Twentii Siks ! :)

8.8K 367 44
                                    

( Dice P.O.V )

Nanatili lang kami sa ganoong posisyon, hanggang sa hindi ko namalayan na tumigil na pala ang sinasakyan namin sa sobrang kaba dahil sa mga narinig ko mula sa kanya.

Tahimik lang kaming bumaba at lumabas ng rides, medyo nauna akong konti sa paglalakad hanggang sa marinig kong magsalita ito.

"Hoy Igorot ! , saan ka pupunta? Marami pa tayong gagawin. " Aniya. Napabuntong hininga nalang ako sa narinig ko.

Nakoooo! Ito nanaman sya, bakit kanina napaka amo nya? Tapos ngayon brutal nanaman! Hayy, naman bipolar talaga!

Huminga muna ako ng malalim bago tumugon.

"Saan po ang susunod natin gagawin ? Kamahalan? " Sarkastiko kong tugon na kinakunot ng noo nito. Marahan naman itong lumapit sa akin at inilapit ang mukha nito sa tenga ko.

"Wag mo kong tatanungin kung anong susunod nating gagawin baka, magkamali ako ng sagot.." Aniya na parang nang aakit.

Makiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa ulo ko at namula ng husto ang mukha ko.

Agad ko naman itong tinapik sa braso at nagsalita.

"Pervert! " Asar kong tugon. Ngumisi lang ito at umakbay sa akin.

"Tara na nga! , kunwari kapa. " Aniya at nagumpisa na kami ulit maglakad.

Una namin pinuntahan ang mga arcade games, inaya ako nito at syempre hindi ko sya inurungan ako pa!

Pangalawa ang Shoot the Ball kung tawagin, ito yung kadalasang nilalaro ng mga lalaki, yung may ring tapos may lumalabas na bola mula sa baba.

Habang abala sya sa paglalaro ng basketball ay naisipan ko ding maglakad-lakad para makahanap ng pagtritripan na laruin.

Hanggang sa napansin ko ang isang Machine na punong puno ng stuff toys, madali ko itong nilapitan.

Grabe, ang ku-cute ng mga stuff toys! May mga pokemons, Domo, Minions at iba pa.

Madali ko naman dinukot ang token mula sa bulsa ko na binagay sa'kin kanina ni Seb at inihulog sa token slot.

Unang try, Hindi ko na kuha madaling na laglag ang stuff toys sa catcher.

Pangalawa, Ganun pa din!

Pangatlo, Malapit na sa butas kaso binitawan pa din.

At Pang-apat..

Sige..

Yan..

Yan ..

Malapit na!

Argghhhhhhhhh! Pusang Gala!
Ang daya, binitawan agad ! Nakakaasar.

"Alam mo, kahit ilang token ilag-lag mo dyan hindi mo makukuha yan. " Isang tinig ang narinig ko mula sa likuran ko at alam ko kung sino ito. Agad ko naman itong nilingon.

Lumapit ito sa machine at naghulog din ng token sa coins slot.

Pinanood ko lang sya habang naglalaro, hanggang sa bumaba na ang Catcher kasabay noon ang bahagya nyang magsipa sa ilalim ng Machine.

Halos mapanganga ako ng makakuha nya ang pinaka malaking Stuff toys si Picachu.

Agad nya naman kinuha sa ilalim ang nakuha nya at lumingon sa akin at ngumisi.

"Uh.. Kawawa ka naman! " Aniya na parang nang aasar pa.

Binigyan ko lang ito ng matalim na tingin at lumapit sa machine para subukan ulit.

MR.PROBINSYANO (Meets) MR.ANTIPATIKO (BROMANCE COMPLETE)Where stories live. Discover now