Back home

1K 28 0
                                    


Ngumiti siya ng mapait habang nakatingin parin kay Nick at sa kasayaw nito. "Ngayon lang 'to kuya". Aniyang tumalikod at tinunga ang laman ng kopita. Sumunod naman ang kapatid.

Nasaan na ang mga kaibigan mo? Pagiiba sa kanya ng kapatid.

Saka niya naalala ang dalawang kaibigan. Sina Dex at Trish. Oo nga pala, matawagan nga!

Ipakilala mo sila sa akin ha. Wika ng kapatid.

Siyempre naman kuya. Sandali. Aniyang lumayo sa kapatid upang matawagan ang mga ito.

Ngunit hindi paman siya nakapag dial ay nakita na niya ang dalawa na papasok.

Hi guys! Late kayo huh. Aniyang yumakap kay trish.

Eh kasi naman itong si Dex ang tagal dumating sa bahay. Ni Trish

Kasalan ko na lahat. Ni Dex na halatang guilty. "Eh traffic kasi eh".

Halina na kayo sa loob. Ipakikilala ko kayo sa kapatid ko.

Wow Cassey ang laki ng bahay niyo ah. Ni dex

Hindi naman. Kasya lng kami ng mommy at kuya ko noh. Aniyang dinala ang mga ito sa kinaroroonan ng kapatid. "Kuya, sila ang mga kaibigan ko. Si Trish at si Dex, And guys He is my handsome brother".

Hello po! Ni Dex

Hello! Ni trish naman na nakangiti.

Nice to see you guys. Proud ako sa natamo niyong tagumpay. Nakangiting sabi ni Mike.

Naku po dapat mas proud kayo kay Cassey. Napakagaling niya. Ni Trish na ibinida siya.

Proud ako sa inyong lahat. Ni Mike na hindi mawala ang ngiti.

Teka lang kumain na muna kayo. Ni Cassey.

Mabuti naman. Ni Dex na tumayo agad upang kumuha na ng pagkain.

Hay naku alam ko na gutom ka na Dex. Aniya.

How about you Trish? Tanong ni Mike sa kaibigan niya.

Yeah sasabay na ako kay Dex. Sagot naman ni Trish.

Enjoy your food guys. May kukunin muna ako sa room ko. Aniya tsaka tumalikod. At Hindi niya naiwasang hanapin ng paningin si Nick. Wala na kasi ito sa dance floor. Kilala niya ang babaeng kasayaw nito kanina. Isa ito sa mga kapit bahay nila na laging nagpapansin kay Nick.

Nang hindi makita ang hinahanap ay tumalikod na siya at dumeretso sa silid. Pabagsak siyang tumihaya at ipinikit ang mga mata. Ngunit muntik na siyang mapatalon sa gulat nang may biglang magsalita.

"Welcome back home baby girl". Ni Nick na nakasandig sa pinto.

Nick! Aniyang bumalikwas ng bangon. A-anong I mean what are you doing here. Pano kang nakapasok? Natataranta niyang tanong rito. Dahil pinipilit niyang labanan ang kaba sa dibdib. "Ang gwapo niya". Sabi din ng utak niya. Mula nang lumayo siya ay ngayon lang ulit sila nagkita.

This is your party natural na nandito ako. And pano ako nakapasok? Well baka nakalimutan mong lumaki ako dito. Seryosong wika nito.

Habang nakatingin siya sa binata ay lalong tumindi ang kaba niya. "You are in my room, dapat siguroy lumabas ka muna". Aniyang hindi alam ang gagawin o sasabihin rito. Pakiramdam niya ay habang tumatagal ay may kung anong paru-paro sa tiyan niya.

Kumusta ka na? Wika nitong parang hindi narinig ang sinabi niya.

Nick we can talk outside. Aniyang hindi na mapakali.

Ang laki na ng pinagbago mo, But still your my baby girl. Seryosong nakatitig ito sa kanya. Kaya lalong bumundol ang puso niya.

Please stop it Nick. Nakainum ka lang. Aniyang akmang bubuksan ang pinto ngunit hinawakan nito ang kamay niya. Ngunit iwinaksi niya ito dahil pakiramdam niya ay may kung anong kuryenti ang nanulay sa buong katawan niya.

Biglang nagtagis ang bagang ng binata sa naging reaksyon niya. "Napalaki pala ng naging kasalanan ko sayo. Kaya hindi mo ako mapatawad hanggang ngayon". Walang anu-anoy ito na mismo ang bumukas ng pinto. Tsaka lumabas.

Naiwan siyang napapikit. Huli na upang habulin ang binata. Ngunit bumalik parin siya sa party. Hinanap niya ito sa buong paligid. Ngunit hindi na niya ito muling nakita. Kaya lalong bumigat ang pakiramdam niya.

* * *
Press conference

Isang Press conference ang ginanap sa Manila hotel para kay Cassey. Lahat ng mga camera ay nasa kanya nakatutok. Habang sinasagot ang mga katanungan ay hindi rin nawala ang ngiti niya sa mga fans at sa press. Hanggang sa may magtanong sa private life niya.

Ma'am Cassey alam naman natin na napaka busy mo. May panahon ka pa ba sa usaping puso? I mean do you have a boyfriend. Tanong ng reporter sa kanya.

Bago pa siya sumagot ay may nahagip ang paningin niya. Si Nick! Nasa audience ito at matamang nakatitig sa kanya.

Ma cassey . .ulit uli ng nagtanong.

Usaping puso? Ahm For me kasi, hindi ako nagmamadali sa ngayon. Wala akong boyfriend pero may nagugustuhan. Sana ay mapansin na niya ang beauty ko. Aniyang biro ang huling sinabi.

Miss Cassey kilala po ba namin si Mr. RIGHT? Tanong naman ng isang reporter na kinikilig.

Sa ngayon secret muna. Baka kasi pag nalaman niyo eh interviewhin niyo rin. Aniyang natawa sa sinabi. Nang muli niyang tingnan ang binata sa audience ay wala na ito.

Miss cassey kailan po namin siya makikilala? Tanong ng isa pang reporter.

Naku mahiyain siya eh. Baka maghintay kayo ng matagal. Aniyang napasubo tuloy sa mga tanong. Hindi niya inaasahan na magiging interesado ang media sa lovelife niya. Eh ang totoo ay wala naman talaga.

Kung anu-ano pa ang mga tanong ng media sa kanya na kanya namang sinagot. Tungkol sa car racing at ibang sports.

Ngunit ang isip niya ay nasa kay Nick. Pagkakita niya rito na nasa audience ay nag-iba agad ang tambol ng puso niya. Hindi niya mapigilan ang ma conscious pag nakatingin ito.

Note: pwedeng mag suggest ng kakaibang kilig na scene upang mapaganda ko pa ang kwento ng pagibig.

And please dont forget to vote. :)

God bless to all readers.

My Brother's Bestfriend/endedWhere stories live. Discover now