MANHID: CHAPTER 11

685 14 19
                                    

MANHID: CHAPTER 11

Ni Supladongtorpe09

May isa pang lalaki sa buhay ko na labis kong pinahahalagahan. Siya yung taong naging  lakas ko sa loob ng mahabang taon. Yung taong hindi nagsawang unawain ako at pasayahin sa mga panahong down na down ako lalo na nung bata pa kami. Napakaimportante niya sa buhay ko at masasabi kong hindi ako buo kapag wala ang mga corny niyang jokes at mga nakakatawang dance moves. Hahhah.. sobrang saya ko nung araw na ginawa nya yun para mapatawa ako.

Pinipigilan ko lang ang pagtawa ko nun para hindi pa tumigil sa pag-iyak kahit totoong nabawasan na yung sakit na nararamdaman ko kasi nga pinagtitripan ko na siya para gumawa ng mga simple at nakakalokong bagay na makakapagpasaya sa akin. Tapos yun, sobrang saya ko nang bumalik siyang may dala-dalang pink na gumamela which is yung favorite kong flower kasi yun yung madalas na ibigay sa akin ng Papa ko.

Huh? Ano ba ang mga sinasabi mo Kathrine? Sus! Ikaw talagang babae ka! Kung hindi lang kita mahal nabatukan na kita. Ahahha. Lakas mo rin palang mangtirp ah.. Pinagtitripan mo lang pala ako. Ahahha. Kung sa bagay, nag-enjoy din naman ako at yun ang isa sa mga hindi ko malilimutang karanasan kasi nga, napasaya kita at napatawa nung araw na yun.

Sana hanggang ngayon ako pa rin ang nagpapasaya sa’yo Kathrine. Bakit ba kailangang humantong sa ganito ang lahat? Kung wala lang sanang Efren sa buhay natin Masaya n asana tayo ngayon. Pero anong magagawa ko, mahal mo siya at mahal ka rin  niya.

Extra lang ako sa love story nyo. Pampagulo lang. Hanggang dun na lang ako. Pero hindi ako magsasawang maghintay para tayo naman ang bumuo ng magandang istorya. Yung tayo lang dalawa at walang asungot na hahadlang sa atin.  Mahal na mahal kita Kathrine.. Higit pa sa buhay ko. Sana, pag dumating na yung araw na hindi na siya ang mahal mo, ako naman ang mahalin mo.

Napabalikwas naman ako nang marinig ko ang malakas na kalabog sa bandang kaliwa ko. Si Efren, nahulog ata yung bag niya at ang masama pa, lahat ng laman nito ay natapon kaya nakaagaw siya ng atensyon. Tinaong siya ni Sir kung okay lang siya pero sabi niya okay lang daw siya. Napako naman ang atensyon ko sa magandang anghel sa harapan ko nang muling magsalita si BEBE ko! Ahahha.

Kaso, parang hindi kami okay ngayon kasi nagkaroon kami ng konting tampuhan o misunderstanding. Medyo umiwas kasi ako sa kaniya kasi nga… complicated eh. Saka, wala na akong time masyado kasi nga, kapiling ko na ang pinakapogi at pinakapoging pogi sa buong mundo! Ang pinakamamahal kong Efren.

Pero nais ko lang malaman niya, na kahit anuman ang nangyari, hindi nagbago yung pagtingin ko sa kanya at pagpapahalaga bilang bestfriend ko.

Salamt Enzo Delos Santos. Mahal na mahal kita…

Bilang kaibigan…

Mahal na mahal din kita Kathrine…

HIGIT PA SA KAIBIGAN!..

:’(

MANHID Where stories live. Discover now