the race

912 15 0
                                    

Araw ng laban ni Cassey. Imbes na excited ang kanyang nararamdaman ngunit bakit iba siya ngayon. Matamlay at walang sigla. Ni walang kislap ang mga mata, ni konting ngiti ay hindi niya kayang pakawalan. Ang kanyang isip ay lumilipad kung saan.

Hi Cassey! Bati sa kanya ni Dex, isa sa mga ka team. Sa bati nito ay parang bumalik siya sa kasalukuyan.

Hi Cass! Siya ring paglapit ni Trish.

Ngumiti lang siya ng pino sa mga kaibigan bilang tugon. "Are you OK?" Ni Trish na napansin ang mood niya.

Yes I think so.

Cass if there's something wrong, nandito lang naman ako, I'm willing to help. Wika ni Trish.

Kaya ko pa naman. Malungkot niyang Sabi.

Is it about Nick?

Nag buntonghininga muna siya Bago sumagot. "Yes."

Hayaan mo muna siya. Natural na magtampo siya kasi, siguro pakiramdam niya hindi siya mahalaga sayo. Huwag kang mag alala maiintindihan ka niya. Ngayon pa eh, matagal na siyang naghintay sayo.

Napatingin siya sa sinabi ng kaibigan. "What do you mean?" Tanong niya rito.

Ha!

Natigilan ito sa tanong niya. "Ang sabi ko anong ibig mong sabihin? Ulit niya sa tanong.

Alam mo, kung mahal mo ang isang tao hindi mo na siya papakawalan. At kung mahal mo talaga siya dapat ipaglaban mo kung anong nasa puso mo. Wika nito sa kanya. " Sige punta na ako sa kotse ko, magsisimula na ata." Tumalikod na ito, habang siya ay napaisip sa sinabi ng kaibigan.

Habang isinusuot ang Helmet ay napatingin siya sa crowd. As if makikita niya ang hinahanap. Pakiramdam niya ay hindi niya kayang lumaban sa pagkakataong ito. Magulo ang isip at puso niya. Si Nick ang lagi niyang nakikita.

Ang sakit na nararamdaman niya ay hindi matutumbasan ng kahit ano. Nang pakawalan siya ni Nick, pakiramdam niya ay mas masakit ito kaysa noong siya ang lumayo. Hindi niya maaalo ang sarili na hindi masaktan. Dahil ang puso niya ay ibinigay na niya sa binata noon pa man. Hindi lang niya maamin sa sarili.

Nagsimula ang karera. Ibinigay niya ang lahat para sa laban. At gaya ng nauna niyang laban, nanalo siya. Lalong nakilala ang pangalan niya. Pagkatapos ng laban ay marami agad mga reporter ang nag abang sa kanya na pinaunlakan naman niya.

Miss Cassey kailan mo ipakilala sa publiko ang boyfriend mo? Tanong ng isang reporter. Ito ang ayaw niya sa media , pati private life niya ay inuungkat.

Well, one of this days makilala niyo na siya. Aniyang nakangiti na bitbit parin ang helmet. Maayos na naitago ang totoong nararamdaman.

Nanood ba siya sa laban mo ngayon Miss Cassey? Tanong naman ng isa pa.

Yes! Nanood siya.

Kaya ka ba inspired dahil sa kanya? Tanong ulit ng naunang nag tanong.

Tumingin siya rito at ngumiti. "Yes I am inspired." Aniyang tumingin sa camera na parang kinakausap ang sinumang nakapanood sa kanya. "Kaya lang may tampuhan kami."

Ano pong message niyo sa kanya, baka sakaling nanood siya ngayon?

Siguro sa akin na muna ang tungkol diyan. Malalaman niyo rin naman kung sino siya. Aniya sa mga reporter. "I have to go." Wika niyang humakbang na palayo. At inalalayan na siya ng mga bodyguards upang hindi na makasunod ang media.

* * *
Ilang araw na niyang inaabangan si Nick na umuwi ngunit bigo siya. Kung pupuntahan naman niya ito sa condo ay wala rin. Maging sa opisina ay wala rin ito. Nag file ito ng leave. At hindi rin alam ng kapatid niya kung nasaan ang kaibigan. Lalo siyang na guilty sa nasabi niya sa binata. Kung hindi niya iyun sinabi ay hindi magagalit sa kanya si Nick. At hindi siya nasasaktan ng ganito.

My Brother's Bestfriend/endedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon