2 years after

1K 25 1
                                    

           Mula tabloid, magazines at newspapers pati sa tv news ay mukha niya ang nakikita. Dahil panalo na naman siya sa sinalihang race. At halos hindi na siya gaanong nakakalabas dahil dinudumog siya ng mga media sa labas.

           Cassey!

           Bigla siyang napalingon sa pinto at muntik nang mapatalon. Si trish. Matalik niya itong kaibigan at ka team din niya. Isa ito sa mga pinagkakatiwalaan niya. Ito ang napagsusumbungan niya sa kanyang mga problema.

            Anong problema mo? Muntik na akong mapatalon sa gulat.  Aniyang nakakunot ang noo at sinundan kung sino ang nakasunod dito. Si Dex.

            Wala akong problema pero ikaw meron. Wika nito sa kanya at umupo sa couch.

             Ano naman? Tanong niyang ibinalik ang atensyon sa binabasang magazine.

             Maraming media ang naghahanap sayo sa labas. Ni Dex na tumihaya sa kabilang couch. Gusto ka nilang ma interview.

             Ganun buh? Eh di pagbigyan natin! Aniya sa dalawa.

             Sabay na nagkatinginan ang dalawa. Sure ka ba talaga? Ni trish na halatang nagulat sa sinabi niya. Dahil alam nitong ayaw niyang magpa interview kaagad kapag bagong panalo siya o kaya ay galing siya sa competition.

            Bakit. . . ayaw niyo? Aniya.

            Ay nako hindi! Ni trish na tumayo. Gulat na gulat lang, kasi naman sa tinagal tagal natin dito ngayon ka lang pumayag. Wika nitong itinaas pa ang isang kilay.

             Sabihin nalang natin na . . .  lahat ng bagay may dahilan, malaki man o maliit. Aniyang tipid na ngumiti sa kaibigan. Habang si Trish ay nagkibit lang ng balikat.

              Nahihiwagaan na ako sa mga sinasabi mo. Pweding paki explain? Ni dex na tumayo at binuksan ang ref niya. Naghalungkat kung ano ang makakain.

              Binitiwan niya ang binabasang magazine. At nag angat ng tingin. "Ayaw ko nang mag tago sa press." Maikli niyang sabi.

             Sure ka? Ni trish.

             Yes i am!

            Kaya't nagmamadaling ng dial si trish. "Coach papayag na si Cassey na magpa interview." Wika nitong excited sa kausap sa kabilang linya.

            Mula nang dumating sila ng europa ay hindi siya gaanong lumalabas. Bihira lang din kung sumasama siya sa mga kaibigan na ka team din niya. Kadalasan ay si Trish at dex ang palagi niyang kasama 'pag lumalabas siya. At mula nang umalis siya ng pilipinas ay hindi siya tumawag kailan man sa kapatid niyang si Mike. Sa kanyang mommy lang siya tumatawag kapag namimiss niya ito.

           Ngunit nagulat siya nang manalo siya sa unang laban na sinalihan niya. Pag uwi niya sa kanyang unit ay naabutan niya ang kapatid. Agad siya nitong niyakap. Hindi siya nakahuma agad dahil sa gulat.

          Kuya! B-bakit ka nandito? Saan mo nakuha address ko? Tsaka paano ka nakapasok? Sunod-sunod niyang tanong nang pakawalan siya nito.

           Maupo ka muna baby girl. Nakangiti nitong wika sa kanya.

           Saka siya umupo sa couch. Ngunit nanatiling nakatingin sa kapatid.

           Bumuntonghininga ito tsaka ngsalita. Hindi na importante kung saan ko nakuha ang address mo. Nandito ako para humingi ng tawad. Im sorry! Hindi dapat kita hinigpitan. Sa kagustuhan kong mapabuti ka ay hindi ko inisip ang mararamdaman mo. Seryosong wika ng kapatid.

             Sa sinabi nitoy naantig ang puso niya. Hindi pa nagpakita ng kahinaan ng loob sa tanang buhay niya ang nagiisang kapatid.

              Kuya!

              Huwag ka sanang magalit kay Nick. Ayaw niyang mag sinungaling sayo. Kagustuhan ko ang lahat kaya hindi niya sinabi sayo na nakakalakad na siya.

             Kalimutan nalang natin ang lahat kuya. I have my own life now. Ayoko nang balikan ang nakaraan. Aniya sa kapatid.

              Tumango-tango naman ito. Siyanga pala Congratulations. Hindi ko alam na magaling ka pala. I am surprised nang pinanood ko ang laban mo.

                Salamat! Nanuod ka pala. Aniyang napangiti sa kapatid. Nakikita niya sa mga mata nito na proud ito sa kanya. Magaan sa pakiramdam na ngayong nagkaayos na sila ng kapatid. Ngunit pakiramdam niya may kulang parin. At naalala niya ang isang taong mahalaga sa kanya. Si Nick. Gusto man niyang malaman ang kalagayan nito ngunit pinigilan niya ang sarili na magtanong tungkol sa binata. Ayaw niyang bigyan ng kahulugan ng kapatid kung sakaling magtatanong siya tungkol sa matalik nitong kaibigan.

                    *       *       *
Pilipinas

          Titig na titig sa screen ng tv si Nick. Kadarating lang niya mula sa opisina. At binuksan agad ang television upang mapanood ang interview ni Cassey. Darating ang dalaga sa linggo.

             Excited na siyang makita ang dalaga. Miss na miss na niya ito. Mula nang umalis ito at nagsimulang tumunog ang pangalan sa larangan ng car racing ay palagi na niyang inaabangan ang mga interview nito. At bumibili din siya ng mga magazine at newspaper. Wala din siyang pinalampas na mga guestings nito sa mga shows at interviews. Halos mapuno na ang kwarto niya ng mga posters ng dalaga.

         "Sa wakas makikita narin kita".  Aniya sa isip.

                  *         *        *
Cassey's welcome party

        Pagkababa niya mula sa kanyang silid ay sinalubong agad siya ng kanyang ina at kapatid. Agad siyang humalik sa pisngi ng ina at si Mike naman sa kanya. Nakangiti siya sa mga bisita. Lahat ay bumati sa kanya.
         
          Iha ang tita letecia mo. Wika ng ina niya na iginiya siya sa mesa ng ginang.

          Hi tita letecia. Kumusta po. Aniyang humalik sa pisngi ng ginang.

           Niyakap siya nito. Im proud of you. Gumanda ka pa lalo. Wika nito.

          Thank you tita. Nahihiya niyang wika. Wala po ba kayong kasama? Aniyang ang gustong itanong ay nasaan si Nick.

           Naku may kasama ako. Kasama ko si Nick. Ewan ko sa batang iyon nandito lang yun kanina eh. Sabi nito.

           Sige tita baka nandiyan  lang siya sa tabi-tabi. Aniya rito. Sa totoo lang kinakabahan siya sa muli nilang pagkikita.

          Inilibot niya ang paningin. Napatigil ang mga mata niya sa parehang nagsasayaw na nasa gitna ng dance floor kasama ng iba pang nagsasayaw. Pakiramdam niya ay mawawalan siya ng hininga sa sikip ng kanyang dibdib.

         Bigla tuloy nasira ang mood niya. Parang gusto na niyang umalis sa party at magkulong sa silid. Hindi niya alam na lihim na nagmamasid ang kanyang kapatid.

           Lumapit sa kanya si Mike na may dalang champaigne. "Gusto mo?" Ni Mike.

           Kinuha niya ang inabot ng kapatid at nilagok. "Hindi ko alam na malakas ka na palang uminom ngayon baby girl". Biro ng kapatid sa kanya.

           
Note: sana ay nagustuhan niyo ang part na to. See you on my next chapter.

Please dont forget to vote.

My Brother's Bestfriend/endedWhere stories live. Discover now