Twentii Por ! :)

9.6K 370 27
                                    


( Dice P.O.V )

Nagising ako ng may makarinig akong kalampag ng mga plato mula sa Sala.

Marahan kong ibinuka ang mga mata ko at dineretso ito sa orasan nakapatong sa side table ko Alas kwarto na pala ng umaga.

Bumangon ako mula sa kama at para tinignan kung sino ang nasa sala pero bago pa ako makalabas ng kwarto ng mapalingon ako sa kama ng hambog napakunot noo na lang ako ng mapansin kong maayos pa din ang pagkakalagay ng unan at kumot nito.

Mukhang hindi ito umuwi, kung hindi nga sya umuwi sino yung nasa sala?

Madali ko naman binuksan ang pinto ng kwarto para tignan kung sino ang nasa Sala. Medyo nagulat ako ng makita ko si Arthur na abala sa lamesa at may inaayos na pagkain.

Agad naman akong napansin nito at nginitian ako nito.

"Good morning Dice! " Masayang bati nito. "Sakto ang gising mo! Naghanda ako ng almusal. "

"Good morning din Art, Nako nag-abala ka-- " hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng magsalita ulit ito.

"Oopps! Wag ka nang tumanggi pa, naisipan kong magluto nakakaumay na kasi ang pagkain sa Cafeteria. " Anito at muling ngumiti pero agad din nawala at na palitan ng tingin na nagaalala.

"Dice, Wag ka sanang mailang sa akin ah? Ganito na lang, isipin mo na lang ginawa ko ito dahil mahal kita.. Bilang kaibigan. " Aniya at ngumiti pero batid kong pilit lang ang ngiting ibinigay nito.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko, kung papaano pagagaanin ang loob nito.

Nilapitan ko ito at niyakap at huminga muna ng malalim bago naglakas loob na nagsalita.

"T-ungkol sa sinabi mo kagabi, Nagulat ako.. H-indi ko rin alam kung ano ba dapat ang isagot o sabihin sayo.. Sorry, Nalilito ako." Aniko kasunod noon ay naramdaman ko ang paghagod ng palad nito mula sa likuran ko.

"That's okey, wala ka naman dapat sabihin, wag mo sana akong iwasan." Aniya at kapwa na kaming kumalas mula sa pagkakayakap namin sa isa't isa

Para akong nakahinga ng maluwag sa mga narinig ko mula kay Arthur.

"Okey , let's eat? " Aniya at ngumiti.

"Oppss. Wait lang hindi pa nga ako nakakapagmumog eh! "Aniko na ikinatawa nya.

"Sige, hintayin kita! "Aniya. Madali naman akong tungo ng banyo para makapaghilamos at pagkatapos ay lumabas din agad

Kasunod naman noon ay ang pagbukas ng pinto ng unit namin at iniluwa si Charie at Jaja.

"Huwwaaww! Ano to? May pa almusal ata si Mayor? " Ani Jaja, si Charie naman ay inilibot ang pangin sa lamesa.

"Oh? Sakto kayo! Sabayan nyo kami ni Dice." Ani Arthur. Nakita ko naman ang pagsingkit nang mga mata ni Charie at nagsalita.

"Hoy Arthur! Kung hindi kami dumating ni Jaja ibig sabihin ba noon ay para kay Dice lang lahat ng yan? " Bulway ni Charie kay Arthur.

"No, hindi sa g-anon.. " Tarantang tugon ni Arthur.

"Tama si Charie, bakit hindi mo kami tinawagan or kinatok man lang sa Unit namin? Ano to Special treatment?" Pagsang-ayon ni Jaja kay Charie at nag cross arm pa.

Napangiti na lang ako sa inasal ng dalawa. Nakakatuwa silang pagmasdan lalo na si Arthur na halatang tensyonado dahil hindi nito alam ang isasagot sa dalawang bruha.

"Papunta na ako sainyo para tawagin kayo, eh nandito na din naman kayo, tara at makapag almusal. " Aniko at pasimpleng kinindatan si Arthur na ikinangiti nito.

MR.PROBINSYANO (Meets) MR.ANTIPATIKO (BROMANCE COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon