Twentii Payb ! :)

9.5K 390 34
                                    

( Dice P.O.V )

Nakakaasar! Bakit sa twing nangyayari ang ganitong pagkakataon ay diko magawang tumanggi?

Pakiramdam ko ay may kung anong hiwaga ang lalaking to!

Tahimik lang kami habang tinatahak namin ang daan at nakasakay sa motorsiklo nito.

Nakaramdam ako ng kaunting takot ng maramdaman ko ang unti unting pagbilis ng sinasakyan namin dahilan upang mapakapit ako ng husto sa bewang nito.

May balak ba syang magpatiwakal?

At pati ako gusto nyang idamay?

Ilang sandali pa'y naramdaman ko na mas lalo pang bumilis ang pagpapatakbo nito hanggang sa hindi ko na namalayan na nakahayakap na pala ako sa kanya.

Mula sa likuran ko ang marinig ko ang bahagyang paghagik-gik nito at derektang nagsalubong ang kilay ko.

"Hoy! Ayos ka din no? " Aniko at bahagyang tinapik ang likuran nito.

"Anong pinagsasabi mo? " Maang-maangan na sagot nito, pero kitang kita ko mula sa side mirror ang magpipigil nito ng tawa.

"Itigil mo nga to! " suway ko at hindi naman ako nabigo at marahan nitong tinigil ang sinasakyan naming motorsiklo.

"Magpapakamatay ka ba!? " Aniko at bumaba ng huminto na ito. Nakita ko naman ang pagsalubong ng kilay nito bago nagsalita.

"Bakit ba? Ang arte mo naman." Aniya at tumingin sa ibang dereksyon. "Gusto mo ikaw magmaneho! "Dagdag nito at umusog bahagya sa kinakaupuan nito.

Napabuntong hininga na lang ako sa inasal nito. Nakoo!! Umiiral nanaman ang pagiging sarkastiko ng bipolar nato!

Mabilis ko naman kinuha ang manubela at sumakay sa harapan, hindi ako ganon kabihasa sa pagpapaandar ng motorsiklo pero kahit papaano naman ay may idea ako kung papaano paandarin ito.

Bago ko pa tuluyang paandarin ito ay muli akong nagsalita.

"Saan ba tayo pupunta kasi!? " irita kong tanong.

"Paandarin mo, ituturo ko. " maikling tugon nito at inumpisahan ko ng paandarin ito.

Hindi ko inaakala na hindi pala ganon kadaling paandarin ang motorsiklo nito.

Kakaiba ito kesa sa normal na nakikita ko, dahil napakabigat nito dahilan upang maglikot ng matindi ang manubela.

Ano ba kasing klaseng motor ito, kung bakit ganoon nalang ang bigat nito.

Gusto ko sanang ihinto kaso nauunahan ako ng takot dahil nasa gitna kami ng kalsada at kasabay ko ang mga sasakyan na mabibilis ang pagpapatakbo.

Hanggang sa maramdaman ko ang isang pares ng kamay na humawak sa balikat ko at marahang bumaba sa braso ko patungo sa manubela kasunod noon ay ang pagpatong ng baba nito sa balikat ko dahilan upang bahagyang lumihis ang ulo ko..

Halos mapalunok ako sa naramdaman ko, sa muling pagkakataon ay naramdaman ko nanaman ang mabilis na pagkabog ng dibdib ko.

I feel safe, sa twing nangyayari ito ay pakiramdam ko ay mas lalong tumitindi.

Nanatili lang ang mga mata ko na nakatitig sa kamay nito na nakapatong sa kamay ko.

Ito ba yung sinasabi nilang fall in love?

Pero bakit? Paano nangyari yun? Ehh, wala naman sa katangian nya ang mga napapanood ko sa tv na nakaka-fall.

Sa tv, ang kadalasang dahilan kung bakit na fa-fall ang mga babae dahil sa angking kabaitan nito, sweetness at iba pa.

MR.PROBINSYANO (Meets) MR.ANTIPATIKO (BROMANCE COMPLETE)Where stories live. Discover now