Payb ! :)

11K 431 20
                                    





( Dice Point of View)

"Bwiiisssseeettt kaaaa! " na pasigaw ako sa sobrang asar ko sa kanya, alam ko na maraming istudyante ang napatingin dahil sa ginawa kong pagsigaw.

bigla naman itong huminto,  kasabay noon ang mga bulungan ng mga istudyante.

boy1 : Lagot..

boy2 : patay, hindi nya ba kilala yang binulyawan nya?

boy1 : tsk.. nakakatakot yang taong yan. sikat na sikat yan sa pambu-bully.

medyo kinabahan ako sa mga bulung-bulungan na narinig ko. pero hindi pa rin ako papayag na magpa-bully sa kanya! dali-dali akong tumayo at nagsalita.

"hindi ba uso sayo ang salitang SORRY? " Ani ko at diniin ko talaga ang salitang sorry.

dahan-dahan itong lumingon, pero hindi ko inaasahan ang makikita ko.
nakatingin lang ito ng walang emosyon. pamilyar sa akin tong lalaking to, yung mga matang yan..  nakita ko na yan.

ngumisi ito at umuling at muling nagpatuloy sa paglalakad.

naiwan akong nakatulala nang bigla ko itong maalala, kaya pala pamilyar sya sa akin, sya yung lalaking nakita ko sa orientation, yung Antipatikong gwapo na nang bu-bully. dito pala sya nag-aaral? OMGOOSSH! Kung dinidikitan ka nga naman ng swerte.

nawala ako sa pagiisip ng biglang may tumapik sa akin..

"huy! Anyare teh? " Si Jaja pala.

"wala, okey lang ako..  " tugon ko kay Jaja.

"Guys!  Oras na. Lets go! " Ani Charie.  Oo nga pala. Hayyy!

muli kong tinignan ang schedule ko at ng makita ko ito ay nagmadali na akong nagtungo sa nasabing building, Values ang una naming subject kay Mrs. Conception, natatandaan nyo ba sya? sya ang magiging adviser namin this school year.

mabilis ko naman narating ang classroom,  pagpasok ko pa lang ay bumungad na sa akin ang mga magiging classmate ko, nilibot ko ang paningin ko para makahanap ng ma-uupuan nang makita ko si Arthur na kumakaway mula sa likuran, so kaklase ko pala sya.  madali akong lumapit sa kanya ng nakangiti. buti naman may ka kilala na ako agad.

tumabi ako malapit sa kanya, sakto naman ang pagpasok ng guro namin.

"Good Morning Students! let's start with getting to know each other.. " Ani Maam.  row by row ang pagtawag sa amin,  nasa third row kami ni Arthur kaya naman last kaming magpapakilala.

"Next. " ani Maam
nauna si Arthur, pagtayo nya pa lang ay dinig ko na ang bulungan ng mga girls,  hindi ko sila masisi, Gwapo si Arthur at mabait pa kaya hindi talaga malayong pagkaguluhan sya o maraming magkagusto sa kanya.

"hi guys ! i'm Arthur De leon, 16 yrs old, from Sampaloc manila. sana magkasundo tayong lahat! " Aniya sabay ngiti at nagpalakpakan ang lahat lalong-lalo na ang mga girls.

nang matapos ng pagpakilala si Arthur ay huminga ako ng malalim bago tumayo, actually eto talaga ang hate ko sa lahat, Awkward kasi.

tumayo na ako at naglakad papunta sa harap.

"H-hello , ako nga pala si Dice --" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bumukas ang pinto, hindi ko inaasaha  ang makikita ng mga mata ko.

anong ginagawa nya dito? naputol ang pagiisip ko ng marinig kong magsalita ang guro namin.

"Dyusmiyo! your late, ang ayoko sa lahat yung nale-late sa klase ko." Ani Maam. tango lang ang tinugon nito.

"Sige, palalagpasin ko yan, Okey introduce your self. " Ani Maam.

MR.PROBINSYANO (Meets) MR.ANTIPATIKO (BROMANCE COMPLETE)Where stories live. Discover now