Twenty-Two (22)

69 4 0
  • Dedicated to Carla Michelle Yap
                                    

Bagong simula sa panibagong buhay.

"Tatlong araw pero bakit?.", nagulat si Arron sa mga narinig. Bago nakipagkasundo si KING kay Henry na tutulungan siya nitong matalo si Prof. G. ay nabanggit nito ang tungkol kay Carla. "Totoo ang sinasabi nung kaibigan niyo at nung isang 'yon." wika ni Alexander.

"Alex yun ba ang sinasabi mo kaninang kailangan niyang ma-reprogram?"

"Hindi totally reprogram Desiree, kailangan niya ng renewable energy. Pero imposibleng makahanap ng ganun."

"Alam ni Mr. Sia 'yon for sure kung anong gagawin."

"Teka sino ka ba?" tanong ni Jake.

"Hindi namin sasabihin ang pangalan niya." choro nina Arron, Milly at Desiree.

Sumama ang tingin nina KING, Jake, Regine at Carla kay Chanmee na halata namang duda sila sa dalaga. "Wag kayong mag alala kaibigan ako okay?", sinang ayunan naman ni Arron ang sinabing iyon ni Chanmee. Nagpunta muna sila ng hospital upang malapatan ng lunas habang may pinagdidiskusyunan sina Chanmee at Desiree sa di kalayuan.

"Kaya makagawa ni Mr. Sia ng reactor para kay Carla."

"Ayun naman pala eh, sabihin na natin agad kay Nico."

"It's not simple like that, at hindi kayang gawin sa tatlong araw lang. Sa paghahanap pa lang ng resources matatagalan ka na."

"So anong balak mo?"

"May mabilis na paraan na sa mga kamay ko na nag resources."

Pinakita ng dalaga kay Desiree ang mga magagamit nila para sa pag-gawa ng reactor. "Sa hinaharap ba patay na si Carla?" natanong bigla ni Desiree kay Chanmee. "No, pero isang taon rin syang tulog, if you know what I mean.". "Pero bakit?" tanong uli ni Desiree. Nabanggit ni Chanmee na nahirapang maghanap sina Arron at Nicolai ng resources by that time kaya natagalan ang pag buhay muli kay Carla.

"Bakit hindi namin nakita sina Arron, Carla, Milly at ang pinaka importante ako?"

"Hindi ko pwede sabihin okay?"

"May magagawa ba ako? tara na salubungin na natin sila."

Agad namang nakalabas ng hospital sina Arron at Milly ngunit sina Jake at Regine ay magtatagal pa sa hospital ng dalawang araw dahil na rin sa mga natamo nila. "Oh Alex san ka pupunta?", tanong ni Desiree.

"Kailangan ko munang umuwi aasikasuhin ko lang ang company namin. Basta pag may kailangan kayo tawagan niyo lang ako."

Nagtungo na ang magkakaibigan sa hidden laboratory ni Nico. "Oh ano nang nangyari sa inyo?", sabay lapit si Nico kay Desiree. "Okay lang kami, ang ate mo ang asikasuhin mo. Nga pala si KING tropa namin.". Natawa bigla si Arron at Milly kay Desiree, feeling close agad si Desiree kay KING.

"Di ba KING okay ka lang?"

"Oo, pero sino ka ba hindi kita kilala eh?"

Nagpipigil ng tawa si Arron sa sagot ni KING, "Anong tinatawa tawa mo dyan Arron ha?!".

"Siya si Desiree, KING mabait na tao yan minsan may toyo nga lang."

"Teka Desiree ano ang tungkol kay ate?"

"May tatlong araw na lang siya at kailangan siyang maiayos sa madaling panahon." sagot ni KING.

"Pero huwag na kayong mag alala, kaya mo namang gumawa ng isang reactor hindi ba Mr. Sia?"

"Teka sino ka ba?" tanong ni Nico.

Ayaw pa rin sabihin ng tatlo sa kanila kung sino talaga si Chanmee kahit na kinukulit na sila ni Carla. "Arron tara kumain muna tayo, sigeee naa.." lambing ni Carla. Napansin ni Milly na ngumiti si Chanmee noong nakita niya sina Arron at Carla, "Ni weisheme xiao?". Umiling lamang si Chanmee sa tanong ni Milly.

Nangako si Nico na matatapos niya ang paggawa ng reactor kung totoo ngang kumpleto ang mga resources. Pinakita ni Chanmee lahat ng magagamit ni Nico, "Woah! kakaibang capsule yan ah, nag kasya lahat ng mga ito sa loob niyan.". Nag paalam na si Chanmee na babalik na sa hinaharap dahil tapos na ang role niya sa panahon nila. "Babalik ako after a year Ayi." kumakaway na umalis si Chanmee habang nattatransport siya pabalik sa hinaharap.

"So galing pala siyang hinaharap at kilala niya ako?"

"Boss ka kasi niya sa hinaharap and besides ikaw na ang may-ari ng CNC ng mga panahong iyon." sagot ni Desiree.

"Impossible yun kalaban namin yun eh."

"Hindi ko alam pero sa text sa akin ni Alex mukhang ibebenta na niya ang kumpanya nila at naghahanap siya ng investor na pwede mag take over."

"So all I need to do is to invest to them?"

"Oo yun ang bilin niya, may tiwala kasi siya sa atin. Kaya niya raw gusto iwan na yun dahil hindi niya alam patakbuhin ang CNC."

Sinimulan na ni Nico ang paggawa ng reactor na halos kulang na kulang na ang tulog at pahinga niya maihabol lang sa tatlong araw.

Lumipas na ang dalawang araw at nakalabas na rin ng hospital sina Jake at Regine, sinundo sila nina Arron at KING upang dumiretso kina Nico. "Desiree tapos na ba si Nico?" tanong ni Arron. Umiling lamang ang dalaga, dahil unti unti ng nanghihina si Carla.

"Carla, kaya mo yan."

"Oo nga ate Carla, gusto ka pa namin makita ni Regine na bumalik sa school namin."

"Anong pinagsasabi mo dyan Jake, hindi pa naman siya mamatay."

"Tama si Desiree, Jake nakalimutan mo na ba na hindi siya tao."

Apat na oras na silang naghihintay kung ano na ang anngyayari kay Carla. Sawakas ay lumabas na rin si Nico sa silid, "Ano na ang nangyari?". Ngumiti si Nico sabay sabing "Successful ang paglalagay ko ng reactor kay ate. Tara ate lumabas ka na dyan.". Pagkalabas ni Carla ay agad siyang niyakap ni Arron, "Mabuti naman at ok na ang lahat, mapapanatag na ako.".

Kinilig silang lahat ng biglang dumampi ang mga labi ni Carla sa mga labi ni Arron. Pati ang binata ay gulat na gulat sa ginawa ni Carla, na halos hindi siya makagalaw ng mga oras na iyon. "Arron? Arron?! Hoy! Ano bang nangyayari sa'yo?", niyugyog ng dalaga si Arron kaso hindi pa rin ito mahimasmasan. Binatukan ni KING si Arron at nagising na ito sa katotohanan, "Aray!". "Bakit mo ginawa 'yon Carla?" halata kay Arron na nag bblush at nahihiya ito sa ginawa ng dalaga. "Eh yan naman ang gusto mong mangyari talaga, hindi ba Arron ayiee?", pang-aasar ni KING.

"Alam mo ba noong hindi ko pa nababalik ang mga alaala ko, mas pinili kita kesa kay Henry. Kasi sa una pa lang may tiwala na ako sa'yo. Wo ai ni Arron."

Turtle (To be revise soon)Where stories live. Discover now