Nineteen (19)

75 6 0
                                    

Muling pagkikita.

"Kung akala niyo ang pagpapaiwan niyo rito ay makakatulong sa pag-akyat nila."

"Pwes nagkakamali kayo dahil may dalawa pang nag-aabang na mas malalakas pa sa amin."

"Ako si Marco."

"Ako naman si Jemima."

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Dalawa sila sa matatapat na tauhan ni Prof. G. at ang kumidnap kay KING. Nagkakilala ang dalawa sa isang orphanage noong mga bata pa sila ng kalaunan ay naging mga talamak na mandurukot. Umalis sila ng ampunan upang hanapin ang mga magulang nila ngunit nalihis sila ng landas at gumawa na ng mga krimen sa kalye. Sa matagal na pagsasama nilang dalawa ay nag ka-inlovan na sila.

Isang araw sa Luneta kung saan doon naninirahan ang dalawa, may isang matandang lalake ang naglalakad lakad. Naisipan ni Marco na pagnakawan ito, ang plano niya ay si Jemima ang magdidistract sa matanda habang pinagnanakawan niya ito. Pero bigo ang plano nila dahil nakutuban sila ng matanda, kaya nagmadaling kinuha ni Marco ang patalim nito na nakatago sa kanyang likuran. Sasaksakin na niya sana ang matanda ngunit napigilan siya nito sa pamamagitan ng paghawak nito sa talim.

"Bata, masasayang buhay niyo rito." sabi ng matanda. Lumapit si Jemima kay Marco sa takot na baka kung anong gawin sa kanila. "Sumama kayo sa akin, gusto niyong magkaroon ng pera di ba?", walang pag-aalinlangan na sumama ang dalawa sa matanda. Nagtungo sila sa isang malaking gusali, "Wow ang laki po ng building niyo." namangha sina Marco at Jemima.

"Ako nga pala si Gabriel, pwede niyo akong tawaging daddy Gab. Pero Prof. G. talaga ang tawag nila sa akin.".

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Utang na loob namin kay Prof kung ano man kami ngayon hindi ba Jemima?"

"Tama ka dyan Marco, sinanay kami para maging mga professional assassins."

"Kong qiqiu!", inatake ni Regine ang dalawa na agad naman nilang naiwasan. Sumugod na sina Marco at Jemima patungo kina Jake at Regine. Sunod-sunod na pag-atake ang ginagawa ng magkabilang panig ngunit nagiiwasan sa bawat ganti ng ibinibigay ng isa't isa. "Eto saluhin niyo kung kaya niyo!!" nagpaulan ng mga iba't ibang patalim si Jemima kay Regine. "Mian dui feng!", gumawa ng isang pader na hangin si Regine upang masalagan ang mga patalim.

"Yan pala ang nagagawa ng Violet Fans huh? Mahusay pero wala yang magagawa sa sandata ko ang Savage Nymp Daggers.", naglabas ng tig-apat na patalim sa magkabilang kamay si Jemima. Binato niya ito sabay sabay kay Regine, sasanggain ulit sana ito ni Regine ngunit napansin niyang may sariling buhay ang mga iyon. Nakasangga ng limang patalim si Regine ngunit tatlo naman ang nakalusot at sinugatan ang braso't hita nito. "Oh anong problema? Nasugatan ka ba? Kawawa ka naman hindi bale madadagdagan pa yan."

Nagpatuloy ang mga patalim sa pag-atake kay Regine, halos marami ng sugat na natamo si Regine. Nagmasid si Regine kung paano kumilos ang mga patalim, napansin niya ang suot na relo ni Jemima na katulad kina Arron. "Mian dui feng! Mian dui feng! Mian dui feng!", napapalibutan na ng makakapal na pader ng hangin si Regine. "Ikinulong mo lang ang sarili mo sa kamatayan, paalam!!" pinadaan ni Jemima ang mga patalim niya sa itaas dahil yun lamang ang walang harang.

Nawala na ang mga harang at nawala rin si Regine, "Nasaan ka na! Naduduwag ka na ba?". Paglingon niya sa kaliwa andun si Regine kaya pinsaugod niya ang mga patalim patungo sa dalaga, pagdikit na pagdikit ng mga patalim ay naging hangin si Regine. Sinamantala ito ni Regine at umatake siya galing sa itaas, "Feng bao!". Nagkaroon ng isang malaking pagsabog ang ginawang iyon ni Regine na halos mamatay na si Jemima.

---------------------------------------

"Wag nyong alalahanin masyado yung pagsabog na yon, talunin na natin lahat ng mga goons dito para makaakyat na tayo sa ika-apat na palapag." banggit ni Desiree kina Arron at Carla.

---------------------------------------

"Paano?! ughh.." nawalan na ng malay si Jemima dahil sa mga matinding sugat na tinamo. "Okay pala minsan pag nagbabasa ka ng manual." sabi ni Regine habang hinahanap si Jake sa labas. Parehong tumba na sina Jake at Marco ng madatnan sila ni Regine, "Jake!!".

"Re...Regine? ang dami mong sugat ahh okay ka lang ba?"

"Wag ka nang magsalita okay? Pareho lang tayo. Sorry Marco." malungkot na sabi ni Regine.

"Alam ko na.. hindi mo na kailangang sabihin. Magkakasama naman kami ni Mima sa kabilang buhay."

Binawian na ng buhay si Marco kasabay ng pagpanaw ni Jemima. Kahit na pareho ng walang lakas ay nagawa pa ring itayo ni Regine si Jake. "Sundan na natin sila Gine.", mahinang sabi ni Jake. Hindi pumayag si Regine kaya nagpasya muna silang magpahinga at lapatang ng paunang lunas ang isa't isa.

---------------------------------------

"Yun na iyon? ni wala man lang tayong natamo kahit gasgas." pagmamayabang ni Desiree.

"Des tara na sa ika-apat na palapag."

Pag-akyat nila napansin ni Carla na may isang tao rin na nakahood ang nag-aabang sa kanila. "Sino ka naman?" tanong ni Desiree sa mayabang na tono. Tinuro ng nakahood sina Arron at Carla at sinabing, "Kayong dalawa umakyat na kayo.". Nayabangan si Desiree sa nasambit ng nakahood, "Sige Arron, Carla mauna na kayo sa taas susunod na lang ako.".

"Ikaw, pwede ba tanggalin mo na yang distorted voice mo at ipakita mo kung sino ka talaga."

"Kung mapipilit mo ako."

Itinuro ni Desiree ang kanyang katana sa kalaban, "Kung yan ang gusto mo edi sige.". Naglabas rin ng katana ang kalaban niya at tinanggal niya na rin ang distorted voice nito. "Ayoko man gawin ito pero kailangan.". Tumakbo sila patungo sa isa't isa at nagsimulang magpalitan ng mga atake. Hindi naiwasan ni Desiree ang isang sipa na tumama sa sikmura niya.

"Akala ko magaling ka puro salita ka lang naman pala."

"I don't give a f*ck!"

Ginamit na ni Desiree ang bigay ni Nico sa kanya sa hinaharap, *click* 75%....100% complete. Nag spam ng mga bala ng Hyper Kinetics si Desiree sa sobrang inis nito sa kalaban. Kahit anong spam ang gawin ni Desiree ay mala-acrobat namang iniiwasan lalakeng naka hood. Sa sobrang desperado ni Desiree ay ginamit na niya ang kapangyarihan ng suit niya, mas lumakas at mas bumilis siya. Binato niya ang katana patungo sa kalaban na agad namang naiwasan ngunit sinamantala niya ang pagkakataon upang masuntok ang maskara ng lalake. Nang mabasag ang maskara natulala si Desiree sa nakita.

"Hindi ppwede.. Bakit?!"

"Kamusta ka na, long time no see Desiree tama ba? Hindi ka man lang nagpakilala sa akin noong una nating pagkikita, sayang crush pa naman kita."

"Alex Cadis!, pero bakit ikaw?"

Turtle (To be revise soon)Where stories live. Discover now