MANHID:Chapter 5

1.1K 25 12
                                    

Manhhid

©supladongtorpe09

Napuno ng malakas na tilian at hiyawan ang room namin. Hanggang ngayon yata ay star strucked pa rin kay Sir Saavedra. Samantalang ako at ang dalawang nilalang sa tabi ko ay wala paring imikan.

Ok class enough!

Please minimize your voice.

Tumigil naman sa pag-iingay ang mga kaklase namin at matamang nakinig kay Sir.

Since start ngayon ng klase, we are going to have an activity na which aims na mas magkakilanlan pa kayo kasi alam kong hindi pa naman kayong  magkakilala lahat.

Simple lang naman ito pero I hope na you will find it interesting and memorable.

Simple lang, you are going to make a short introduction about yourself and then afterwards, kailangan nyong lumapit sa isang taong gusto nyong makilala, pasalamatan o kaya naman ay hingan ng sorry kung may nagawa man kayong hindi magNda sa kaniya.

If you want it to become more romantic, you can also offer her/him a song for you to let her/him feel your sincerity.

Mukha namang interesado ang lahat kasi wala kang mapapakinggan kundi ang ingay mula sa ceiling fan at siyempre ang boses ni Sir. Busy siguro lahat sa pag-iisip kung ano ang gagawin mamaya.

Ok class naunawaan nyo ba?

Yes Sir!

Who wants to volunteer! Oh, kung hindi ako nagkakamali class, may new classmate kayo. Transferee siya mula sa San Beda. May I call on to Mr. Ian Akihiro Santiago?.

Confident namang tumayo ang pinsan ko at nakangiting humarap sa amin.

Good morning Sir, good morning classmates. I am Ian Akihiro D. Santiago. 15, a writer, a dancer, and a certified Pogi.

Naks! grabe talaga ang kakahatan ng pinsan ko oh. Kailangan ba tlaga niyang iemphasizw yung salitang pogi. Kasi nagpogi sign pa siya na siya namang  ikinakilig ng lahat ng babe at bading kong classmates.

Kumindat pa siya  sakin at nag okay sign pa.

Kung mayroon man akong tao na gusto kong pasalamatan dito, I think siya yung pinsan ko na bestfriend ko na pogi ring tulad ko.

Siya si Enzo delos Santos. Pero alam ko namang mas guwapo ako sa kanya kaya sorry dude, talo na kita. ahhaha.

Halos lahat naman ng mata ay napansin kong tumingin sa akin at napansin kong lahat sila ay nakangiti. Mukhang hindi na nagtaka na pinsan ko si Ian kasi nga kitang kita naman ang pruweba. ahahha..

Pinasasalamatan ko siya kasi kahit hindi kami ganun katagal nagkasama hindi nya pinaramdam sa akin na hindi  ako ibang tao.

Simul nung vacation siya na yung nakasama ko kaya hindi ako naging mangyan sa lugar namin. Salamat bestfriend/pinsan! Love you!

ahahah.. loko talaga itong pinsan kong ito. Mapagkakamalan pa ata kaming magkarelasyon eh. May pa i love u pa kasing nalalaman.

Lalo tuloy lumakas ang hiyawan at halos sumakit ang tiyan ko sa pigil na pagtawa kasi napakinggan ko ang bulong ng nasa unahan ko. Nagrereklamo ata.

Huy! kung makasigaw ka naman parang wala nang bukas? Pwede bang hinaan mo yang boses mo o kung sisigaw ka man pakitakpan na lang yNg bibig mo. Umuulan na kasi ng laway dito oh. Palibhasa kasi hindi ka mn lang ata nagtutoothbrush eh.

Mahiya ka rin ha pag may time?

Napahiya naman yung sinabihan ni Nadia ba yun. Kung hindi ako nagkakamali si Jia yun, yung kaklase naming kamukha nung baboy dun sa angry birds. Hahhah. Di ba siya yung napabahing at pumutok ang lalamunan kaya hindi napakinggan yung utot ni Kathrine? Ahaha oo siya nga yun. Buti na lang at hindi pa pala siya natatanggal sa star section kahit nangongopya lang sa katabi. hahah

Uupo na sana si Insan nang bigla namang nagtanong ang classmate namin kabayo este bading pala na si Mario.

Ah fafa Ian, ano ang number mo este ano pala yung reason ng pagtransfer mo sa school namin?

I guess with that matter, I wanna keep my mouth shut. Maybe next time??

Ahaahaha nice one couz! Napahiya naman si Mariong bading sa ginawa mo.

Sa ginawa nyang yun ay mas lalong lumakas ang tilian dala na rin siguro ng pagkakapahiya ni Mario. Naging tampulan din siya ng tukso samantalang nakangiti namang umupo si Insan sa unahan ng row 2.

Okay thank you Mr. Santiago.

Sumunod na ang ikalawa, ikatlo at ang iba ko pang kaklase hanggang sa kaming tatlo na lang tatlo ang natira nina Efren at Kathrine.

Tatayo na sana ako para sumunod ngunit bago pa man ako makakilos ay namalayan ko na lang na nasa unahan na pala si Efren.

Mariin siyang tumingin sa aming dalawa ni Kathrine bago siya nagsalita...

MANHID Where stories live. Discover now