Introduction

385 15 11
                                    

Prolouge

Isang gabi ng Oktubre ng taong 1987, malakas ang buhos ng ulan na iyon dahil sa bagyo. Sa kasagsagan ng bagyo, ay may isang auto na matuling binabaybay ang kahabaan ng kalye patungo sa isang Hotel. Lulan ng sasakyang iyon ay si Carla Michelle Sia, kasama ang personal driver ng pamilya nila, patungo sila sa isang kilala na Hotel sa Manila ng gabing iyon.

Habang nakikinig ng Karma Chameleon sa radyo at sa pagmamadali ay inutusan nya ang kanyang driver na bilisan ang pagpapatakbo upang makahabol pa sila sa engagement party nila ng kanyang nobyong si Henry.

Si Carla, isang bright na tao masayahin, sweet at mabuting anak. Si Henry John Santiago 5 years na nobyo ni Carla, ay isang presidente ng isang construction development company, siya na ang namahala sa negosyo ng kanilang pamilya simula noong pumanaw ang ama nito.

On the way pa lamang si Carla, may hindi inaasahang nangyari sa sinasakyan niya. Sinubukan ng driver nila na iwasan ang isang batang babae na tila hindi nito alam kung ano ang ginagawa niya sa gitna ng kalye sa kalagitnaan ng ulan at gabi pa. Ngunit sa pag iwas nilangiyon at dahil madulas rin ang daan ay tumama sila sa isang poste. Patay na ang driver ngunit si Carla sa kundisyong iyon ay himala pang nakakapagsalita ngunit mahina.

"Tulong! Tulungan nyo kami! Henry! Henry.. Henry.."

Naghihingalong paghangos nito, hanggang sa tuluyan na syang nwalan ng malay. Mabuti na lamang ay may mga taong nag magandang loob na tulungan sila. Pagkadating ng ambulansya ay agad na isinugod sa ER si Carla. Agad namang kinontak naman ng hospital ang pamilya ni Carla, dahil na rin sa contact list nito na natagpuan sa wallet niya.

Ang ama niyang si Conrado Sia, isang tanyag na imbentor at scientist ay agad na tinawagan si Henry na pumunta agad sa hospital kung saan isinugod si Carla. Sa gulat ni Henry bigla itong nanghina sa mga nalaman nito sa ama ni Carla, kaya agaran siyang pumunta. Subalit sa kasaamaang palad tuluyan na rin pumanaw si Carla dahil sa brain hemorrhage. Sa sobrang galit ni Henry, ay naibaling niya ito sa ama ni Carla.

"Ikaw!! Ikaw may kasalanan nito! Kung ikaw lang sana naghatid sa kanya, hindi mangyayari ito!"

"Mas inuuna mo pa ang mga trabaho mo! Ikaw na lang ang tanging sandalan ni Carla at Nico, simula noong

namatay si Tita Carmen!"

"Pasensya na iho, alam kong kasalanan ko ito. Nagsisisi naman ako ehh, hindi lang ikaw

ang nawalan, nawalan rin ako ng anak. Kaya sana naman wag mo nang isisi sa akin lahat

dahil sa nangyari ngayon grabe na ang pagsisisi at kasalanan ko sa anak ko"

"Ipapacremate ko na lang yung mga labi ni Carla"

Sa mga sinabi ni Conrado ay binitiwan na sya nito ni Henry. Dahil sa pagkadismaya at kalungkutang kanyang nadarama sa pagkamatay ng nobya. Nagdesisyon itong umuwi muna at asikasuhin ang paglalagak ng labi ni Carla. Habang pauwi ito lulan ng kanyang kotse hindi neto napansin na nakapula pala ang traffic light at tila wala siya sa kanyang sarili, tuloy tuloy pa rin sya.

Tamang tama may parating na 10-wheeler truck cargo at sinalpok ang kotse ni Henry na agad niya rin ikinasawi. Lahat ng kamalasang iyon ay nangyari lamang sa iisang gabi, at sa magnobyo at nobya pang sina Carla at Henry.

Turtle (To be revise soon)Where stories live. Discover now