Dinner together

1K 26 0
                                    

Office

Napansin ni Mike na parang wala si Nick sa sarili. Palagi itong nakatulala. Pag kinausap mo naman ay hindi sumasagot ng derecho. Bago pa siya maalibadbaran rito ay tinanong na niya.

May problema ka ba? Wika niya na sumulyap rito sa kabilang mesa. Dati ay may sarili itong opisina ngunit lagi itong nakatambay sa opisina niya kaya inisa nalang nila ang opisina upang di narin siya mahirapang ipatawag ito kung meron siyang mahalagang ipapagawa.

Tumingin ito sa kanya na parang nagdadalawang isip. "Ahm alam mo ba ang gusto ng mga babae"?

Huh!

I mean i want to give a gift to someone special. Kaso hindi ko alam kung ano ang bibilhin eh. Anitong ngkamot ng ulo.

Ako talaga ang tinanong mo eh wala pa akong karanasan diyan. Sagot niyang natatawa. Ngunit nang sinulyapan niya ito ay lalong nalukot ang mukha. Kaya itinigil niya ang ginagawa at hinarap ang kaibigan. "Is it the girl you dated at Casse's party?" Tanong niya rito.

Oh comon! Hindi siya. Alam mo naman ang babaeng yun kung kani-kanino kumakapit.

Well for me give that someone special a boquet of flowers. Its a simple act but malaki ang impact mo para sa kanila. Whoever is she, bilisan mo na tumatakbo ang oras baka maunahan ka ng iba. Aniya sa kaibigan.

Tumango lang ito at parang nagiisip. "I will." Sagot nito maya-maya.

Napangiti siya sa kaibigan. At tsaka bumalik sa kanyang ginagawa.

* * *

Dahil walang magawa ay nag-ayos ng kanyang mga gamit sa silid si Cassey. Nang may kumatok.

Pasok! Aniya

Anak may ginagawa ka ba? Sabi ng ina nang makapasok na siya.

Hi mom! Aniya tsaka humalik sa pisngi ng ina. Inaayos ko lang po ang gamit ko.

Nandito ang tita letecia mo. Bumaba ka muna at para makapag kwentuhan naman kayo. Sabi nito sa kanya.

Ok mom. Bababa ako mamaya. Magbibihis lang po ako. Aniyang nakangiti.

Huwag kang magtatagal.

I wont mom. Aniyang tinungo ang closet tsaka nagbihis. Palabas na siya ng silid nang may maalala. Ang gift niya para rito. Kinuha muna niya tsaka bumaba.

Hi tita letecia. Bati niya sa ginang na nakaupo kasama ang kanyang ina. Humalik muna siya bago umupo sa katapat na sofa.

Kumusta ka na iha? Abay lalo kang gumaganda eh. Nakangiting sabi nito.

Hindi naman po tita, ganun parin naman ako.

Eh may boyfriend ka na bang naiwan sa europe?

Wala po tita, nandito sa atin ang puso ko eh. Huli na para bawiin ang sinabi niya. Ngumiti nalang siya sa ina na nag-angat ng tingin pagka bangit sa sinabi niya.

Abay Cassandra ipakilala mo siya sa amin nang sa ganun ay makilatis natin. Wika ng ina.

Ahm. . Napaisip tuloy siya ng maidahilan.

Kilala ba namin siya iha? Tanong naman ng tita letecia niya.

Huh eh . . Opo! Aniyang napasubo sa dalawang ginang.

Buti naman at kilala namin. Wika ng kanyang ina na agad naputol nang may marinig na humintong kotse sa labas ng bahay.

Tingnan mo nga Cassey kung sinong dumating baka ang kuya mo na yan. Sabi ng kanyang ina.

My Brother's Bestfriend/endedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora