Fifteen (15)

73 7 2
                                    

Encounter with the mysterious chik.

Napaupo si Milly sa nasaksihan at nagsimula nang tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Milly! Okay ka lang ba?! Anong nangyari sa'yo? tanong ni Arron. Kahit na alalang alala siya kay Milly at pinapanuod lang kung paano mamatay si Carla, wala siyang magagawa dahil kailangan mangyari ang dapat mangyari.

"Oras na para bumalik, tama na ang pagdadalamhati."

"Teka, si Milly. Milly anong nangyayari sa'yo? sumagot ka."

"Ako yung batang yon! Kasalanan ko kung bakit namatay siya!"

Napaliwanag ni Milly ang lahat kina Arron at Desiree, na siya ang batang iyon. Sinisisi niya ang sarili sa mga nangyari, tatlong gulang pa lang siya noon nang mangyari ang insidente. "Tama na yan Millicent, wag mong sisihin ang sarili mo dahil hindi mo kasalanan yon. Tahan na ah.' comfort ni Arron sa kaibigan. Babalik na sana silang tatlo sa taong kasalukuyan dala ang mga larawang nakuha nila ngunit nagkaroon na naman ng problema. Ayaw pa rin mag-on ng transmitter, kaya nag suggest si Desiree na magtagal muna sila sa taong 1987.

"Tutal magtatagal pa tayo rito, bukas na bukas magpupunta tayong Tagaytay."

"Tagaytay? Paano tayo pupunta doon at bakit?"

"Gusto malaman Arron kung paano naging delikado si Henry kay Carla di ba? Wag kang mag alala sa sasakyan meron tayo niyan for emergency."

Napatango na lang si Arron sa alok ni Desiree sa kanya. Gustong gusto niya rin malaman kung talagang may naalala si Henry sa kasalukuyan at kung paano ito naging android tulad ni Carla. Gabi nang makarating ang tatlo sa lugar lulan ng mga hi-tech na motor, tapos na ang aksidenteng kinasangkutan ni Henry ngunit may mga parating na dalawang sasakyan kaya nag tago sila.

"Sino ang mga yan?"

"Hindi ko alam Arron pero sigurado akong mga tauhan ni Prof. G ang mga yan."

Nagbabaan ang mga taong lulan ng dalawang sasakyan at kinuha ang duguan at walang buhay na katawan ni Henry. Pero bago inilagay sa isang van ang bangkay ni Henry ay bumaba ang tila pinakaboss, walang duda at yun si Prof. G. Gusto pa sana sila masaksihan at balak sundan ang grupo ni Prof. G nang biglang tumunog ang transmitter.

Agaw pansin ang tunog na ginawa ng relo ni Desiree kaya nagmadali itong i-operate para makabalik na sila. Agad namang hinanap ng mga tauhan ni Prof. G kung saan nanggaling ang tunog na iyon. Nahanap na sila ng mga ito at nagsimulang magpaputok ng baril, bago pa man sila mapuntahan ay bigla na silang natransport sa ibang panahon.

 SFX : Wiiiiissssssssshhhhhhhhhhhhiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinnnnnnmmmmmm..

"Nasaan ba tayo? Bakit ang init naman sobra, nasa disyerto ba tayo?" reklamo ni Arron.

"Not sure pero sigurado akong hindi tayo nakabalik sa 2013."

"What?! Paano na tayo makakabalik niyan?"

Napalingon si Arron sa taong lumabas sa gusali habang kausap si Desiree. Naalala niya na ang babaeng iyon ang nakita niya sa taong 1983, agad nahalata ng mysteryosang babae na nakita siya ni Arron kaya nagmadali itong naglakad. "Miss, teka saglit may itatanong lang ako." sabay habol si Arron sa kanya. Mabilis na hinarang ni Desiree ang babae, ngunit sing bilis ng hangin ang pag-iwas nito. Naisipan ni Desiree na daanin sa dahas para lamang mapigil ang dalaga.

Hindi inasahan ni Desiree na maiiwasan ng dalaga lahat ng ginawa niyang suntok at sipa rito. "Oo na, suko na ako. Hindi mo naman kailangang manakit pa eh, ano ba ang tanong mo?"

"Sino ka ba? At bakit nandoon ka rin sa panahong iyon?"

"Ano Arron? Nakita mo siya, saan at kailan?"

"1983 doon sa hospital, madali ko siyang napansin dahil kakaiba ang kasuotan niya. Hindi angkop sa panahong iyon."

"Welcome to the year 2038, where you almost feel the effect of Global Warming. My name is Chanmee, by the way who are you guys?"

"My name is Arron and this is Desiree, that one sitting there is Milly." pakilala ni Arron. Natanong ni Chanmee kung anong ginagawa nila sa taon na ginagalawan nila ngayon. Ipinaliwanag ni Desiree kung bakit at paano sila napunta sa panahon niya. "Tara malapit nang dumilim dun muna kayo sa tinutuluyan ko." yaya ni Chanmee sa tatlo.

"Teka Chanmee, ano bang ginagawa mo doon sa 1983? At nakakapagtravel through time ka rin ba" tanong ni Arron. May misyong ginawa ang dalaga sa panahong iyon, upang kumuha ng sample ng mga lumang armas. Para sa mga ginagawa nilang makabagong armas, nagtatrabaho si Chanmee sa CNC. Naalala ni Desiree ang CCC, kaya nagduda na naman ito kay Chanmee at tinutukan niya ito ng katana. "Sino ka ba talaga, niloloko mo ba kami? At bakit ka nagtatrabaho sa CNC ha?"

"Teka Des, wag ka namang ganyan piantuloy niya tayo rito. Umayos ka naman bilang utang na loob na rin."

"Sumagot ka!"

"Okay, okay Chanmee talaga pangalan ko at alam ko kung anong ikinadududa mo."

"CNC (Carmen Navarette Corporation) itinatag ni Gabriel o yung tinatawag nyong Prof. G tama? Alam ko isa siyang evil scientist na puro kapakanan niya lamang ang iniisip. Sa panahong ito marami na ang nabago. And besides hindi na siya ang may-ari at namamahala ng CNC, si Mr. Nicolai Luigi Sia na." Nabigla si Arron at Desiree sa nasabi ni Chanmee, kaya humirit pa ng tanong ulit si Arron. "Are you related to Nico?" ngunit hindi sinagot ng dalaga ang tanong ni Arron.

"So why you're here guys?" tanong ni Chanmee.

Si Desiree na ang nagkwento at nagpaliwanag kay Chanmee, nabaling ni Chanmee ang atensyon niya kay Milly at nilapitan ito. "Bakit malungkot ka? Kung ano mang nangyari sa'yo hindi mo kasalanan yon." sabi ni Chanmee kay Milly. Tumingala si Milly at ang sama ng tingin nito sa kanya at sinabing "Wala kang alam, at hindi mo ako kilala kaya pwede ba tumahimik ka! BU YU TAREN SHENGMING DE GANRAO!"

"OK! Hao a, na wo ye bu hui zai ganshe", nabigla si Milly sa sagot ni Chanmee. "Okay there is a another Chinese speaking girl here." banggit ni Desiree. Lalong kinutuban si Arron na may kaugnayan si Chanmee kay Nico lalo na at fluent ito mag mandarin. "Duibuqi zao xie shihou wo zhishi yumen" humingi ng paumanhin si Milly sa inasal nito. "Meishi ayi, wo neng jiao ni ayi? Yinwei ni 25 nian jiao jiu de gei wo." tanong ni Chanmee, at pumayag naman si Milly.

"Kaya mo bang ayusin itong transmitter para makabalik kami?" hiling ni Desiree.

"Sure, no problemo."

Turtle (To be revise soon)Where stories live. Discover now