Fourteen (14)

86 7 3
                                    

Hindi maari.

Dalawang oras na ang nakalipas at matagumpay na naipanganak ang kapatid ni Carla, ngunit wala rin ang dalaga. Bumalik sa oras si Arron upang kamustahin sina Desiree kung ano na ang nangyari ngunit ang tanging sagot lamang nito ay mag hintay pa tayo. Isa pang oras na paghihintay ay dumating na rin si Carla kasama si Henry, napatingin si Arron at Milly kay Desiree biglang tumayo ito. Anong gagawin mo? tanong ni Arron kay Desiree. Balak palang magpanggap na nurse itong si Desiree, pinigilan ito nina Arron at Milly.

"Are you nuts? Magpapanggap kang nurse? Ano ka nasa telenobela?" sermon ni Milly.

"Alam ko ang gagawin ko magtiwala lang kayo sa akin okay?" paliwanag ni Desiree.

 Natuloy ang balak ni Desiree, mabuti na rin iyon at nang makaalis kaagad sila sa panahong iyon. "Ang tagal naman ni Desiree." naiinip na sabi ni Milly. Mga kinse minutos pa bago lumabas si Desiree at naka okay sign pa ito. "Tara na sa huling pupuntahan natin ang huling year na bibisitahin natin, ang year 1987. 1987?" okay yun dahil malaya na tayong makakakilos sa panahong iyon sabi ni Arron. Binalaan ulit ni Desiree ang dalawa sa huling pagkakataon na huwag na huwag silang makikialam sa mga magaganap.

SFX : Wiiiiissssssssshhhhhhhhhhhhiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinnnnnnmmmmmm..

Taong isang libo siyam na raan walong pu't pito, ika dalawang pu't pito ng Oktubre. What the heck!! napasigaw si Milly sa inis, dahil pangatlong beses na sa tuwing dadalaw sila sa isang taon ay sakto namang bumabagyo. Bumabagyo na naman? Ano ba naman yan. Teka Des, anong nangyayari sa transmitter? tanong ni Arron. Biglang nagpapatay sindi ang relo ni Desiree hanggang sa di na ito nagbukas, napatingin sina Arron at Milly kay Desiree at nagtanong.

"Ano na ang gagawin natin niyan? Hindi pwede na masira yan ngayon Desiree, this is our last chance."

"Yun lang ba ang pinoproblema mo a-Arron? Isipin mo muna kung paano tayo makakabalik."

"Pwede ba huwag kayong paranoid masyado, maayos rin yan tulad ng dati. Let's get going." sabi ni Desiree.

Saan tayo magsisimula nito? tanong ni Arron. Doon tayo sa dating mansion nina Nico. sagot ni Desiree. Mansion? Mayaman na sila ngayon? Sa kasagsagan ng bagyo, habang suot ang mga cloaks nila ay nagtungo sila sa mansion ng mga Sia. Sa paglipas kasi ng taon at sa pagiging tanyag na rin ni Conrado sa larangan ng siyensya ay marami na itong naipundar at isa na nga ang mansion nila. Binabaybay na nila noon ang kahabaan ng Roxas Boulevard ng may nakaagaw ng pansin nii Arron.

CEO ng Mei Wei foods ma-eengage na sa nobya na anak ni Prof. Conrado Sia.

"Desiree, Milly tignan niyo yung nasa dyaryo."

"Ah I forgot to tell you guys may engagement party na magaganap mamaya."

"Between Henry and Carla? Talagang ang tibay nila ah."

"Ipapaliwanag ko sa inyong dalawa. Sa panahong ito sumakabilang buhay na ang ama ni Henry kaya siya na ang namamahala sa company nila. Four years old na si Nico, noong 2 years old kasi siya namatay na si tita Carmen."

"Namatay? anong kinamatay?" tanong ni Milly.

"Namatay siya sa di malamang sakit, at pinaka atake nito ay ang puso ng target, na maski sa panahon natin di pa natutuklasan. Pero duda akong may kinalaman yung Professor G na yun sa pagkasawi ni tita."

Dati pa lang magkaribal na sa larangang pinili nila sina Conrado at Gabriel aka Prof. G. Di nila akalain na pati pala sa puso ni Carmen ay magkaribal rin sila. Mayaman si Gabriel at nag-iisang anak ng mga Costales ngunit mas pinili ni Carmen si Conrado kesa kay Gabriel. Sa sobrang galit ni Gabriel ay nagbanta ito sa kanila na balang araw makakaganti rin ito sa pamilya nila. At nangyari na nga ang kinakatakutan ng pamilyang Sia.

"Teka wala namang patunay na yung Prof. G na yun o Gabriel ang gumawa. Paano kayo nakasigurado?"

"Simple lang Arron, isang magaling na chemist scientist si Prof G at possible siyang makagawa ng isang salot. Dahil hawak siya ng gobyerno at ng mga underground groups hindi niya ginawa yun dahil maski siya hindi niya alam kung paano siya magkakaroon ng kontrol sa virus na yun."

"So particular ang target ng virus na iyon?" tanong ni Milly.

"Possible lahat sa Science, nga pala need natin gamitin ang special feature ng mga cloaks natin."

"Anong special features naman yun? Nakakalipad? Nakakapagteleport? Ano?"

"Ang maging invisible."

Kahit na sobra na ang security ng bahay ng mga SIa ay nagawa pa ring makapuslit ng tatlo. Sa may sala nakita nila na inaayusan na si Carla at naghahanda para sa isang pagtitipon mamaya. Kumuha ng tamang pwesto at tyempo si Arron upang kuhaan si Carla. Ang ganda mo talaga bulong ni Arron. "May sinasabi ka a-Arron?" " Wala sabi ko ang lamig". Habang abal ang tatlo ay may isang tao na parehong pareho ng suot nila ang nagmamasid sa malayo.

"Okay na tara na paganahin na natin itong transmitter at nang makabalik na tayo."

"Teka Desiree hindi ba tayo pupunta sa engagement party?" tanong ni Milly.

"Hindi na kailangan mamatay rin naman siya mamaya eh."

"Anong sabi mo?!"

Di nagustuhan ni Arron ang sinabi ni Desiree kaya napagtaasan niya ito ng boses. "Huwag mong kalimutan Arron wala tayong dapat pakialaman sa mga mangyayari, pinapaalala ko lang." "Sorry Des napagtaasan kita ng boses, oo alam ko naman yun eh." Humiling si Arron na kung maari ay gusto niya masaksihan kung ano ba talaga ang kinamatay ni Carla at pinagbigyan naman ito ni Desiree. Kaya nag abang sila sa isang harap ng restaurant malapit kung saan dadaan ang sasakyang lulan ni Carla.

Napansin agad nila sa malayo na may sasakyang padaan at ang bilis ng takbo nito. Sakto namang may batang lumabas sa restaurant ng mga oras na iyon at tumigil sa kalsada sa kalagitnaan ng ulan. Nasaksihan nila Arron at Milly kung paano umiwas ang sasakyan para lamang maiwasan na masagasaan ang musmosat maiwasan ang truck na kasalubong. Rinig sa paligid ang pagkakabangga ng kotse sa isang posteng naitumba nito, agad naglabasan ang mga usisero at ang mga taong nasa restaurant. May isang lumapit na babae sa bata, tila ba na ito ay kanyang anak.

Natulala si Milly sa nakita, dahil ang batang iyon ay siya pala mismo. Nalaman niya lang ng mapansin ang babaeng lumapit sa bata ay ang kanyang Mama Maureen pala.

Turtle (To be revise soon)Where stories live. Discover now