MANHID: CHAPTER 10

720 13 3
                                    

MANHID

Supladongtorpe09

Heto na….  Magsasalita na siya.

Kailang ba ang huling oras na napakinggan ko ang boses nya?

Hayyyy.. Kakamiss na talga ang babaeng ito. Parang ang dami ko nang hindi alam sa kaniya kahit buong bakasyon lang kami hindi nagkausap.

Bakit ko ba kasi hinayaang mangyari ang lahat ng ito?

Parang pinakawalan ko na rin siya.

Mahal ko siya pero bakit nagpatalo ako.

Mahal ko siya pero bakit hinayaan kong mapunta siya sa iba?

Simple lang ang sagot ko…

Ayaw ko kasing masira ang maganda naming samahan. Magbestfriends kaming tatlo kahit ngayong parang malabo na.

Hindi naman ako bitter eh. Hindi ko masyadong dinamdam ang hindi nila pagkibo o pagpansin nila sa akin dahil mahalaga sila sa buhay ko at ayaw kong masira ang lahat ng dahil lang sa isang tampuhan.

Kung anuman ang dahilan nila, tatanggapin ko yun at uunawain ko sila.

Basta ang mahalaga, BESTFRIEND ko sila at  hindi ako ang nagsimula  o nagbigay ng dahilan para masira iyon.

Para na naman akong  baliw na kinakausap ang sarili dito. Si Efren ay parang hindi mapakali na parang maiihi o kinikilig sa upuan niya. Magtataka pa ba naman kayo?

Nasa unahan ang sweetie pie nya eh. Yung GIRLFRIEND niya. Hhhhhmmmm..

Napansin ko namang nag “thumbs up” sign siya sa unahan na siya namang dahilan para mabaling ang atensyon ko.

Good Morning everyone. Ako si Kathrine Dela Cruz. Ang babaeng nagpatibok sa puso ni Efren.

HANUDAW? Ang babaeng nagpatibok sa puso ni Efren? Tsk.. kung alam mo lang Kathrine, pati utak ko tumitibok na rin para sayo! Mahal din kita alam mo ba yun?

Sakit naman sa balat ng sinabi mo eh. Tama na. Sapat nang dahilan ang Makita kayong Masaya para maskatan ako. Pero ang sabihin mong mahal mo siya, eh para mo na rin akong piñata nun.. huhuuhu..

Simple lang ako. Cute, sporty at friendly. Masayahin ako at mababaw ang kaligayahan. Simpleng bagay lang basta mula sa taong mahal ko, sobra sobrang kaligayahan na ang dulot nun sa akin.

Kuntento ako sa buhay ko at mayroon akong apat na lalaking pinahahalagahan at minamahal.

Una, siyempre si God, pangalawa si Papa, ang aking pinakaguwapong boyfriend… na walang sawang umuunawa sa akin at nagmamahal. Siguro kung wala siya hindi ko makakayanang mabuhay sa mundo. Siya ang lakas ko at ang tubig kapag uhaw na uhaw na ako.

Hindi ko man nasasabi o naipaparamdam na mahal ko siya, siguro sa paraang ito ay makabawi ako sa kanya.

Okay.. siya na.. Siya na ang mahal mo. Magsama na kayong dalawa! Huhuhu.. ang sakit!! Sobrang proud naman si Efren sa mga narinig niya at nakuha pa niyang pumunta sa unahan at hinug si Kathrine. Kaya yun, parang may concert ang Maroon 5 sa classroom naming.

Ako? Eto, buhay pa… huhuhuh…

At isa pa, (pagpapatuloy ni Kathrine) may isa pang lalaki sa buhay ko na lubos kong pinasasalamatan.

Siya si…

MANHID Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon