Tertii por ! :)

6.6K 282 19
                                    

( Third Person P.O.V  )

Malungkot ang mga mata at tila wala sa sarili si Seb habang tahimik na nakaupo sa sala ng tinitirahan nyang dormitoryo.

Matinding dipresyon ang idinulot sa kanya simula ng araw na mawala si Dice.

Mapadalas ang pagliban nito sa klase, ni wala na din gana itong makipagusap sa kahit kanino man..

At mas ginusto nya nalang ikulong ang sarili nya sa tinitirahan nyang unit, nagbabaka sakali na muling bumalik ang taong pinakamamahal nya at habang panay lang ang paginom ng alak.

.
.
.

( Seb P.O.V )

Kasalukuyan akong narito sa mini park kung saan kami madalas ni Dice.

Binabalikan ang masasaya naming alala noong kasama ko pa sya.

Hindi ko mapigilang malungkot kapag naalala ko sya, Yung mga ngiti at tawa nya, yung mga labing nya na tagos hanggang buto.

"Nasaan kana ba? Nasaan kana mahal ko? " sambit ko sa sarili ko habang nararamdaman ko ang pangingilid ng luha ko.

"Seb? " isang tinig ang tumawag sa pangalan mula sa likuran ko..

Hindi ko alam kung bakit ganon na lang ang lakas ng tibok ng puso ko ng marinig ko ang tinig na yun.

"Seb..  " muling pagtawag ng isang pamilyar na tinig dahilan upang ikalingon ko..

"D-dice? " hindi makapaniwala kong sambit.

Totoo ba itong nakikita ko?

Nagbalik si Dice?

.
.
.

"Dice!! " Halos pasigaw kong sambit sa sarili ko at inilibot ko ang pangin ko sa buong silid.

Isa na naman panaginip..

Sana hindi nalang ako nagising..

Isang linggo na pala ang nakakalipas mula ng huli kong makita sya...

At walang araw o oras man na hindi sya sumasagi sa isip ko at maging sa panaginip ko naroon sya.

Pero hanggang ngayon ay wala pa din akong makuhang kasagutan kung anong nangyari at kung saan sya nag punta.

Pakiramdam ko mababaliw na ako..

Mahal ako ni Dice, hindi nya ako iiwan ng walang matibay na dahilan at hindi ako titigil hangga't hindi ko nalalaman ang puno't dulo nito..

Nabaling ang pangin ko sa side table ng madinig kong mag vibrate ang phone ko at madali ko naman itong kinuha, galing kay Arthur ang tawag kaya naman dali-dali ko itong sinagot.

"Napatawag ka? " bungad ko sa kanya.

"Magkita tayo, may paguusapan tayo." Maikling tugon ni Arthur na ikina-kunot ng noo ko.

Wala akong gana makipagusap kahit kanino, at ano ba ang dapat naming pag usapan? Kung ano naman ang sasabihin nya hindi ako interisado.

"Wala tayong dapat pag usap-- " hindi ko na natuloy ang pagtutol ko ng muli itong magsalita.

"About kay Dice, 4pm sa kopi-syap magkita tayo.." Ani Arthur at pinutol na ang tawag.

Biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko nang marinig ko ang mga sinabi ni Arthur..

Tungkol kay Dice, May nalalaman sya?

Kailangan kong pumunta...
Kailangan kong malaman kung anong nalalaman nya kay Dice.

MR.PROBINSYANO (Meets) MR.ANTIPATIKO (BROMANCE COMPLETE)Where stories live. Discover now