Guilt feeling

1.1K 31 0
                                    

Note: sorry sa hindi na update. Nawala ang phone ko at na hack din ang email add ko. Tapos hindi ko naayos agad kasi na busy din kasi dumating ang boyfriend ko galing texas so i have to be with him always. But now im back. Itutuloy ko na ang mga chapters. Enjoy reading guys.

* * *
Nakarating sila ng maayos sa babakasyunan. At agad silang sinalubong ng mag-asawang katiwala ng bahay. Pagmamay-ari ng mga magulang ni Nick ang bahay, ngunit paminsan-minsan lang sila nakakapunta dito. Dahil na rin sa napaka busy ng schedule nito.

Agad niyang inalalayan ang binata sa pagbaba. Alam niyang pagod ito kaya ihahatid na niya ito sa kwarto. Kabisado na niya ang bahay dahil ilang ulit na rin siyang nakapunta dito kasama ang pamilya.

Senyorita hayaan niyo na po ako ang maghatid kay sir Nick sa kwarto niya. Wika ng may edad nang katiwala.

Mang Dante huwag na po . . .
Hayaan mo si Mang Dante ang magdala sa akin sa silid ko. Ni Nick na Sumabat. Kaya hindi niya natuloy ang sasabihin. Kaya't hinayaan nalang niya ang matanda ang siyang umalalay sa binata. Napansin niyang malayo na talaga ang loob ng binata sa kanya.

Ahm, Senyorita kumusta na po kayo? Tanong ni aling Lydia nang makalayo na ang binata at Nick.

Okey lang Aling Lydia. Aniyang ngumiti sa matanda.

Sa tingin ko kasi may problema kayo. Anitong sumulyap sa dalawang lalaki na paakyat sa ikawalang palapag.

Sumulyap rin siya sa tinitingnan nito. Tsaka huminga ng malalim. "Mahabang estroya po eh." Ako ang dahilan kung bakit nagkaganyan si Nick. Aniyang may lungkot sa boses at mga mata.

Hayaan mo Senyorita may dahilan ang diyos kung bakit nangyayari ang bagay sa ating buhay. Magiging okey rin ang lahat. Paliwanag sa kanya ni Aling lydia na nakangiti.

Sana nga Aling Lydia. Nakangiting sabi rin niya.

* * *
Mataas na ang araw ay hindi parin niya nakita si Nick na lumabas ng silid kaya kinatok na niya ito.

Nick? Gising ka na ba? Aniyang tinawag ito. Ngunit walang sagot. "Nick" tawag ulit niya. Wala paring sagot. Nagaalala na siya. Kaya't pinihit na niya ang seradura upang silipin ito sa loob.

Nick! Bulalas niya. Nakadapa ito sa sahig na parang nahulog mula sa kama. Agad niya itong dinaluhan at kinuha ang wheelchair sa di kalayuan upang paupuin ito. Ngunit itinakwil nito ang kamay niya.

"Leave me alone". Anitong pulang-pula ang mukha.

Nick ano ka ba! Tinutulongan kita.

"You dont know how i feel right now Cassandra. Bakit ka ba nandito. Hindi ko naman kailangan ang tulong mo. Now get out". Anitong tinitimpi ang galit.

Nick naman! Huwag naman puro galit sa puso mo. Hayaan mo naman akong alagaan ka.

Bakit? Para mawala ang guilt mo? Para makabawi . . .

Oo! Oo! Oo! Aniyang parang tinutusok ang dibdib sa nararamdamang sakit sa mga sinabi ng binata. "Kasi nahihirapan akong makita kang ganyan".

Tumawa ito ng mapakla. Ikaw? Nahihirapan? Then leave! The door is open. Anitong akmang aabutin ang wheelchair.

Hindi niya pinakinggan ang sinabi nito kahit masakit. At mas pinili niyang alalayan itong makaupo sa wheelchair. Hindi siya umimik nang deretso nitong pinagulong patungo sa banyo.

Napabuntong hininga nalang siya tsaka isa-isang inayos ang magulo nitong kama. At napansin niyang basa ang kumot at amoy panghi. Kaya pala mainit ang ulo nito dahil siguro hindi umabot sa banyo at dito na naabutan ng ihi.

Kaya't pinalitan nalang niya ang bedsheet at mga unan nito. At naghanda ng pagkain pra rito.

Note: please dont forget to vote at abangan ang next chapter.

My Brother's Bestfriend/endedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon