Three (3)

153 15 8
                                    

Ang paghaharap.

"Akala ko ba wala kang bisita? Wuiiii! Andito pala nililigawan mo eh pakilala mo naman ako." pabirong sabi ni Milly.

"Oo na may bisita ako, pero hindi ko siya nililigawan at lalong hindi ko siya girlfriend ah okay? Si Carla nga pala."

"Ah Arron girlfriend mo?" tanung ni Carla.

"Hindi ah, nga pala si Milly."

"Nice meeting you Carla." magiliw na bati ni Milly.

"Sa iyo rin nice to meet you."

Inaya muna ni Milly si Carla na saluhan sila sa agahan, habang kinukwento ni Arron kung paano sila nagkakilala ni Carla. Pagkatapos nilang mag agahan natuloy rin ang pagsshower ni Carla. Habang nasa banyo ito nag suggest si Milly na bilhan ng damit si Carla, kaya nagpaalam siya na isasama niya si Carla sa mall upang mamili. Naisipan rin ni Arron na sumama na rin tutal Sunday naman at restday niya, at para mabantayan niya na rin si Carla.

Makalipas ang mahabang oras ng pag-iikot at pamimili ng ilan sa mga damit ni gagamitin ni Carla ay nagpaalam muna si Arron na umalis upang bumili ng pagkain. Umorder ito sa KFC sapat na pangtawid gutom at pampapawi ng pagod.  Habang wala pa ang pagkain nila sina Milly at Carla naman ay naghahanap ng mauupuan nilang tatlo. Pagkatapos ng isang oras na pahinga at kain naglakad-lakad at binaybay ang mall ng maisipan ni Milly na pumasok sa isang tindahan ng mga sapatos.

"Carla, pili ka lang diyan sagot ko na"

"Sige maraming salamat."

Ilang saglit pagkatapos makabili ng mga pares ng sapatos at heels ay nilisan nila ang tindahan. Mag-aalas 6 na ng gabi iyon kaya nag desisyon na silang umuwi, hinatid na rin ni Arron pauwi si Milly sa bahay nito. Kinabukasan..

"Dito ka muna ah, wag na wag kang lalabas ng unit ah? Pasasalubungan na lang ktia pag uwi ko. Gamitin mo muna itong phone ko na isa, naka save number ko dyan, may load yan tawagan mo ako or itext if may need ka or may emergency okay? At wag ka basta basta magpapasok ng ibang tao dito maliwanag?"

"Masusunod po promise.!" magiliw na sabi ni Carla.

Naging mahaba ang araw na iyon para kay Arron dahil sa trabaho natambakan kasi siya noong umambsent siya dahil sa ka-emohan niya. Si Carla naman dahil nanawa na sa kakalaro sa laptop at patingin tingin sa may bintana, naisipan nitong maglinis. Buong unit ay nilinis niya at ang huli ay ang kwarto mismo ni Arron. May napansin siyang isang photo album sa may taas ng cabinet, kinuha niya ito at tinignan. Nakita niya ang mga family pictures at ibang litratong kasama ni Arron si Milly noong mga bata pa sila. Sa sobrang libang niya sa pagtingin ng mga litrato ay hindi niya namalayan ay mag aalas 7 na pala ng gabi. 

"Naku gabi na pala makapagluto na nga ng kanin, ayy itetext ko muna si Arron."

Arron, anong dinner natin magluluto na lang ako ng kanin para sa atin.

Okay sige, bibili na lang siguro ako ng Rice Toppings wait mo lang ako ah siguro mga 7:30 dating ko diyan.

*ding dong* *ding dong*

"Carla ako to, buksan mo ang pinto."

"Eto na sandali lang."

"Eto bumili ako ng Asado Rice Topping at Tao-Shi Rice Topping."

"Hmmmm.. mukhang masarap yan ahh tara magbihis kana at ako na maghahain para makakain na tayo, nga pala may itatanong ako sayo mamaya."

"Ano itatanong mo? Sige bihis muna ako ah."

Turtle (To be revise soon)Where stories live. Discover now