love means to let go

961 15 0
                                    

    Hindi makatingin ng deretso si  Cassey sa Mommy Ni Nick. Dahil wala pa sa isip niya ang kasal. Marami pa siyang gustong gawin, kaya ayaw niyang mapasubo siya sa isang bagay na hindi siya sigurado kung handa na ba siya.

    Kaya't hindi niya napansin ang sinasabi ng binata. "Baby girl!" Sambit ulit Ni Nick nang mapansing natahimik siya.

      Ha! A-ano nga yung sinabi mo?

      You seems bothered, may problema ba? Tanong nito.

       Hhmm wala naman! I'm fine. Nakangiting wika niya na pilit itinatago ang totoong damdamin. "Where's tita?" Tanong niya rito.

       Lumabas! Pinuntahan si mommy mo.

       B-Bakit?

       H-hindi mo narinig? Sabi niya dapat nang pag-usapan ang kasal natin. Nakangiting wika nito.

      What? Napatayo siya bigla na ikinagulat ng binata kaya't tumayo narin ito. Biglang nagbago ang mood niya sa narinig.

       Cassey!

       Hindi pwedi! Ayokong magpakasal. Wika niya at nagmamadaling lumabas ng bahay upang puntahan ang dalawang ginang. Nakita niya ang mga mata ng binata nang bitiwan niya ang mga katagang ayaw niyang magpakasal. Nasaktan ito. Gusto niyang magpaliwanag ngunit ma's nanaig ang kagustuhan niyang pigilan ang dalawang ginang na sa kasalukuyan ay naguusap na.

      Nasa pagitan na sila ng dalawang bahay nang maabutan siya ng binata. At nakita na niya kung saan naguusap ang kanilang mga ina. "Baby girl wait! I'm just joking.

     Napatigil siya sa may gate nila sa narinig at humarap sa binata. " Ako hindi!" Matigas na wika niya.

     Hey! Aakmang yayakapin siya ng binata upang aluin, ngunit umatras siya tsaka iwinaksi ang braso nito. Siguroy napansin nitong seryoso na siya at totoong galit na. "Okey. . . tumigil ito at umayos ng tayo at tumitig sa kanya ng seryoso. " I'm sorry. Kung ang ikinagagalit mo ay ang  kasal, binibiro lang kita. At Biro lang din Ni mommy yun." Mahinahong sabi ng binata.

     "Huwag mo akong biruin sa mga ganyan." Matigas at galit parin niyang wika. "Ayokong pagusapan ang mga bagay na hindi ako interesado." Nagulat man sa nasabi ay hinayaan nalang niya na yun ang iisipin ng binata. Ni Hindi niya napansin ang sakit at lungkot na naka rehistro sa mukha ng binata.

     Cassey! . . sorry Hindi ko sinadyang biruin ka. At naiintindihan ko naman ang mga bagay na ayaw mo. At lalong naiintindihan ko ngayon kung bakit ayaw  mong ipaalam sa akin ang nalalapit mong laban. I'm just a nobody to you, kaya naiintindihan ko. Wika ni Nick sa mahinang tono
Ngunit may bakas ng hinanakit.
   
     "Nick!" Nang tingnan niya ito ay may bahid na sakit sa mga mata nito at lungkot.

    Don't worry, Hindi ko naman pinipilit Ang sarili ko sa taong hindi interesado sa akin kailan man. Wika ng binata na tumalikod sa kanya. Dumeretso ito sa naka park nitong kotse.

    "Nick wait! You don't understand." Aniyang sinubukang habulin ang binata ngunit mas mabilis pa ito sa alas kwatro. Tsaka niya napansin na nasa gitna siya ng kalsada sa pagitan ng dalawang bahay. Pakiramdam niya ay para siyang kandilang unti-unting nauupos. Bumalik siya sa kanilang bahay na naguguluhan. Habang ang mga luha ay parang ayaw tumigil sa pag agos na tila ulan. Tsaka niya pinagsisihan ang mga katagang nabitiwan na niya. Ni hindi niya inisip kung masasaktan ito o hindi.
Napansin ng dalawang ginang ang naging eksena nilang dalawa kaya't nagmamadali ang mga ito na lumapit sa kanya.

       Baby girl, what happen? Nagaalalang tanong ng ina ni Nick.

       Napatingin siya sa dalawang ginang. "Tita! A-anong pinaguusapan niyo ni mom?" Aniyang pilit pinapapakalma ang sarili.

My Brother's Bestfriend/endedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon