"race tract"

1.2K 29 0
                                    

Matamang nakatingin si Nick sa dalaga nang dumating sila sa sinasabing lugar. Masaya itong nakipag kwentuhan sa mga kaibigan. Para itong nakawala sa hawla. Dahil masigla ito nang makita ang mga kaibigan na mahilig din sa car racing.
Sa tingin niya ay may parang pinagkakasunduan ang grupo ng dalaga. At ngayon lang yata niya nakita ang kakaibang sigla nito at kakaibang kislap ng mga mata nito.
Kaya hinayaan nalang muna niya itong makipag kwentuhan sa mga kaibigan.
Inilibot niya ang paningin sa mga kabataang nakasalamuha ng dalaga. Sa mga nakita niya ay masasabi niyang hindi basta-basta ordinaryo ang mga nandoon. Lahat yatang nandoon ay may kaya sa buhay dahil narin sa mga magagarang kotseng dala nga mga ito.
Muli siyang napatingin kay cassey na ngayon ay may lalaking kausap. Sa tingin niya ay parang kinulit ito ng lalaki.
Cassey! Tawag niya sa dalaga na siyang ngpa lingon sa dalawa.
Nick. .
Hindi pa ba tayo aalis? Sabi niya nang makalapit sa dalawa.
Humarap ang lalaki sa kanya at sinuri siya. Si cassey naman ay lumapit sa kanya at humawak sa braso ng binata.
Im sorry carlos hindi ako makakasama sayo. Wika ng dalaga.
Tumawa ito ng pagak. Bakit! Dahil ba sa kanya? Anitong suminok at ngumisi ng nakakaloko. Kaya ba hindi mo ako sinagot nang niligawan kita.
Carlos please. . Nakainom ka lang. Aalis na kami. Sabi ng dalaga na tatalikod na sana.
Karera tayo! Sabi ng lalaki na nanghahamon ng tingin sa kanya. Kaya napabalik si cassey sa kanilang dalawa.
Sa tingin niya ay hindi ito tumatanggap ng hindi. Lumalaban parin kahit alam nitong talo siya. Sa paraan ng pagtitig sa kanya ay seryoso ito.
Carlos you can't do this. . Hindi nagkakarera si Nick. Sinamahan lang niya ako dito. Wika ng dalaga na natataranta.
Tinatanggap ko ang hamon mo. Aniyang hindi kakitaan ng takot o kaba.
Great! Nakangising sabi ni carlos sa kanya. "Maghanda na tayo." Saka nito tinungo ang itim nitong sports car.
Kaya lalong nataranta si Cassey. "Nick please stop it. Walang rason para makipag karera sa kanya. Tsaka you know nothing about drifting." Wika nito.
Matagal na ba siyang may gusto sayo? Aniyang hindi pinansin ang sinabi ng dalaga.
It's been months now pero hindi ko pinapansin. Look hindi mo kailangan gawin ito. . .
Napahinto sa pagsasalita si cassey at pareho silang napatingin sa ingay na nagmumula sa sports car ni carlos na halatang naiinip sa kanya.
Nag iingay na rin ang iba pa. Hudyat ito na wala nang atrasan. Nang lingunin niya ang dalaga ay nakatitig ito sa kanya at naka rehistro sa mga mata nito ang pag-aalala.
Pag-aalala? Tama ba ang nakikita niya? Nag aalala ito sa kanya. Most of the time ay hindi sila magkasundo at lagi silang nagkakasagutan. Ganun din ito sa kapatid na si mike. Masyado kasi itong na spoiled ng ama nang nabubuhay pa ang ama ng dalawang magkapatid. Ang ina naman ng dalawa ay masyadong mabait para pagalitan ang dalaga.
Handa na siya nang may hudyat na magsisimula na ang karera. Magkatabi ang kotse niya at kotse ni carlos. Nang tingnan niya ang lalaki ay halatang malaki ang kompiyansa nito sa sarili.
Nick! Ni cassey na lumapit sa kanya.
Dont worry baby girl, il be fine. Aniyang ngumiti sa dalaga upang hindi ito mag-alala.
Mag-ingat ka. Marumi siyang maglaro.
Ngumiti siya sa dalaga. "Sige na magsisimula na kami." Aniyang itinaboy na ang dalaga para lumayo na ito sa kanya.
Isang hudyat pa't magsisimula na ang carera.
Nang marinig ang isang putok ay agad pinatakbo ni nick ang kotse. Ngunit nauna nang magpatakbo si carlos. Ilang pulgada lang ang layo ng kotse niya sa kotse nito.
Darn! Napamura siya nang iginitgit siya ng lalaki upang hindi makaalpas. Wala siyang space sa kabilang side dahil pader na. Nang lingunin niya si carlos ay nakangisi ito sa kanya na parang sinasabi na "hindi ka mananalo".
Kaya lalo niyang pinabilis ang takbo. Ngunit hindi niya napansin na mababangga siya sa malaking truck. Huli na para umiwas.

Note: please dont forget to vote for this chapter.

My Brother's Bestfriend/endedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon