Tertii tri ! :)

6.4K 256 22
                                    


A/N : Super Slow Update po ba?
Pasensya na :3

Btw. I hope sana magustohan nyo, reminder lang po hindi pa po kasama ang finale sa U.d ko.

Kaya kung may mga suggestions po kayo para sa ending i-msg nyo lang po ako..

Sorry sa (TYPO ERROR) 
Sinisingit ko lang po kasi ang pagsusulat ko kapag may FREE TIME ako. Sorry talaga yan lang ang nakayanan.

Pero sana magustohan nyo :)

Ready? Scroll it! (Y)

..........*

( Dice P.O.V )

"Excuse me ma'am? " pag agaw pansin ng isang babaeng istudyante sa guro namin.

Nakita ko ang paglapit nito at may sinasabi sa guro namin, hindi ko ito masyadong madinig dahil medyo malayo ako sa harapan.

Hindi ko na lang sila pinansin pa at muli ko na lang ibinaling ang paningin ko sa blackboard at pinagpatuloy ang pagsusulat.

"Mr.Dice Madrigal? " pagtawag ng guro namin sa pangalan ko na ikinabigla ko. Agad ko naman itong sinundan ng tingin. "Pinatatawag ka principal's office."

"Ako? Bakit naman?" Taka kong sa sarili ko. At direktang nagtungo ang mga mata ko kay Seb na ngayon ay bakas din ang pagkabigla at maging sila Chiyo at Arthur.

Bigla naman akong nakaramdam ng matinding kaba sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.

Bakit ako biglang ipinatatawag? Sa pagkakaalam ko, pinapapunta lang naman ako sa opisina ng punong guro namin kapag bigayan ng allowance na nang galing kay Mayor.

Tulad ng sinabi ng guro namin ay inayos ko ang sarili ko at naglakad na palabas ng classroom. Pero bago pa man ako makalabas ng madinig kong magsalita ulit ang guro namin.

"Mr.Crisologo! Bumalik ka sa upuan mo! " Ani ng guro namin at kusang dinala ang mga mata ko kay Seb na nakatayo at akmang pasunod sa akin.

Nakita ko ang pag-aalala sa mga mata nito.

"Dyan ka lang, Babalik ako.. " Mahina kong sambit at ngumiti pero sinigurado kong narinig nito at tuluyan ng lumabas ng silid.

Habang naglalakad ako patungo sa opisina ng makaramdam ako ng matinding kaba.

Kaba na hindi ko alam kung anong dahilan..

Habang papalapit ako sa opisina ay mas lalo pang lumakas ang kaba ng dibdib ko.

Kasunod noon ay biglang pumasok sa isipan ko si Seb..

"Ano kaba Dice! Walang mangyayaring masama! " Pagpapakalma ko sa sarili ko.

Nandito na ako ngayon sa harap ng Opisina. Huminga muna ako ng malalim at tuluyan ng pumasok sa loob.

Pagpasok sa loob ay agad akong sinundan ng tingin ng mga gurong naririto.

Nilibot ko ang pangin ko sa loob opisina hanggang sa mapako ang pangin ko sa medyo may edad lalaki, pamilyar sya sa akin.

Kung hindi ako nagkakamali, si Mayor Crisologo ito.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang mapagtanto ko nga na si Mr.Crisologo nga ang nasa harapan ko ngayon.

Ang Ama ng probinsya namin at ang Ama din ng lalaking mahal na mahal ko, bakit sya naririto? Sya ba ang dahilan kung bakit ako pinatatawag?

Binigyan nya ako ng walang emosyong tingin bago tuluyang magsalita.

"Pwede bang maiwan nyo muna kami?" Ma otoridad na utos nito na agad din naman sinunod ng mga taong naririto at maging ang principal ng Campus ay lumabas.

MR.PROBINSYANO (Meets) MR.ANTIPATIKO (BROMANCE COMPLETE)Where stories live. Discover now