MANHID: CHAPTER 21

478 10 7
                                    

MANHID:CHAPTER 21

Supladongtorpe09

Si Sir o si Mam?

Sino ba kaya ang susundin namin?

Hayyy.. kamalas-malasan naman oh.

Ah sir, sige po. Punta na  po kami ni Insan sa room.

Okay. I need to go. Linisan nyo pati ang pinakasulok ha? Saad ni sir bago siya tuluyang umalis.

Nakita ko naman na biglang lumaki ang mata ni Mam Mendoza sa  aming dalawa ni Insan. Naku patay!

Nakatungo kaming lumakad hanggang sa isang metro na ang distansya namin kay Mam nang mapakinggan namin ang kaniyang pagtikhim.

So saan kayo pupunta ha?  Hindi ba’t may usapan tayo?  Tara sa laboratory room, maglilinis tayo!

Bigla naming tumulo ang pawis ko. Ganun  din si Insan, parang maiihi na mauutot ang itsura. Hahha.

Sige po mam, sorry po.

Maya-maya naman ay may biglang umakbay sa aking balikat at pagbalig ko ay bigla na namang bumilis ang tibok ng aking puso.

Si Kathrine!

Hahhah. Oh bakit parang nammutla ka Bespren? Nag-almusal  ba kayong dalawa? Hahha. Kayo kasi kung anu-ano ang pinapasok nyo, wag na kayong mamroblema, ako kami na ni Renz ang maglilinis ng room. Narinig namin ang naging pag-uusap nyo kanina. Hahhah tawang-tawa nga kami ni Renz habang pinagmamasdan naming ang itsura nyong dalawa. Hahhah

Teka sino yung Renz? Ala Kathrine isusumbong kita kay Efren.

Hahhah. Ikaw Insan bigla-bigla ka na lang bumabanat. Iisa lang yun, si Renz ay si Efren din. Hahhah

Ah sabi ko nga  di  ba. Iisa lang sila. Hahahh saad ni Insan na may pagkasarkastiko.

Ah Kath, salamat sa tulong ha. Heheh. Eh asan na siya ngayon?

Im here! Heheh. Bumili lang ako ng sandwich para sa ating apat, namumutla kasi kayo kanina habang kausap ni Mam Mendoza kaya nagprepare na rin ako. Hahahh.

Naks! Maasahan talaga ang bespren ko. Hahhah.

After nun nagmadali na kaming pumunta ni Insan sa Science laboratory. Ipinaliwanag sa amin ni mam yung gagawin naming hanggang sa mainit kaming i-welcome ng napakaraming nakadisplay na laboratory apparatus na kailangan naming linisan. Lalo namang nabugnot ang itsura ni Insan.

Oh Insan bakit?

Wala Insan, may naalala lang ako.

Tungkol ba ‘yan sa tumawag kahapon?

Pano mo nasabi?

Sus! Pinsan mo ‘ko, kahit amoy ng utot mo alam ko na. So alam ko rin kung kailan ka may problema.

Hindi ko masasabi kung problema to eh.

So yun nga? Ano ba  yun Insan?

Si Claire, yung ex ko, gusto akong sundan dito.

Ha? Baka naman mahal na mahal ka nun Insan. Kasi ex na kayo di  ba? Ok ba   yung naging break-up nyyong dalawa?

Hindi eh. Alam mo ba  yung akala nya masaya pa ako sa kanya pero hindi na. yung bigla akong nakaramdam ng kawalan ng gana. Oo, inaamin ko kahit papaano minahal ko talaga siya pero ang masama dun, nung nagsawa na ako, iniwan ko siyang lutang na lutang.

Shit, ang drama mo Insan! Hindi bagay sa’yo. Hahhah. Pero kahit na ganun Insan, dapat maganda yung paghihiwalay nyo. Hindi yung biglaan ang sakit. So ano ang plano mo kapag andito na sya? At kailan siya pupunta rito?

This week na. Hindi ko lang alam kung kailan. Tsk. Naguguluhan ako Insan. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. Sa cellphone lang kasi kami nagbreak.

Kaya mo yan. Kung ano yung nilalaman ng puso mo yun na lang ang gawin mo.

Bahala na Insan. Saad niya with a fake smile.

After a minute, ginulat naman kami ni Mam nang bigla siyang bumalik para sabihing next time na lang kasi magtatime na rin.

Sa classroom…

You may take your sit!

Bago tayo magsimula sa ating talakayan, nais ko munang sabihin sa inyo na madadagdagan na naman tayo. May bago kayong kaklase. Kinakausap lang siya ng principal at maya-maya ay nandito na siya.

Napansin ko namang biglang lumingon sa akin si Insan at pilit na ngumiti.

Okay lang yan! Sabi ko sa kanya.

At tulad nga ng inaasahan, nasa harapan na si Claire para magpakilala.

Good Morning! I am Claire Reyes. Saad niya ng nakatitig kay Insan.

Napakaganda pala niya. Swerte naman ni Insan. Hehehhe. Yun nga lang, hindi pa natin alam kung madudugsungan pa ang love story nila.

May mauupuan pa  ba si Ms. Reyes?

Sir wala na  po.

Okay, pansamantala, seatmates muna sila ni Mr. Santiago since one week munang absent si Ms. Collantes dahil may sakit daw siya.

Bigla namang nag-ouch si Martina at nag-inarte na dapat ay siya na lang daw ang itinabi kay Insan. Hahha. Pasaway talaga kahit kelan.

Pagkaupong-pagkaupo ni Claire ay nagstart na ang talakayan namin. Ramdam ko ang ilangan ng dalawa sa unahan. Si Insan sa labas nakatingin habang si Claire naman ay panay ang lingon sa kanya.

Hmmm. Parang interesting ang story ng dalawang ito ah.

Buti pa si Insan.. eh ako? Tsk.. pinakacomplicated pa sa complicated. Tsk..

MANHID Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon