Seven (7)

109 7 2
  • Dedicated kay Aika Zennica
                                    

Selos? Indikasyon ng pagmamahal.

"Bakit ganito pakiramdam ko, hindi ko maintindihan kung magagalit ba ako, hahayaan ko lang o nagseselos ako. Nagseselos? hindi maari yun."

"Anong sinabi mo? Nagseselos? at hindi maari yun? Eh bakit naman?" ngisi ni KING.

"WOAH! Bakit bigla bigla ka na lang sumusulpot diyan?! Teka narinig mo yung mga pinagsasabi ko kanina pa?"

"Oo, wag ka ngang maglihim sa akin. Tropa mo ako tapos ganyan ka."

"Oo na nagseselos na ako, hayyss."

"Kelan mo pa nagustuhan si Carla ha?"

"Noong pinasyal ko siya sa isang zoo last month."

*flashback*

Sa sala habang nanunuod si Carla sa National Geographic Channel, napansin niya kung paano inaalagaan ng isang trainer ang isang elepante. Bakas sa mukha ni Carla na aliw na aliw ito sa pinapanuod. Kaya nilapitan siya ni Arron.

"Ang galing ng trainer na yan ano? Nagawa niyang alagaan at naturuan yang elepante na yan."

"Oo nga eh, ang galing sana makakita rin ako niyan sa malapitan."

"Gusto mo this coming weekend ipapasyal kita sa zoo? Hindi lang elepante ang makikita mo doon." aya ni Arron.

"Talaga?! Maraming salamat talaga. Alam mo may naalala na naman ako tungkol sa nakaraan ko. Sigurado akong pamilya ko ang kasama ko at namamasyal rin kami sa zoo noon."

"Sana bumalik na ulit ang mga alaala mo."

"At sana sa pagbalik ng mga alaala mo hindi ka na umalis sa tabi ko."

~~~~~~~~~~

"So ganun pala ang nangyari, eh bakit hindi mo sabihin sa kanya? Anong kalokohan na naman yan ha? Move on ka na pala kay Milly eh, ano pang ginagawa mo?" sabi ni KING.

"Ayoko siyang maguluhan lalo na at hindi pa niya nababawi yung mga alaalang pilit niyang ibinabalik. Gusto ko siyang tulungan sa pamamagitan ng paglilihim ko ng nararamdaman para sa kanya."

"Pero alam mo na rin ba na nagtapat na si Henry sa kanya?"

"Oo alam ko na, pero ayoko makisabay sa mga problema ni Carla."

"Fine! Bahala ka na sa iyo ang desisyon. Basta tandaan mo wag kang bibitaw sa anghel na nasa paligid mo, baka lumipad yan ng malayo."

"Tara bumalik na tayo sa loob." aya ni Arron.

Halos 1 oras na pa lang nag uusap sina KING at Arron, hindi nila napansin ang oras kaya agad na silang bumalik sa Condo ni Arron.

"Oh dumating na pala kayo, nakatulog na si Carla dito sa sofa kakaantay sa inyo. Kainin niyo na lang daw yung gawa niyang Salad Dressing sa may table."

"Henry mag usap nga tayu, KING iwan mo muna kami."

~~~~~~~~~~

"Seryoso ka ba kay Carla? Sagutin mo ako ng totoo."

"Oo may gusto ako sa kanya at tunay ang nararamdaman ko bakit? May masama ba doon? hindi ba nasabi ko na sa iyo ito noon?"

"Pwede humingi ng pabor? Kung sakaling maging kayo ni Carla, ipangako mo na hindi mo siya pababayaan at wag na wag mo siyang papaiyakin. Kung hindi lagot ka sa akin. Nagkakaintindihan ba tayo?"

Turtle (To be revise soon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon