Eight (8)

97 7 2
  • Dedicated to Jam Quismundo
                                    

Ang pagbabalik ng dating pag-ibig.

Maaga ulit umalis si Arron kinaumagahan, at bakas sa mukha ni Carla na malungkot ito. Ngunit may nakita na naman siyang note na iniwan ni Arron sa may table.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Alam mo nakyuyutan ako sa'yo pag nagagalit ka. Sorry pala kagabi, alam kong nagalit ka sa akin. Ininit ko pala yung curry na niluto mo kagabi yun na inalmusal ko. By the way iniwanan kita ng lemon bread diyan, kainin mo na lang. I'm sorry talaga.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Pagkabasa ng note ay agad agad na tinext ng dalaga si Arron.

Hindi ako galit, nagtatampo lang ako dahil umalis ka kahapon ng hindi mo man lang ako ginigising. Ngayon ayan ka na naman, pero okay lang basta bukas wag ng ganon ah? Nga pala sama tayo kina KING sa Sunday, pupunta raw silang Tagaytay.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ay, hindi ako pwede, may business meeting ako this Sunday. Pero okay lang if sumama ka, gusto mong makita yung beach di ba? Basta kung maaga matapos meeting ko hahabol ako, tatawagan ko na lang kayo.

Agad na na tinawagan ni Carla si KING na makakasama siya sa Sunday.

"KING, hahabol daw si Arron sa atin."

"Hahabol? Okay sige, pero teka pinayagan ka na niyang sumama samin?"

"Oo naman, basta sige sa Sunday ahh."

Meanwhile may magbabalik sa buhay ni Arron, uuwi na rin ng Pilipinas sa wakas si Milly pagkaraan ng ilang buwan galing Macau.

"Wala silang kamalay malay na pauwi na ako. Kamusta na kaya yung dalawang yun."

 "Matawagan nga si Arron habang naghihintay."

"Hello?"

"Oh Milly kamusta ka na diyan sa Macau?." tanong ni Arron.

"Pauwi na ako, mga 1 hour pa bago ang flight ko."

"Talaga sige susunduin kita mga anong oras ka makakauwi rito?"

"Mga alas nuebe ata eh, pero di ko pa sure sige hintayin mo ko isama mo si Carla."

Tinawagan ni Arron si Carla para maghanda at isasama siya sa pagsusundo kay Milly sa airport. Agad nagbihis ang dalaga dahil excited na rin makita si Milly. Hinihintay ni Arron na lumabas ng condominium ang dalaga at nang makaalis na sila. Habang naghihintay ay nagpatugtog muna ito sa kotse.

"Tara na?." tanong ni Carla.

"Andyan ka na pala, tara pasok na sa loob."

Habang nasa byahe sila may isang bagay na nakapukaw ng atensiyon ni Carla. Isang stuff toy na pagong, kinuha niya ito dahil sa sobrang tuwa.

"Ang cute naman nito pwede akin na lang 'to?"

"Oo naman, wag ka mag-alala meron pa akong isa niyan dito. Kulay green naman."

"Matanong ko lang, saan ba nagpunta si Milly? Bakit halos isang buwan siyang wala?"

"Nagpunta siyang Macau, family matters daw eh. Maski ako walang alam."

 Dalawang oras nang naghihintay ang dalawa sa pagdating ni Milly, ngunit hindi pa rin ito dumadating. Kaya naisipan muna ni Arron na bumili ng makakain.

"Sandali lang ah, bibili lang ako ng makakain natin dito ka lang."

"Ok sige."

Ilang minuto lang na nawala si Arron ay dumating na rin si Milly dala ang sandamukal na maleta nito.

"Milly! Dito!" nakangiting kumaway si Carla kay Milly,

"Oh?! Carla ikaw ba yan?" laking gulat ni Milly sa bagong look ng dalaga.

"Oo bakit Milly?"

"Ang ganda mo na kasi ngayon since last month, grabe dami na palang nagbago. Nasaan si Arron?"

"Andoon bumili lang ng makakain namin, tagal nga naming naghintay eh."

"Oh parating na pala siya eh."

"Ah A-arron, kamusta ka naman?" tanong ni Milly.

"Milly! Okay lang ako, ikaw kamusta habang nasa Macau ka?". sabay yakap sa kaibigan.

"Okay lang rin naman nakapagdesisyon na ako, dito na ako maninirahan at hindi sa Macau."

"Buti pumayag mga magulang mo?"

"Wala naman silang magagawa eh, teka Carla kamusta kayo nito ni Arron?"

"Kami? Okay lang rin naman madami lang errands noong umalis ka last month."

"Tara sa bahay na tayo mag usap-usap." yaya ni Arron.

Noong malapit na sila makauwi napansin ni Arron na may mga taong umaaligid malapit sa condominium. Parehong pareho sa mga taong humahabol sa kanila dati.

"Teka lang ah, wag muan tayo umuwi. Sa ibang lugar muna tayo."

"May problema ba A-arron?" tanong ni Milly.

"Carla, nakikita mo yung mga taong yun di ba?"

"Sila yung humahabol sa atin noong dumalaw tayo sa sementeryo."

"Umiilaw na naman yugn bracelet mo, meaning nasa malapit lang yung master mo."

"Master niya? Teka teka hindi ko gets, ano bang nangyayari Arron?"

"Saka ko na ipapaliwanag Milly, kailangan muna nating makalayo rito."

Pumihit na ng manibela si Arron upang makalayo muna sila sa lugar ngunit may mga kotse na nakaharang sa nilikuan nila. Napapaligiran na sila ng mga taong gustong humabol sa kanila noon. Bumilis ang pintig ng mga puso nina Arron at Milly dahil nagbabaan ang mga taong nakasakay sa mga sasakyang humarang sa kanila. Nung lalapitan na sila ay bigla na lamang may bumulagta nang isa sa mga lalakeng naka formal suit.

Nataranta ang mga ito nang may isa ulit sa kanila ay bumagsak. Biglang may umappear na babaeng pula ang buhok at naka battlesuit na itim. Isa-isa niyang pinatumba ang mga lalakeng naka suits na parang nasa action movie. Mala SALT ang mga galaw, hindi pangkaraniwan para sa isang babae ang ganon. Halos tumba na ang lahat, kaya naisipan ng mga mafia looking guys na umatras.

"Okay lang ba kayo? Ikaw Takius, ibang iba ka na ngayon ah?" tanong ng babae.

"Takius?" tanong ni Milly.

"Teka paano mo nalaman yung code name ni Carla?" tanong ni Arron.

"Carla? So alam na pala nila ang tunay mong pangalan."

"Pasensya na miss pero aalis muna kami baka bumalik ulit yung mga taong iyon eh."

"Wag kayong mag-alala hindi na makakabalik yung mga yun dito, pinadala ako ni Nicolai."

"Nicolai? Sino yun at sino ka ba?" tanong ni Arron.

"Ako nga pala si Desiree, isa akong kaibigan at kaibigan ko yung tinatawag mong master Takius."

"May patunay ka ba? Paano mo kami mapapaniwala?" hamon ni Arron.

"Mga tao nga naman puro may trust issues, Oh ayan." pinakita ni Desiree ang family picture ni Carla at ng pamilya niya. Sa sobrang gulat ni Carla ay sumakit na naman ang ulo nito at tila may naalala nung pinakita ni Desiree yung picture.

"Tara sumama ka muna sa amin sa loob Desiree, marami akong gustong malaman." yaya ni Arron.

"Sure yun lang pala eh, so paunti unti na pa lang nanunumbalik ang mga alaala ni Takius."

Turtle (To be revise soon)Where stories live. Discover now