Seben ! :)

10.7K 426 25
                                    

( Dice P.O.V )

"Ano ba! Araw-araw ka na lang bang malalate ng gising! " Protesta ni Jaja.

"Ang takaw mo naman sa tulog pretty boy baka mamanas ka nyan! " Singit ni Charie.

kasalukuyan silang nasa harapan ko,  Animo'y nanay na nagdadal-dal.
hindi ko nalang sila pinansin pa at nagmadali na akong dumeretso ng banyo para makaligo.

Kung bakit kasi ang aga ng Schedule dito eh, hindi tulad sa probinsya. Hayy ! hindi ko pwedeng dalhin ang ugali ko dito , di bale masasanay din siguro akong magising ng mas maaga pa.

nang matapos maligo at makapagbihis ng uniporme ay agad na akong lumabas ng kwarto.
paglabas ko ng silid ay napansin ko na wala na ang dalawang bruha.

pababa ako ng hagdan ng masalubong ko ang landlord namin at binati ako nito.

"magandang umaga Dice ! Aga natin ah? " bati nito, nginitian ko muna ito bago sumagot.

"Magandang umaga din po ! Medyo late na nga din po eh." Aniko, tinignan lang ako nito parang nagtataka.

"ah,  sige po una na po ako..  " Aniko at tuluyan ng lumabas.

panay ang lingon ko sa daan kaliwa't kanan para hanapin si Jaja at Charie. napansin ko na parang may kakaiba lang sa daan dahil wala masiadong istudyante sa daan.

naisipan ko nang maglakad patungo sa iskwelaha, siguro nauna na ang mga bruha nainip siguro sa kakahintay,  kahit si Arthur ay mukhang nauna na, pati si Mr.Yabang wala din.

habang abala ako sa paglalakad ng bilang mag-vibrate ang phone ko kaya agad ko naman itong kinuha mula sa bulsa. galing kay Jaja ang text message at madali ko itong binuksan.

( LOL :D)  yan ang mensahe na nabasa ko na galing kay Jaja,  napakunot-noo ako nang makita ko ang mensahe nito,  nang mapukaw ang mga mata ko sa Orasan ng cellphone ko na labis kong ikinanga-nga.

"6 .. 6:20am ?? " bulong ko sa sarili ko.. sinasabi ko na nga ba! bakit hindi ko napansin agad na may kakaiba. kaya pala ganoon na lang ang pagtataka ni Manong Landlord! Grrrrrr! naisahan ako ng mga bruha!

pinagpatuloy ko nalang ang paglalakad humanda kayong mga bruha kayo!!

papasok pa lang ako ng gate ng school ng makita agad ng mga mata ko si Arthur may kasama itong lalake pero hindi ko kilala mukhang na pansin nya din ako at kinawayan ako nito.

mukhang maaga din itong si Arthur bago ako lumabas ng kwarto kanina napansin ko din na wala na sya kaya inakala ko din na late na ako,  naka suot ito ng white sando , Jogging pants at naka rubber shoes sya napaka hot nya lang tignan! HAHA. Nyakiss.

agad ko naman itong nilapitan at binati.

"Morning, Aga mo ah? " bati ko.

"Oo nga eh, nag jogging kami kasama ang mga nasa sports club. Sya nga pala si Joe ka-club member ko " Aniya at ipinakilala ang kasama nito, Medyo matangkad ito,  mga 5'8 ang taas at halatang athlete dahil sa hubog ng katawan nito.

"Hi, I'm Joe Olivar and you? " Ani nung Joe at inilahad ang kamay at nakipag shake hands sa kin.

"Dice.. " maikli kong tugon.

"Oh,  maiwan ko na kayo, Bro mauna na ako may klase pa ako,  Dice, nice meeting you.. bye " Ani Joe at naglakad na papalayo.

"oh? ikaw ang aga mo ata? " Segunda nito. Bigla ko tuloy naalala ang mga bruha! humanda talaga kayo.

"Ah, kasi sila Jaja at Charie pinag-tripan ba naman ako! ang sabi late na daw ako kaya napa-aga ako ng gising. " paliwanag ko kay Arthur,  napailing na lang ito at halata sa kanya ang pagpipigil ng tawa.

MR.PROBINSYANO (Meets) MR.ANTIPATIKO (BROMANCE COMPLETE)Where stories live. Discover now