Back to race

1K 20 0
                                    

      Nakadalawang round na siya sa racetrack at pakiramdam niya ay lalo pa siyang ginaganahan. Ganun din ang kaibigan na si Trish at Dex. Kahit na pinapawisan na sila ay di parin tumigil ang mga ito sa pag-eensayo.

       Kakaiba sa pakiramdam kapag nasa  race tract siya. She feels the excitement when she is on the wheel. Kakaibang laban ito para sa kanya dahil gaganapin ito sa Pilipinas.

       Cassey! Tawag sa kanya.

       Coach! Wika niyang pababa sa kanyang sports car.

        Mas mabilis kang magpatakbo ngayon kaysa dati.

         "Inspired kasi coach". Ni Trish na pababa din sa sports car nito kayat napailing na lang siya.

         "Kung makapag salita ka naman parang hindi kayo nagdedate ng kuya ko." Wika niya na tinukso ang kaibigan. Kaya't namula ito sa di inaasahang sagot niya.

          Pahinga muna kayo! Wika ng kanilang coach.

         Pagtalikod ng kanilang coach para puntahan ang iba pang ka team niya ay saka niya binuksan ang hood ng kanyang sports car para echeck kung nasa  maayos na condition ito bago ang laban.

          Magdi -dinner kami ni Mike mamaya, gusto mo sumama? Ni Trish sa kanya.

           Kayo nalang, disturbo pa ako.

           Sige na para magkasama tayo. Pangungulit parin nito sa kanya.

           Ayoko nga, kulit eh. Aniyang may kinulikot sa makina ng kotse niya.

           Ang arti naman nito oh. Minsan lang ako mag aya eh.

           Tumigil siya sa ginagawa at humarap sa kaibigan. " May date din ako no." Aniyang kinikilig. Kayat napangiti ang kaibigan.

           Now I understand. Push mo na yan ah, tsaka itali mo na kaagad para di maagaw ng iba. Wika nito sa kanya.

           Sira! Napatawa niyang sabi rito. Ngunit ni wala sa isip niya ang mga seryosong bagay sa ngayon dahil sa career niya. Inaamin niyang mahalaga si Nick sa kanya. Ngunit may gusto pa siyang gawin sa buhay niya kaya ayaw pa niyang mag commit.

                 *        *         *
       Pauwi na siya sa kanila nang biglang mag ring ang cellphone niya. Nang tingnan niya ang screen ay ang pangalan ni Nick ang naka register. Biglang bumundol ang dibdib niya. Habang nagda drive ay inilagay niya ang headset sa kanyang tenga.

     Yes babe! Nakangiting sagot niya rito.

      Hi! Where are you?

      I'm on my way home.

      I see, hihintayin kita. Ingat sa pagda drive. See you baby girl. Love you. Wika nitong hindi na siya hinintay na maka sagot. Bago sa pandinig niya ang huling sinabi nito. At pakiramdam niya ay tumatalon ang puso niya. Hindi nagtagal ay nakarating na rin siya. Nakita niya agad ang binata sa labas ng gate. Sadyang hinihintay siya. Nakasandal ito sa kotse.

     Hi! Bungad nito nang buksan niya ang window shield niya tsaka siya hinalikan sa labi.

     Hi din. Nakangiting sagot niya rito.

     How's your day? Tanong nito.

     I have a great day! How about you? Balik din niyang tanong dito na hindi ipinahalata na naaasiwa siya dahil nakatunghay ito sa kanya.

     I miss you all day. Nakangiting wika nito.

     Bolero!

     Sayo lang! Sagot nito Sabay bukas ng pinto ng kotse. Halika ka na, Naghihintay na si mommy sa loob. Anitong hinawakan ang kamay niya.

My Brother's Bestfriend/endedWhere stories live. Discover now