jealous hearts

1K 21 0
                                    

        Pagkatapos nilang maghapunan ay ng tsaa naman sila sa terasa. Mula nang magpaalam si Nick na mg yo-yusi ay hindi na niya ito nakita kaya hinanap niya ito sa buong kabahayan ngunit hindi niya nakita. Napasilip siya sa labas nang may marinig siyang andar ng sasakyan. Nakita niya si Nick kayat nagmamadali siyang lumabas.

       Nick where are you going? Aniya na pilit nilabanan ang anumang damdamin para rito. Tumingin lang ang binata sa kanya.

       Bumalik ka na sa loob. Wika nitong walang anumang emosyon sa mukha.

        Nick bakit ka aalis? Anong problema mo? Aniya rito.

         Wala akong dapat ipaliwanag baby girl. Kaya ikaw pumasok ka na sa loob. Wika nitong ni hindi tumingin sa kanya.

          Kung ayaw mong bumalik sasama nalang ako. Aniyang binuksan ang passenger side tsaka sumakay.

          Makulit ka talaga! Wika nitong nagbuntong hininga.

          Wala na akong magagawa diyan.  Yun naman talaga ang tingin mo sa akin. Aniyang sa labas ng bintana nakatingin habang umaandar na ang kotse. Di rin nag tagal ay narating nila ang nais nitong puntahan. Isang bar.

           Multi itong sumulyap sa kanya. "I warned you, umuwi ka na?" Wika ng binata na nilinga siya.

            Hindi ako minorde edad Nick. Aniyang binuksan ang pinto. "Sasama ako! Weather you like it or not."

             Wala Itong nagawa sa kakulitan niya. Kaya't nagpatiuna ito habang siya ay nakasunod. Nasa  entrance pa lang sila ay meron nang sumalubong sa binata. Kasing tangkad ito ni Nick habang ang katawan nitoy balingkinitan. Agad itong yumakap at humalik sa labi ng binata. "Akala ko Hindi ka na darating!" Sabi nito sa binata na pinalambing ang Boses.

            I'm sorry babe! Sagot naman ng binata rito. Nag-umpisa na siyang nagngingitngit rito. Mukhang Hindi na siya napansin ng binata. Kayat umupo nalang siya sa may bar tender at ng order ng facey navel (ladies drink). Mahigpit ang hawak niya sa baso na para bang leeg ng babae ang hinahawakan niya. Lalong naningkit ang mga mata niya nang makita niyang umikot ang isang braso ng binata sa beywang ng Babae. Kaya't napadalas ang lagok niya sa kanyang inumin. Nang maubos ang laman ay ng order siya ng tequila.

       Wala ka bang kasama mam? Tanong ng bar tender na nahahalatang nagiisa siya.

         May nakita ka bang kasama ko? Wala di ba? Kaya huwag mong ipamukha sa akin na nagiisa ako. She answered in a sarcastic tone.

          Napakamot nalang sa kanyang ulo ang bar tender. Tsaka sinundan ng tingin ang kanina pa niya binabantayan. Si Nick at ang ka date nito.

          One more glass! Aniya ulit sa bar tender.

          Mam baka malasing po kayo, wala pa naman kayong kasama. Sabi naman ng lalaki na halatang nagaalala sa kanya.

           Pinapauwi mo na ba ako? Mahinahong tanong niya ngunit seryosong nakatingin sa lalaki.

           Baka kasi lalo ka lang masasaktan, habang yung  taong mahal mo ay nasa piling ng iba!

           Wow, nagpaparinig ka ba? Humuhugot ka na eh.

            Muling napakamot sa ulo  ang bar tender. Nang  muli  niyang tiningnan ang kinaroroonan ni Nick ay muling nadagdagan ang bigat na nararamdaman niya dahil ang babae ay may ibinulong Kay Nick na siyang   nagpangiti nito.

            Lalong nagngingitngit ang loob niya at inilagok ang laman ng shot glass. Tumayo siya at akmang aalis na ngunit. .

            Ma'am bayad niyo po!

My Brother's Bestfriend/endedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon