Tertin ! :)

9.4K 392 26
                                    


( Dice P.O.V )

"Hoy Mister! Gusto ko lang sabihin sayo na Alas-siete ang usapan at hindi Alas-nueve, isa pa may mga importante pa akong kailangan gawin kesa sa pakikipaglaro sa syo. " Aniko.  Nakakaasar lang kase! Pa-importante.  Napakunot-noo naman ito bago nagsalita.

"Sino ka sa akala mo para magsalita ka ng ganyan?" walang imosyong sambit nito. pinigilan ko na lang ang sarili at hindi na nagsalita sa totoo lang ? Kulong-kulo na ang dugo ko sa Antipatikong ito.

tumalikod mulu ito bago nagsalita.

"Sumunod ka .. Reklamador." Aniya at nagsimulang maglakad. Wala na akong nagawa kung hindi sumunod sa kanya, pakiramdam ko tuloy na blackmail ako nito.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad.
hanggang sa napansin kong patungo kami sa parking lot ng Campus, Gusto ko naman magtanong pero hindi ko na ginawa dahil itong kasama ko daig pa ang pinaglihi sa sama ng loob!

nang makarating na kami sa parking lot ay lumapit ito sa kulay itim na motor at kinuha ang helmet at inihagis ito bago sumakay. binigyan ko lang ito ng tingin na nagtataka.

"Ang tinitingin mo dyan? sakay na! " Aniya.

"S-saan naman tayo mag pupunta ?" Usisa ko. binigyan nya muna ako ng matalim na tingin bago nagsalita.

"Hindi mo ba ako narinig? sakay! " Aniya. ginawa ko nalang ang sinabi nito, wala na akong nagawa kung hindi sundin ang sinabi nito,madali kong sinuot ang helmet at sumakay sa motor at inumpisahan nyang pinaandar ang motor.

Awkward moment, yan ang pakiramdam ko habang na kasakay sa likuran nito. Hindi ko akalain na ang taong iniiwasan at kina-aasaran ko ay makakatabi ko ng ganito kalapit.

medyo naka ramdaman ako ng takot. naramdaman ko na pabilis ng pabilis ang pagpapatakbo nito at hindi ko na pigilan ang sarili ko na mapahawak sa bewang nito.

"ibaba mo ako, Ayoko na.. "  Aniko. hindi ako nito pinansin at nagpatuloy lang ito sa pagpapaandar pero muli akong nagsalita..

"p-please.. p-please lang! " pakiusap ko ulit sa kanya pero hindi nya pa din ako pinaringgan.

ipinikit ko na lang ang mga mata ko habang pinakikiramdaman ang hangin na humahaplos sa mukha ko.

Susme! Nako naman, Sana walang mangyari sa amin. Sa sobrang takot ay hindi ko na napansin na nakayakap na ako sa kanya.

At ang takot na yun ay napalitan ng wirdong pakiramdam. Kakaibang pakiramdam ang dinulot nito sa akin. parang may kung anong tumusok sa dib-dib ko at sinabayan pa ng mabilis na pagkabog nito.

.
.
.

( Seb's P.O.V )

Hindi ko mapigilang mapangiti, Sigurado maihi-ihi na ito sa takot, Ang liit-liit ang tapang tapang.

wala naman akong balak magpakamatay. Wala lang, gusto ko lang syang takutin wala kasi akong maiisip na ipagawa sa kanya eh.  kaya yun naisipan ko na lang syang pag tripan.

hanggang sa naramdaman ko ang pag akap nito mula sa likuran ko.

tug..

tug..

tug..

WTF?!

Ano to? bakit ganito ang pakiramdam ko? Bakit ganito na lang ang bilis ng kabog ng dib-dib ko..

ngayon ko lang ito naramdaman, nawala ako sa konsintrasiyon sa pagmamaneho kaya marahan kong itinigil ang pagpapatakbo.

nanatili lang ang mga kamay nito
sa bewang ko..

MR.PROBINSYANO (Meets) MR.ANTIPATIKO (BROMANCE COMPLETE)Where stories live. Discover now