Lost of love

1K 27 1
                                    

Walang kasing sakit ang nararamdaman ngayon ni Nick. Nakita niya sa mga mata ni Cassandra kung gaano ito nasaktan. Dahil sa natuklasan nito na nakakalakad na pala siya ngunit hindi niya sinabi rito. O dahil sa narinig nito ang sagot niya kay Mike!

Tatayo ka pa rin ba diyan o sasama ka na sa akin pabalik sa siyudad? Ni Mike na tinapik siya sa balikat.

Blanko ang ekspresyon niya. Ni ayaw niyang makipagusap sa kaibigan. Nagaalala siya para kay Cassey dahil mag isa lang ito pabalik ng siyudad. At alam niyang galit ito sa kanya ngayon.

Bilisan mo ang pagmamaneho. Upang maabutan pa natin si Cassey. Aniya maya-maya.

Kahit tahimik alam niyang nakikiramdam lang sa kanya si Mike. Alam na niya ang ugali nito. At malamang alam na nito ang totoong damdamin niya para sa kapatid nito.

Dapat kasi ipinagtapat mo na lang kung anong nasa puso mo.

Stop it Mike. Wala ako sa kondisyon para patulan iyang mga biro mo. Aniya rito ngunit nasa labas ng bintana ang tingin habang binabagtas nila ang kahabaan ng daan pabalik ng siyudad.

Iiling iling lang ang kaibigan. "Mahal mo na pala pinakawalan mo pa". Huwag mong hayaang mawala ang mga bagay na mahalaga sayo". You dont know it might be your last chance. Si Mike ulit.

Kahit naiinis sa kaibigan ay pinili niyang manahimik. Nanalangin na sana ay maayos na nakauwi si cassey. Hindi gaanong malakas ang ulan kaya lang madulas ang daan. At nasa hindi magandang kondisyon si cassey. Baka anong maisip nitong gawin habang nag dadrive.

It took an hours para marating nila ang siyudad. Ngunit malaking panlulumo niya nang malaman niyang hindi na niya naabutan si Cassey.

Nalaman niya sa mommy nito na nakaalis na ang dalaga papuntang europe para sa racing competition. Matagal na pala nitong plano kaya lang nung una ay hindi nito tinaggap dahil sa nangyari sa kanya. Mas pinili nitong alagaan siya kaysa pangarap nito na makasali sa international competition.

Napa suntok siya sa pader sa kawalan ng pagasa na kahit makausap man lang ang dalaga.

May i know whats happening iho? Baka makatulong ako. Tanong ng mommy ni Cassey. Halatang nagaalala at naguguluhan ito sa mga nakita.

Ahm mom, ako na ang magpapaliwanag. For now magpahinga po muna kayo. Aayusin muna namin itong gusot na napasukan naming dalawa. Ni Mike na inakbayan ang ina at iginiya sa hagdan.

O siya sige. Hahayaan ko na muna kayo. Anitong halatang inaantok.

Kumuha agad ng beer si Mike tsaka ibinigay kay Nick.

Isang buntong hininga ang pinakawalan niya. Habang maluhaluha ang mga matang iniwas niya upang hindi mapansin ng kaibigan. Pinipigilan niya ang sarili upang hindi siya bibigay sa tunay niyang nararamdaman.

"Hihintayin kita baby girl, gaano man katagal ay kakayanin ko. " aniya sa isip at sa nagdurugong puso.

Ayaw mo ba siyang habulin sa airport? Ni Mike na matamang nakatingin sa kanya.

Lumingon siya sa kaibigan tsaka sumagot. What for? Pagkatapos sabihin ang mga kataga ay inisang lagok niya ang nasa bote.

Malay natin hindi pa nakaalis ang eroplanong sinasakyan niya. Ni Mike ulit na binitbit ang bote ng beer at umupo sa couch na halatang pagod na pagod.

Inihilamos niya ang dalawang kamay tsaka pabagsak na umupo sa katapat na couch. Ikaw bakit ayaw mo siyang sundan? Kapatid mo siya. Ikaw dapat ang mas nagaalala para sa kanya. Tayo ang dahilan kung bakit siya umalis eh. Mahabang litanya niya sa kaibigan.

Naisip ko rin yan bago mo pa naitanong. "When i saw her walk away, nakita ko ang nasa mga mata niya. Nasaktan natin siya. Nasaktan ko ang kapatid ko. Sa kagustuhan kong mapabuti siya ay hindi ko napansin na mahigpit na pala ako sa kanya. Inilayo ko sa kanya ang mga bagay na nagpapasaya sa kanya. Kung si mommy ay sinusupurtahan siya ng palihim, siguro naman eh maibigay ko sa kanya ang kalayaan na gusto niya. Shes a big girl now. Kaya na niya ang sarili niya. Now I realized iba na siya kasi hindi na siya yung makulit na batang musmus na laging sumusunod sa ating dalawa. Mahabang wika nito.

Kasi tayo na ang laging sumusunod sa kanya. Dugtong niya rito. At Isang buntonghininga ang pinakawalan niya. Sa isip ay nandoon ang pag-asa na sana magiging okey lang ang lahat.

Note: please dont forget to vote.
And watch out for the next chapter.

My Brother's Bestfriend/endedWhere stories live. Discover now