"magkaibang paraan Alexis at alam mo yan. iiwan muna kita. pag isipan mong mabuti. and watch the videos here. maybe that'll help."

pagpasok ni Sammy bumalik sa isip ko yung huling gabi namin sa bantayan.

"Pasensya na. Dare lang." i said softly and kissed his lips.

nagsigawan sila Heather saka inasar kami.

"Wala na talaga ah?" pang aasar ni Nicole.

"wala na samin yun." ngumiti ako kay Steven. "Di ba?"

tumingin sya sakin saka pilit na ngumiti. "ah. o-oo naman."

"See? wala nalang kasi samin yun. matagal nang nangyari yun. three years na." i said and smiled at them.

The Devil's One and Only Love ★Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon