Por ! :)

11K 401 21
                                    

A/N : Hello :) ! meet MR. PROBINSYANO ( DICE MADRIGAL )
HEHE!  LAB. IT (y)

( Dice Point of view)

Booogggssshhh!

Arayyy! Shitsuu .. hindi ko mapigilan ang mapangiwi matapos kong madulas nang dahil sa door mat na yan! kung minamalas ka nga naman..

Hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatitig na pala ang lalaking sinisipat ko mula kanina. ikaw ba naman madulas malamang may kabog or ingay factor.

napatingin ako sa kanya at blanko ang tingin at nagsalita ito.

"Anyare? " Aniya at bahagyang ngumiti. infairness may tinatago din itong ka-gwapuhan, Moreno ang kulay nito at medyo may pagkasingkit sabay pa ng kanyang makakapal na pilik mata .

Naglakad ito patungo sa dereksyon ko na labis kong ikana-gulat at inilahad nito ang kanyang palad.

"need help? " Aniya.

Agad naman akong tumayo at hindi ko na tinanggap ng paglalahad nito nang kamay, Pakiramdam ko kasi umakyat lahat ng dugo ko sa ulo sobrang hiya sa kanya!

tumingin naman ito ng wala pa rin emosyon. gusto ko man magsalita kaso diko magawa dahil sa sobrang hiya, tanging ngiti na pilit lang ang naibigay ko sa kanya.

Papasok na sana ako ulit ng kwarto ng  tawagin ako nito.

"Hey !" Aniya. napatigil naman ako sa pagtawag nito,  pero hindi ako lumingon nanatili lang akong nakatalikod habang nag aabang sa sasabihin nya.

" Dice, right? " Aniya laking gulat ko ng banggitin nito ang pangalan ko, dahilan para mapalingon ako ulit.

"b-bakit alam mo ang pangalan ko? " taka kong tanong.

"maupo ka muna dito.. "Aniya at ngumiti, Sinunod ko naman ang sinabi nito. umupo ako sa sofa at sya naman sa kabila.

"Actually, kanina ko lang din nalaman, ugali ko kasing mangilala ng tao, specially sa mga makakasama ko.  Alam mo naman room mates diba? at sakto naman , kaibigan mo pa ang napagtanungan ko yung si Jaja? kaya nalaman ko lahat sayo. sorry ha ?" aniya.  napanga-nga ako sa sinabi nya, Lahat talaga? hindi ako makatingin ng deretso sa kanya dahil wala itong saplot sa pang-itaas nakaka distract , So tama ang hinala ko sya si Sebastian Crisologo.

"Ah - eh, okey lang yun! so ikaw naman si Sebastian Crisologo? " tanong ko. 

"hindi, Ako nga pala si Arthur De Leon, Art for short. " Aniya at inilahad ang palad nito at nakipagshake hands. Bigla naman akong napaisip.. kung hindi sya yung Sebastian , Eh sino yun? or kaninong uniporme yun?

ilang sandali pa'y narinig kong nag-ring ang cellphone ko kaya naman nagpaalam muna ako para sagutin ito, kay Jaja galing ang tawag agad ko naman sinagot ito.

nagyaya na itong mag hapunan kaya naman madali na akong lumabas,  hindi na ako nagpaalam dun sa lalaki,  napansin ko kasi na busy sya sa cp nito. paglabas ko palang ng pinto ay nakaabang na ang dalawa sa akin.

kapwa nakataas ang mga kilay nila, Anyare?

Habang naglalakad kami palabas ng bahay ay bigla naman akong inulan ng mga tanong nila..

"Ano name nung gwapong lalake?  " Ani Charie.

"Ah..  Arthur. " Maikli kong tugon kay Charie.

"Naku,  Ang swerte mo naman!  " Ani Jaja at sunod-sunod pang mga tanong hanggang sa makarating na kami sa Resto.

hanggang sa resto ay panay pa rin ang mga tanong nila, Eh ano naman ang isasagot ko sa kanila? ngayon ko lang na-meet ang taong yun.

hindi na ako nakisawsaw sa usapan nila. nakikinig na lang ako sa pinag-uusapan nila habang kumakain.

MR.PROBINSYANO (Meets) MR.ANTIPATIKO (BROMANCE COMPLETE)Where stories live. Discover now