Tertii wan ! :)

7.8K 306 11
                                    

( Dice P.O.V )

"Ang gwapo gwapo mo talaga! " Aniko sa sarili ko at pangiti-ngiti habang nakatitig sa larawan naming dalawa ni Seb habang nakaupo sa swing sa isang playground malapit sa tinutuluyan naming dorm.
Mag aalas kwatro ng hapon ng makatanggap ako ng isang mensahe mula kay Seb, gusto nya daw na magkita kami kasalukuyan kasi syang umuwi sa bahay nila.

Ewan ko ba doon sa lalaking yun, pwede naman kaming magkita sa dorm, bakit sa park pa?

Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti kapag sumasagi sya sa isip ko..

Mabilis dumaan ang maraming araw..

Di ko namalayan ng magiisang buwan na pala, At sa bawat araw na nagdaan ay parang mas lalo ko pa syang minamahal.

Isang pagmamahal na ngayon ko lang naramdaman.

Mahal na mahal ko sya!

.
.
.

Habang abala ako sa pagtingin sa litrato namin ng may tumakip na palad sa mga mata ko.

"Sino akooo? " Aniya at nilakihan pa ang boses na kinatawa ko dahil alam ko naman kung sino ito.

"Sino pa edi yung pinakamamahal kong bugnutin, masungit na Antipatiko. " halos natatawa kong sambit sa kanya.

"Ooppsss, kulang pa. " Aniya at inalis ang mga kamay nito na naka takip sa mga mata ko. Umikot ito at lumipat sa harapan ko.

Medyo nagulat ako sa suot nito, napakagwapo nya.

Simple lang ang suot nya naka polo blue shirt ito sa pang-itaas medyo fit ito at kitang kita pa din ang hubog ng katawan niya.

naka three fourth na color black naman ito sa pang-ibaba nya at nakasuot ng Black and white nike shoes.

At ang isa pang naka agaw ng pansin ko ay yung buhok nito, di tulad ng dati na laging naka wax at nakataas ang buhok at may kaunting kulay ito.

Ngayon ay bagsak ito at ang mas lalong nakapagpa gwapo sa kanya yung bangs nya, hindi masyadong mahaba yung sakto lang na natatakpan ang kilay nito.

Simpleng kasuotan lang pero litaw na litaw pa rin ang kagwapuhan nito.

Binigyan ko ito nang isang matamis na ngiti bago nagsalita. " Oo gwapo ka na. " Aniko na ikinangiti nya.

"Oppss.. Bago ang lahat , may ibibigay ako sayo." Aniya at ngumiti, nakita ko ang pagdukot nito sa bulsa nito kasunod noon ay inilabas nya ang isang maliit na kahon mula sa bulsa nya at iniabot niya ito sa akin ng may ngiti sa mga labi.

"Oh? Mahal para saan naman to? " Taka kong tanong sa kanya..

"Ano pa, edi gift ko sayo. " Aniya at nananatili pa din ang ngiti nito sa kanyang mga labi. "Buksan mo na, pasensya kana, simple lang yan pero sana magustohan mo. "

Tulad ng sinabi nya ay binuksan ko nga ito, isang kwintas na may naka pendant na sing-sing ang bungad sa akin, napaganda nito sobra..

Hindi ko maipaliwanag ang saya ko sa mga oras nato dahil ito ang beses may nagbigay sa akin ng kwintas at pinaka masarap sa pakiramdam ay nagmula pa sa taong minamahal mo.

Kinuha ko ito mula sa kahon hanggang sa may napansin akong naka ukit na letra sa loob ng sing-sing.

"Antipatiko.." Yan ang nabasa ko na nakaukit sa sing-sing dahilan para ikangiti ko.

Agad ko naman syang sinundan ng tingin at napansin ko din na may isa pa syang hawak na Kwintas gaya ng binigay nga sa akin ay may pendant din itong sing-sing.

MR.PROBINSYANO (Meets) MR.ANTIPATIKO (BROMANCE COMPLETE)Where stories live. Discover now