One (1)

287 17 8
  • Dedicated kay Yani Molina
                                    

26 years later.

"Yes Payday na naman! Ano Arron treat mo ko?" pangiting sabi ni Milly sa kaibigan.

"Tumigil ka nga, nilibre na kita last cut off ah, dapat ikaw naman taya!" reklamo ni Arron.

Si Millicent Jane Arahan, Milly for short ay isang happy go lucky girl pero mabait, petite, mala labanos ang kutis ng balat, tahimik at short haired. Kababata at matalik na kaibigan ni Arron. Si Arron kasi never pang nag ka gusto sa iba, at hindi siya social na tao. Kaya nga tampulan sya ng tukso at pang bubully sa mga classmates at kakilala nya noon, ngunit dumating ang araw na iyon, na iniligtas sya ni Milly sa mga nangbubully sa kanya. Doon nagsimula ang pagtingin nya rito.

Simula pa noon ay naging matalik na magkaibigan na ang dalawa. Ngunit hanggang sa naging mga proffesionals na sila hindi pa rin umaamin si Arron sa kanyang nararamdaman para kay Milly. Dahil alam ng binata na may ibang nagugustuhan si Milly at ang unang pumapasok sa isipan niya is mga negative agad. Pero ineenjoy na lamang ang hindi pag amin, kasama niya naman si Milly since highschool hanggang sa kanilang trabaho.

Nagtapos sa kursong Bachelor of Science in Mechanical Engineering ang dalawa. Pareho silang nagtatrabaho ngayon sa isang industrial company na nagsusupply ng mga electrical and mechanical  items. One time na nag usap si Arron at ang isa pa nitong kaibigan si Hazel Jade aka KING, medyo boyish at palaging astigin pumorma. Humingi ng payo si Arron sa kanya, kung anu ba dapat gawin na pag amin ng nararamdaman para sa isang babae.

"Tumigil ka nga Arron!  Para kang bata, simpleng simple lang naman yan eh.. sabihin mo ng diretsahan para tapos na, hindi yung nahihiya ka pa. Ano toh highschool? highschool?!"

"Eh kasi naman eh, paano kung ireject niya ako or masira friendship naming dal..?"

"Shhhhhhh!!! Enough! Kelan ba mawawala pagiging nega at torpedo mo ha? Magpakalalake ka nga, basta just relax at wag ka na kabahan. Sabi nag nila it's better to be late than never."

"Yayain mo siyang lumabas kumain kayo, then doon mo sabihin. Kutos ka sa akin pag hindi mo nagawa yan"

And the next day.

"May sakit kaba ngayon? talaga libre mo ah? wala nang bawian hahaha!"

"May sasabihin kasi ako ano tara?"

"Game"

Habang nasa isang kilalang fastfood chain na ang dalawa. Humahanap ng tyempo si Arron para magtapat kay Milly. Hanggang sa matapos na sila makakaen hindi pa rin niya ito nasasabi kaya...

"Akala ko ba may sasabihin ka? Ano ba yun?"

"Wag na lang pala nagbago isip ko tara uwi na tayo"

"Ano ba sabihin mo na, parang hindi naman tayo magkaibigan niyan oh."

"Kasi.. Hmmm... Gusto kita Milly! Simula pa noong pinagtanggol mo ko sa mga nangaapi sa akin noong mga bata pa tayo. Kung wala kang nagugustuhang iba ngayon pwede bang tayo na lang?!" nahihiyang sinabi ni Arron.

"Hahaha!! your so funny talaga, kailangan talaga itreat pa ako para sabihin yan? Sa ngayon oo may nagugustuhan ako, si Gabe yung first love ko tamang tama single yun ngayon baka pwede ako makahirit! xD"

"Okay lang, pero friends pa rin tayo ah?"

"Oo promise yan" nakangiting sabi ni Milly.

Pinapakita man ni Arron na okay lang siya sa harap ni Milly kahit sa kaloob-looban niya na disappointed siya sa nangyari. Kinabukasan kinamusta ni KING si Arron tungkol sa kaninang lakad nila ni Milly.

"Oh tol kamusta?"

"Ayun friendzoned ang tropa mo, pero okay lang yun kasama ko pa rin siya all the time hanggat single siya."

"Tama yan, wag ka madown ahh pagpatuloy mo lang buhay mo hindi lang siya ang babae okay?"

Kinabukasan ay nag-call sick si Arron sa trabaho. Wala siyang gana. Mulat nga ang kanyang mga mata ngunit patay naman ang kanyang pakiramdam. Hindi niya magawang bumangon sa labis na nginig ng katawan. Tinawagan siya ni Milly at sinabi nito na pupuntahan siya at magha-halfday na lamang ito ngunit tinanggihan niya ang offer ng kaibigan. Ang sabi niya rito ay gusto niya muang mapag-isa. Hindi nakuntento si Milly kaya sinabi nito sa kanya na anuman ay tawagan siya at pupuntahan siya nito pagkatapos ng trabaho. Naunang dumalaw si KING sa condo na tinutuluyan ni Arron, dahil na rin sa pag-aalala.

"Arron, alam mo this isn't healthy for you" pinapagalitang sabi ni KING

"You're life is not over. Alam ko masakit, I can see that, pero Arron naman!, you have a brigther life, a brighter one. There's so many fish in the sea"

"Alam ko naman yun eh, I've tried my best na kalimutan ko ang feelings ko for her. Hindi ko alam kung bakit ang tanga tanga nito!" bayo niya sa dibdib. Naiyak na naman siya.

"Sige lang iiyak mo lang, kung iiyak ka lang rin naman iiyak mo na ngayon." Sabi ni KING sa kaibigan sabay yakap.

"Teka may dalawang text akong nareceived, basahin ko lang ah"

"Naku galing kay Boss, bukas ng gabi pinapapunta ako sa planta, bale mahaba pa pala pahinga ko, sige KING ok na ako.."

"Si Milly yung isa hindi daw siya mkakapunta dahil may emergency sa kanila."

"Hayaan mo na, sige uwi na ako ah.. pahinga ka lang diyan."

Balik pasok sa trabaho si Arron kinabukasan ng gabi, dahil priority at gabi pa siya pinapunta hindi siya makatanggi sa boss niya, sa kadahilanang absent ito kahapon. Nakarating na siya sa location site, at kahit gabi na ay tuloy pa rin yung ibang pahinante sa kanilang trabaho. Sinalubong siya ng guard sa may pinto ng kanyang kotse.

"Sir? yung mga plano at materyales andoon po sa reception area pakitignan na lang po"

"Okay, salamat manong."

Bago siya pumasok sa loob may napansin siyang isang abandonadong building sa labas. Tinanong niya ang guard kung sakop nila iyon. Abandonado na raw iyon at walang nagmamay-ari. Sabay sabi na may nagpaparamdam daw doon. Tuwing sasapit ang alas 6 ng gabi nakakarinig sila ng paminsan-minsang mga ingay. Dahil sa curiosity pinuntahan niya ito at baka may mapakinabangan pa sa loob. Madilim at puro agiw halos ang gusali, pero hindi yun hadlang para magpatuloy sa loob si Arron. Sa kanyang paglalakad may napansin siyang kumaluskos na nagpabilis ng tibok ng puso niya. Kaya nilabas niya ang iphone nito bilang ilaw at para makakita siya. Laking gulat niya sa kanyang nakita.

Turtle (To be revise soon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon