Five (5)

123 8 2
                                    

Magiging okay rin ang lahat.

Pagkalapat na pagkalapat ni Carla ng paunang lunas kina KING at Jake ay isinugod nila ito sa malapit na hospital kasama si Regine. Naisipang tawagan ni Carla si Arron upang ipaalam ang mga nangyari sa mga kaibigan nito. Agad-agad namang pumunta ng hospital si Arron upang alamin kung ano ba ang nangyari.

"KING?! Sinong gumawa sa inyo nito?!" sigaw ni Arron.

"Yung Brandon ang gumawa sa kanila niyan." sabi ni Carla.

"Ang grupo na naman nina Brandon gumawa nito, humanda sa akin ang mga iyon!."

Bigla siyang hinarangan ni Carla bago pa siya makalabas ng pinto.

"Carla, padaanin mo ako may tatapusin pa akong gulo."

"Wag ka nang mag-alala pa diyan, hindi na sila kailanman guguluhin pa ni Brandon." tiwalang sabi ni Carla.

"Bakit? Anong nangyari?"

"Wala tinuruan ko lang naman siya ng leksyong hindi niya mkakalimutan." tawa ni Carla.

"Ha? Hindi kita maintindihan."

"Ginulpi niya lang nman ang buong samahan ni Brandon at si Brandon mismo." sabi ni Regine.

"Ha?! Hindi nga?! Totoo ba iyon Carla?"

"Oo, tinuruan ako ni KING ng martial arts.. *kaunti lang* naman."

"Pero paanong nangyari iyon na kinaya mo silang lahat?"

"Siguro dahil android ako kaya may kakaiba akong taglay na lakas na hindi pang tao." bulong ni Carla kay Arron.

"Sabagay may point ka rin doon, pero sigurado kang hindi na manggugulo ulit si Brandon kina KING?" tanong ni Arron.

"Sigurado ako binalaan ko na siya na magiging buhay na bangungot niya ako pag umulit pa siya eh." pabirong sabi ni Carla.

Hindi rin agad nag-tagal ay agad ring pinalabas ng hospital sina KING at Jake. Sabay hatid na rin ni Arron ang mga ito sa kanilang mga bahay. Agad na sinalubong si KING ng kanilang butler. Paalis na noon sina Arron at Carla noong nasa loob na ng bahay si KING.

"Jeaves okay lang ako itutulog ko na lang ito ah." sabi ni KING.

"Oh anong nangyari sayo KING? Napaaway ka na naman no? Pero kakaiba ito ahh ngayon mukhang ikaw ang dehado."

"Kaya ko naman sila eh, ang kaso lang yung kaibigan ko kasi ginawang hostage."

"Oh siya sa susunod mag-iingat ka na ah, pinagluto nga pala kita ng paborito mong sinigang tapos na rin kami kumain ni Jeaves. Kumain ka na."

"Salamat John."

Malapit ng makauwi sina Arron at Carla noon ng biglang sumakit ang ulo ni Carla. May mga nagfflashback na mga pangyayari patungkol sa nakaraan niya. Ngunit hindi msyadong madetalye, ang tanging bumalik ang alaala niya ay ang mukha ng isang lalakeng ngunit malabo at tanging boses lamang nito ang kanyang naaalala. hindi niya kilala pero mukhang pamilyar sa kanya. Habang sumasakit ang ulo ni Carla, may napansin si Arron na may kulay pula na ilaw na patay sindi at tumutunog sa bracelet nito.

"Okay ka lang ba Carla? Ano gusto mo dalhin kita sa hospital?"

"Hindi pwede baka malaman nilang kalahating makina ako, at tsaka okay lang ako lilipas rin ito. Parang may naalala ako bigla, mukha ng lalake hindi ko siya kilala pero namumukhaan ko siya."

Turtle (To be revise soon)Where stories live. Discover now